uhmm.. hello there.. thanks for reading...
click the song on the right corner.. well actually its a video.. maganda po yung song na yan... click nyo para nakakaiyak naman kahit konti.. haha... trying hard lang...
salamat ulit sa pagre-read..
_____________________________________________________________________________
Hindi ko alam kung ano dapat ang aking maramdaman ngayon,, masyadong magulo ang isip ko, ang puso ko..
Hindi ko gustong mawala siya sakin, mahal ko siya… mahal na mahal,, pero matapos kong pag isipan to, sa wakas nakapagdesisyon din ako.. magiging Masaya nalang ako.. ng wala siya..
“Edward,..”
“sophie.. ano…?”
“usap tayo? Okay lang?”
Kumunot ang noo niya pero tumango siya pag-katapos,, nagpunta kami sa may fire exit para mag-usap.
“Im sorry Sophie,alam kong alam mo na ang katotohanan, na kami na ni Patricia, na niloko kita, sinaktan, kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo kundi sorry, alam ko mali ako,…. Ala….”
“ok lang” hindi ko na siya pinatapos… ayokong umiyak,, ayokong maawa siya sakin,, ayoko ng masaktan.. tama na. tama na.!
“hindi mo na kailangang mag-paliwanag pa Edward, ikaw na rin ang may sabi,.. alam ko na, naiintindihan ko naman kung siya ang pinili mo, dahil hindi mo naman siya mamahalin kung totoong minahal mo ako, ayokong masaktan, pero nasasaktan ako..
sobra sobra Edward….
Sobra sobra na parang gusto ko nalang umiyak, sana lang, kapag magkita tayo, hayaan mo na muna ako, hanggat hindi pa ako okay,
siguro nga hindi tayo ang para sa isat-isa, siguro nga hindi tayo ang itinadhana pero pangako ko sayo, kapag okay na ako at kapag kailangan mo ng kaibigan andito lang ako,, hindi kita iiwan at handing makinig at sandalan. Bye Edward.”
Tumalikod na ako,.. aalis na sana ako hanggat hindi pa tumutulo ang mga luha ko, pero hinawakan niya ang kamay ko at niyakap.
“Sophie, Im sorry, .. I know this wont end the pain that I have caused you, or that I am causing you right now,
tinanggal niya ang pagkakayakap niya sakit pero hawak niya pareho ang balikat ko habang nakatingin siya sakin… sa aking mga mata..
but I truly am sorry..”
I managed to fake a smile and nod. “okay lang Edward, sige ingat ka nalang palagi, alagaan mo si Patricia at wag mo na siyang pakawalan.. huawag mong hayaan na mawala siya syo.”
he nodded and I walked straight, without looking back.
“bessy, kamusta? Anung nangyari kanina?” tanong ni Bessy sakin habang kumakain kami sa Mcdo.
“hmmm,, wala naman, okay na kami, may closure na. and now…. Kain muna tayo, gutom na talaga ako ehhh.. “ hindi ko alam kung anung sasabihin k okay bessy kaya mabuti pa sigurong wala muna akong sabihin sa ngayon.. alam na naman niya at ni Crissy yung plano ko.. ok naman daw yung desisyon ko… ok nga ba?
“haaayy,, Bessy, malapit na ang summer break natin.. sa wakas.. kahit 2 weeks lang yun, pwede pa rin tayong mag outing… tara?”
“hmmmm,, pagiisipan ko, gusto ko sanang magpahinga muna ehhh,, tsaka ayaw ko na munang umalis sa bahay kapag umuwi ako dun.. para naman makasama ko sina papa at mama,, uuwi din kasi sina kuya ehh.. sama ka nalang o kayo ni Crissy kapag magouting kami.. ano game ka?”
“oo nga nohh,, sige ba.. nakakamiss din sina tito ehh.. talaga? Uuwi sina kuya mo? si Aldrin?”
Haaayy naku.. eto talagang si Thea,, halatang halata na may gusto kay kuya pero ayaw aminin… OBVIOUS na OBVIOUS naman.. tsss
“oo, andun si kuya Aldrin,, nag promise siya sakin ehh.. tsaka.. teka lang,, kala ko ba wala kang crush kay kuya.. bakit siya kagad hinanap mo?”
“haaahh?? -____- ahhhh.. wala,, masama bang hanapin siya? Mabait kasi yung si kuya Aldrin,, tsaka close kami, kaya siya kagad hinanap ko,, kaw naman, hili mong lagyan ng kulay ang mga bagay bagay..”
Hahaha.. nakakatawa.. buti nalang talaga andito si Bessy, at least may mapapaglibangan ako..nakakawala ng problema yung mukha nya.. parang natatae sa kakadeny.. baliw talaga tong babaeng toh..
“Bessy, hindi naman masamang magka crush ka kay Kuya ehh,, ok lang yun nuh.. naiintindihan ko naman, kasi POGI naman talaga si kuya, MABAIT, GENTLEMAN at higit sa lahat…hindi MANLOLOKO.”
“ahem, Bessy,,kailangan talaga ipag diinan yung hindi MANLOLOKO? Alam ko naman yun ehhh,, haaayy naku bessy,, bakit ko naman itatago sayo kung may crush talaga ako sa kuya mo? ABER?”
“kasi po, ayaw mong malaman ni kuya na may crush ka sakanya, kaya ayaw mong sabihin sakin.. as if naman sasabihin ko kay kuya nuh…”
“haaaayy naku.. bahala ka nga,, basta ako? Kakainin ko na tong Mcflury ko,, kasi PO natutunaw na. period.”
At kinain na nga nya yung flury.. parang bata lang.. tsssss.. ^_______^
“hahahaha… bahala ka din jan.!!”
BINABASA MO ANG
A TWIST OF FATE (sloooooooow update)
Romancemahal mo siya, may mahal siyang iba... masakit di ba? ,,pero biglang may dadating na magpapalimot sayo ng lahat... pero panu kung kailan nagmomove on kan,, tsaka naman babalik ang taong minahal mo nung una.... sinong pipiliin mo? yung taong sobra m...