KALEIDOSCOPE: CHAPTER 4
I.
CHITTAPHON
“Ang tanga! Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan, Ten! Bwisit ka at ‘yang letcheng ego mo!” Inis na inis kong komento sa aking sarili sabay dukdok ng aking pagmumukha sa malambot na unang yapos-yapos ko ngayon.
Bwisit. Ang sarap ipabaril ng sarili ko ngayon. Sarap ipatapon sa tabing-ilong saka ipa-hazing sa mga taong kabilang sa isang fraternity. Sarap pakainin ng prutas amputa.
Bakit? Bakit nga ulit napakakapal ng mukha kong sabihin pa talaga lahat ng ‘yon? Bakit nga ba ulit wala masyadong preno ‘tong hayop na bunganga ko?
Hindi pa rin talaga mapawi-pawi sa isip ko ang bawat salita’t letra na binitawan ko kay Jaehyun kanina. Para ‘tong sirang plaka na nagpapaulit-ulit na lamang sa utak ko.
Kitang-kita ko kung paano bumakas sa mukha ni Jaehyun ang isang hindi ko malamang o nakakalitong ekspresyon kanina.
Para siyang. . . na-offend at na-guilty? Hindi ko alam pero ‘to lamang ang unang pumasok sa utak ko nang makita ko ang mukha niya at matauhan na ako mula sa pinaghalong galit at inis na bigla na lamang umusbong sa kalooban ko, na animo’y ako lamang ang laging nasasaktan at nahihirapan dito sa mundo, ni hindi manlang sumagi sa isip ko ang maaari niyang maramdaman sa mga salitang bibitawan at sasambitin ko.
Tangina naman, Chittaphon, kakahingi mo lang ng tawad sa kanya tapos ano pang ka-punyetahan ‘yang ginawa mo? Ang kapal naman pala talaga ng bilbil mo at ganyan pa ang pinagsasasabi mo’t inasta mo sa kanya pagkatapos niyang maging mabait sa ‘yo at suklian ang kahihiyang idinulot mo sa kanya ng isang maganda. Wala kang utang na loob.
“I’m here, I’m here for you. I can be your life vest.” Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi purong sinseridad at pag-aalala dahilan para panandalian akong tumikhom o manahimik saka ko aligagang iniiwas ang mga mata ko sa kanya.
Bakit ba ang bait niya? Siguro kaya halos lahat na ng tao ay gusto siya dahil bukod na nga sa mukhang taglay niya eh may gan‘to pa siyang klase ng ugali.
Pero bakit gan‘to ang nararamdaman ko? Bakit parang may namumuong inis sa kalooban ko? Teka, inis nga ba ‘yon o iba pa na hindi ko lang talaga sadyang matukoy kung anong klase ng emosyon ‘yon?
I tightly clenched my right fist as I eyed him again, clearing my parched throat.
“Bakit?” Kunot-noong bigla kong tanong sa kanya na mabilis namang nakapagpakunot din ng noo niya’t nakapagpasalubong ng kanyang mga kilay sa isa’t isa.
“Bakit? I just want to help you. I want to give you a hand.” Mahinahon niyang sagot kahit na ramdam kong sa loob-loob niya’y bahagya pa rin siyang nalilito sa itinanong ko kanina. Naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na mistula bang unti-unti nang umaapaw sa kalooban ko.
Hindi ko intensyon na saktan siya o pagsalitaan ng mga salita’t letra na nagsisimula nang bumaha sa isipan. Alam ko, alam kong makakasakit lahat ng ‘yon. Bakit ba gan‘to ang mga ideya’t katagang namumuo sa isip ko? Bakit. . . ang sasakit at ang sasama?
BINABASA MO ANG
Kaleidoscope » Jaeten ✧
FanfictionKA•LEI•DO•SCOPE \kə-ˈlī-də-ˌskōp\ noun - : a tube that has mirrors and loose pieces of colored glass or plastic inside at one end so that you see many different patterns when you turn the tube while looking in through the other end: a changing patte...