Simula

17 0 0
                                    

Paulit ulit na mga sigaw, palahaw at mga iyak. Ayan lang ang palagi kong naririnig. Hindi ko alam kung bakit pero mistulang lahat ng ito ay totoo. Na tila bawat hinagpis nila ay nadarama ko.

"Babangga tayo! Ayaw ng gumana ng preno. Kumapit kayo ng mahigpit." Saad ng driver.

Lahat nagkakagulo na lahat umiiyak at natataranta.

Isang kamay ang humawak sakin, hindi ko sya kilala at halos mapapikit na lamang ako sa higpit ng hawak nito sa aking braso.

"Wag kang bibitaw."

Nakakabingi. Wala na kong ibang nagawa kundi ipikit ang mata ko. Tanggapin ang masamang pangyayare na sisira sa pangarap ko.

*bogsh blag plash*

Halos kapusin na ko ng hininga ng imulat ko ang aking mga mata. Ito na naman yon, palagi ko na lang itong napapanaginipan.

"Nanaginip ka na naman ba?"

Napatingin na lang ako kay Ellaine ang aking pinsan.
Tumango naman ako saka isinuklay ang aking mga daliri sa aking buhok.

"Hindi ko alam ellaine pero madalas kong mapanaginipan yon. Diba naikwento kona sayo?" Saad ko.

"Oo yung sigawan iyakan ng mga tao? Ang weird lang bakit yon lang ng yon ang napapanaginipan mo?"

Napailing na lang ako sa tanong nya.

"Hindi ko din alam."

"Wag mo na lang pagtuunan ng pansin. Wala lang siguro yan." Nasabi na lang nya.

Tumayo na ko sa kama saka dumiretso sa kusina para magluto. Hanggang sa matapos akong gumawa ng mga gawaing bahay ay hindi pa din maalis sakin ang panaginip na yon. Ikaapat na beses ko ng napanaginipan yon, nakakapagtaka lang na iisang pangyayare lang ang lahat. Nakakatawang naghihintay ako ng karugtong non pero wala naman. Ayon at ayon lang ang napapanaginipan ko.

"Papasok kaba ngayon?" Tanong ni Ellaine.

"Oo, sayang naman kasi at konting araw na rin naman." Saad ko.

Tumango na lamang sya saka lumabas ng bahay.

Tatlo lang kami sa bahay, si mama ako saka si ellaine lang. Maagang naulila si Ellaine kaya naman si mama na ang tumayong magulang nya at ako naman ang naging kapatid nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A 30 Days Dream With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon