Carlo's POV
Weeks passed at nakilala ko narin yung babaeng pinipilit ikasal sakin.
Ang name niya? Shane,Shane Tolentino. Mabait naman siya eh,matalino at mestiza rin.
Halos lahat ng features niya, parang si Anna. That makes me miss Anna more.
And speaking of Anna,nagkikita parin kami.
Yun nga lang,di na katulad ng dati na hindi namin kailangan magkita ng patago.
Akala ng parents ko na nakipagbreak na ako sakaniya. But no,I will never do that.
I will never leave her.
Ayokong maranasan niya yung naranasan niya dati.
Iniwan lang siya ng unang taong minahal niya. Kahit di ko pa nararanasan yun,alam ko ng masakit yun.
Maisip ko pa nga lang na ikakasal ako sa iba masakit na eh.
Updated parin naman ako sa mga ginagawa niya, alam ko may pupuntahan sila ni Chandria ngayon.
Kahit mahirap na itago itong relasyon namin,laban parin kung laban.
Bakit kaya minsan ang sakit magmahal?
Siguro kase nagtake tayo ng risk.
Love is a risk.
Kung magmamahal ka,dapat handa ka ring masaktan,magsacrifice,at maging matatag.
Kase ang kung hindi ka handang masaktan,magsacrifice, at maging matatag...talo ka.
Paano ka magiging matatag kung iiyakan mo lang lahat?
Paano ka matuto kung hindi ka masasaktan?
Paano kayo sasaya kung hindi ka magsasakripisyo?
Lahat naman yan worth it kapag nalagpasan niyo yung mga pagsubok eh.
Kaya sana,malagpasan namin itong pagsubok na ito.
Chandria's POV
Andito kami ni Anna sa restaurant. Finally,mame-meet na niya ang Parking 5.
Kaso parang sinapian nanaman si Lester ng katamaran niya kaya ang tagal na naming naghihintay sakaniya dito na tipong kanina pa kumakalam mga tiyan namin.
"Guys,order na kaya tayo?" Sabi ko
"Oo nga,tagal nung asungot na yun eh" sagot ni JC
"Oh sige kami nalang ni Kats ang oorder ano mga gusto niyo?" Sabi naman ni Seth.
Nagsabi kami kung anong gusto naming kainin at umorder na sila Seth.
-Ring ring ring-
May tumatawag.. Si Christian.
"Uhm bes, JC wait lang ha. Labas lang ako,tumatawag si Christian" excuse ko sakanila.
"Sure,sige" sagot ni Bes
"Hello baby?" Panimula ko.
"Hello baby,ano kamusta na kayo diyan? Kumpleto na ba kayo?"
"Di pa naman, ang tagal nga ni Lester eh,kaya nag-order nalang muna kami ng makakain." Sagot ko
"Hay,ganyan talaga si Les. Masanay na kayo na laging late yan. Lagi niyang hinihintay na sumapi sakaniya si kasipagan eh. BTW sige bibilisan ko na yung trabaho ko para makapunta na ako diyan" Christian.
"Just take your time Christian,baka di ka maka-concentrate diyan. Di naman kami aalis ng wala ka eh."
"Thanks baby,site andyan na client ko. Bye,I love you"
BINABASA MO ANG
Something New In My Life ♥ [Everything - Book 2]
FanficAfter 'Everything', Chandria,Christian,Rina,Anna,Karen,Beatriz,Michelle,Regin,Lean,Carlo and Bryan will face another chapter of their lives. New persons, New friends, New enemies ,and New problems....