Characters:
Trisha Jamia Valdez : 18 years old at isa siyang waitress sa isang sikat na restaurant, mayaman ang kanyang pamilya at meron siyang mas matandang kapatid na lalaki at siya ang nagma-manage ng kanilang company. Siya ay nasa FOURTH YEAR in HIGH SCHOOL. Isang nerd at lagi nalang siyang binu-bully ng kanyang mga school mate.
Thunder Jade Valdez: ang gwapo , maalaga, at mapag-mahal na kapatid ni Trisha.
Sandy Ferrer: matalik na kaibigan ni Trisha.
Manong Niño: masipag na driver ng Valdez.
Taylor Cruz: malditang pabida, dakilang malandi. (A/N: Oopsss sorry sa word!!😅)
Henry Paul Lim : perfect guy pero medyo may Sapak. (😂😂😂)
Marvin Montales & Ramson Sanchez : Bestfriends ni Henry.
Olivia Bernardo & Richelle Garcia : alipores ni Taylor.
Gilbert De leon: Abangan!😉
*--**--*--*--*---*--*--*--*--*--*---*--*--*--*--Please support my new story and thank you po sa lahat ng nagbabasa na ng First at Second story.
Paalala:
#PLAGIARISMISACRIME 😊
Trisha's POV
"Trisha, Trisha, Trisha, Gising na papasok ka pa sa School!!!"
sigaw na nakakarindi ni kuya.Agad naman akong napabalikwas ng bangon at nagmadaling lumabas ng aking kwarto. Ay nakalimutan ko yung salamin ko!
Bumalik ako sa may kwarto at hinagilap ang aking salamin na agad ko din na hanap. Lumabas na ako ng aking habang sinusuot ang aking salamin. Nakita ko si kuya na sumisimsim ng kape at naka upo na sa may hapag-kainan.
"Good morning my handsome Brother!!" Bati ko sa kanya at nagtungo na ako sa harap niyang upoan.
"Kain kana baka ma-late ka pa." Seryosong sabi niya at walang emosyon. Bad mood ang unggoy!
"Ok po kuya!"
Nagsimula na akong kumain at mabilis din akong natapos kaya naman agad akong nagtungo sa aking kwarto para maligo at magbihis na.
Nakabihis na ako kaya kinuha ko na lahat ng aking mga gamit. Pababa na ako ng hagdan ng biglang sumigaw si kuya.
"Trisha bilisan mo! May meeting pa ako!!"
"Opo eto na kuya!"
Binuksan ko na ang pinto at lumabas saka ko sinarado ulit. Nakita ko si kuya na nasa loob na ng kotse kaya pumasok na din ako sa kotse at nasa may Passenger seat ako kaya katabi ko siya.
"Ayusin mo nga yang buhok mo para kang aswang!" Suway niya sa akin. Di pa ba siya nasanay sa itsura ko! "Hoy kung ano-ano nanaman iniisip mo! Ayusin mo na yang buhok mo!"
Sobra naman tong si kuya! Inayos ko na ang buhok ko, sinuklay ko na. May biglang inabot si kuya na hair clip at tinanggap ko naman saka ko nilagay sa aking buhok.
" Kuya saan mo nga pala nakuha tong hair clip!?" Natatawang tanong ko eh pano naman kasi kalalaking tao may hair clip at may design pang bulaklak.
"Syempre binili ko alangan namang pinulot ko lang !"
"O-ok."
Hindi na ako muling nag-salita dahil galit siya at bad mood. Nakarating na kami sa tapat ng school .
"Kuya mauna na ako!"
"Sige, magingat ka at nilagyan ko na ang bank account mo. Saka si manong manong Niño na ang susundo sayo mamayang hapon."
"Thank you kuya!"
Bumaba na ako ng sasakyan at agad kong nahagip si Sandy na nakaupo sa may waiting area. Umalis na si kuya kaya naman pinuntahan ko na si Sandy.
"Sandy!" Tawag ko sa pangalan niya kaya napa lingon siya sa direksyon ko. Kumaway siya sa akin at kumaway din ako.
"Ang tagal mo naman! Saan na nga pala yung kuya mo si thunder?"
"Yiieeeeh!! Crush mo si kuya no!?"
Bigla nalang siyang namula sa sinabi ko."A-amh hi-hindi..... bakit bawal na bang magtanong?"
" Wala na siya umalis na may importante siyang pupuntahan!"
"Ah ok, tara na nga baka ma-late pa tayo!"
Tumango nalang ako at hinawakan ko ang kamay niya para sabay kaming maglakad. Sa aming paglalakad may nahagip ang aking dalawang mga mata na sadyang ikinagulat ko... ay mali hindi na pala dapat ako magulat sanay naman na akong nakakakita ng ganitong eksena.
Nakikipag halikan si Taylor kay ................. kay GILBERT!!!! WAAAAAAAHHHH!!! Ang pagkakaalam ko si Taylor ay may boyfriend at ang boyfriend niya ay si Henry. What's happening!!??
Nilabas ko yung cellphone ko at boom in-video ko. Sigurado ako isa itong ibidensya sa isa nanaman niyang kalandian.
"Hoy ano yan!" Sita sa akin ni Sandy na ikinagulat ko at muntik ko pang mahulog ang cellphone ko.
"Ano ba naman best nakakagulat ka naman! Nagbi-video lang ako ng magandang eksena tara na nga!"
Hinila ko ang kanyang kamay patungo sa direksyon ng aming classroom. Dumeretso kami kung saan ang aming mga upoan, magkatabi ang aming mga upoan kaya malaya kaming nakakapag-usap. Andito na lahat ng aming kaklase maliban kay Taylor. Ang boyfriend naman niyang si Henry ay bussy pakikipagtawanan kila Marvin at Ramson. Nagtama ang paningin namin ni Henry at nagkatitigan.
"Hoy anong tinitingin-tingin mo dyan hah!" Sigaw niya kaya iniwas ko ang aking paningin.
"Best wag mong tignan baka mapa subo pa tayo eh!"
"O-oo!"
Susunod.....
*"*Please vote po at magiwan ng kahit konting comment😘
BINABASA MO ANG
The FASHIONISTA, SADISTA and NERD (Editing)
General FictionThe FASHIONISTA, SADISTA, and NERD Tatlong babaeng magkakaiba ang katauhan. FASHIONISTA- siya ang laging maganda at maayos ang pananamit. Hindi naman siya maarte at sa totoo lang sa kanilang tatlong magkakaibigan siya ay pinaka maraming Crush. Siya...