The Lucid

89 2 0
                                    

The Lucid (Leans vs. Mnemos)

Pacific's Pov.

"Sa wakas nakita na kita. Ang huling itinakdang duke. " Ngumiti ng masama sakin ang lalakeng nagbukas ng pinto. Marahas akong nilabas doon at pinaluputan ng braso ang leeg ko.

Hawak din nila si Shade. Pero sa paraan na hindi sya masasaktan. Nanghina ako bigla. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong makita si Shade na nahihirapan.

"Wag mong sasaktan si Pacific!" Napalingon agad ako. SinigaWan ni Kuya Horizon ang lalakeng may hawak sakin. Lalong hinigpitan ung kapit sa leeg ko kaya halos hindi ako makahinga. Nagpupumiglas ako pero may naramdaman akong baril na tinutok sa likod ko.

"stay still." bulong nya sakin na nakapagpatayo ng mga balahibo ko.

"Kailangan syang patayin kung hahadlang sya sa takda. Gawin mo ng maayos ang trabaho mo Duke."

Patayin? Sino? Bakit? Bakit may patayang magaganap?

Anim silang nag uusap usap. Si Kuya Horizon na tila ba nag iisip, Ang lalakeng may hawak sakin ngayon. Dalawang lalake na hawak si Shade. Ang Elluk na nagpakilala sakin at ang nakababata kong kapatid na si Hemisphere.

"Kill Him! Now!" Sigaw nung Elluk kaya naalerto ako. Papatayin ba nila ako? Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaliwa't kanan. Ano ba talagang nangyayari?

Tatanungin ko sana si Kuya Horizon dito.

Tama.

Mali.

Pagkalingon ko sa kanya ay baril ang sumalubong sakin. Hawak ni Kuya ang baril at nakatutok sa ulo ko.

"Patawarin mo ko." bulong nya sa hangin.

Nanigas ang katawan ko. Nanlaki ang mga mata. Shift! Papatayin ako ng kapatid ko!? Sa mukha palang nya mukhang papatayin nya nga ako.

"Horizon No! Wag!" sigaw ni Shade.

Halos hindi ako makahinga ng may malakas na putok at maliwanag na ilaw ang sumalubong sakin.

"FCK!"

Napaupo ako bigla. Hinabol ko ang hininga ko habang hawak ang dibdib ko. Punyeta buhay ako. Buhay na buhay. Nilibot ko agad ang paningin ko. Nasa ospital na ba ako? Nasaan ako?

Nasa bahay ako. Nakaupo sa kama. Na parang panaginip ang lahat. Pinagpapawisan ako ng todo. Nanginginig ang buo kong katawan.

Punyateng panaginip yan.

"Kuya Fic! Ok ka lang ba?" napatingin ako sa pintong bigla na lamang bumukas.

Pumasok si Second, ang bunso kong kapatid. Mukhang napalakas ang sigaw ko kaya nag alala sya sakin.

"Anong oras na, Second?" kumunod ng onti ung noo nya. Na para bang sobrang random ng tanong ko. Tinignan nya ang relo nya at ibinalik ang tingin sakin.

"6:53 am kuya."

napatayo agad ako.

"Late na ko!"

"Kuya. Linggo ngayon." Napatigil ako sa sinabi ni Second. Linggo ngayon. At kahapon ay sabado, walang pasok. Napahinga na lang ako sa kama.

So panaginip nga lang ang lahat? Pero hindi. Hindi ako makapaniwala. Anong klaseng panaginip naman un diba?

"Si Horizon?!" Si Kuya agad ang naisip kong hanapin. Pinatay nya ako sa panaginip ko. Baka senyales na un.

"Err . .. Kuya, nakikita mo ba yang fountain pen sa table mo?" napatingin ako sa table ko sa bandang kanan ng kwarto. Nakakalat dun ung mga papel ko na drafts at ung fountain pen.

"Oh? Anong gagawin ko dun?"

"Pakipukpok po sa ulo nyo. Baka sakaling may maalala kayo."

napatayo ako bigla. Hindi kaya totoo ang lahat? Na nakulong si Kuya dahil dun? Na hindi un panaginip?

"Nasa kulungan si Kuya!?" di ko mapigilang itanong.

This time. Lumapit na si Second sakin. Kinuha ang fountain pen at pinalo ang ulo ko >_< . Mahina rin nyang tinapik ang pisnge ko.

"Bakit mapupunta sa kulungan si Kuya? Nasa Cavite parin sya. Hindi ba't pumunta sya nung friday?"

Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Hindi ako makapaniwalang panaginip lang un. Hindi naman sa gusto kong mamatay but it was weird. Too weird!

This time si Shade ang naisip kong kausapin. Tama, andun sya sa eksena kaya malalaman ko kung totoo un o hindi.

Calling Shade Yuno Ae Yuropeo

"Hmm?"

["Shade! Pwede ba tayong magkita?"]

"Cif naman! Ang aga aga! Mamaya kana!"

["Pero Shade! May itatanong lang ako!"]

"Ano?!"

["Naaalala mo ba ung nangyari sa school? Si Elluk?" ]

"Wala! Matulog kana ulit!"

["Pero Sh--*toot toot toot*"]

So panaginip nga ang lahat. Medyo na relief ako dun pero sobrang weird na panaginip un. Na kulang nalang maheart attack ka sa sobrang makatotohanan.

"PACIFIC KUMAIN KA NA!" napatayo agad ako sa sigaw ni Kuya Radii. May Almusal na!

Si Kuya Radii nga pala ang panganay namin. Radii Chaster Mossama ang buo nyang pangalan.

Dali dali akong bumaba at pumunta sa kusina. Hays, bakit ung bakante pa eh katapat si Mnemonics.

Mnemonics. Kapatid ko rin. Ang dakilang manlolokong ex bf ni Shade. Walo kaming magkakapatid. Lalake lahat. Ang weird nga rin ng mga pangalan namin.

Habang kumakain. Nagkukulitan at nagkukwentuhan lang sila tungkol sa mga bagay bagay.

"We need talk!"

Bakit ba hindi ako malubayan ng panaginip kong un!?

Kailangan ko ng prowebang hindi un totoo.

Pero pano?

"I won't. I promise."

Ung school! Ung school! Hindi un ganun kadaling maayos kung may mga barilan na naganap.

Napatayo agad ako.

"Oh Pacific? Pasan?" -Radii

"School." -Me

"Bakit?" -Mnemonics

"Project." -Me

"Pamasahe?" -Hemisphere

"Meron." -Me

"Ingat." -Lahat sila.

Dali dali akong nagbihis at umalis ng bahay. Walang ligo ligo! Kailangan kong malaman kung punyetang panaginip lang un o ano!

"Manong, Bayad ho."

sumakay na ako ng jeep at nagbayad. Maling jeep pa ang nasakyan ko kas bawat kanto ginagawang terminal. Haysh MANONG BILISAN MO! BINABAGABAG NA KO NG UTAK KO!

"Manong sa tabi lang."

at last! Pag baba ko ay tinakbo ko agad ang paaralan at pumasok sa loob.

Wala

Walang kahit anong sira

Walang mga dugo

So Panaginip nga lang ang lahat?

Napahinto talaga ako sa tinatayuan ko. Kulang nalang maestatwa ako. Andyan na oh! Yan na ang prowebang panaginip lang ang lahat! Bakit ayaw maniwala ng diwa ko? Bakit... Ugh!

"Mr.Mossama?" napalingon ako sa guro na tinawag ako.

"Ah magandang umaga po."

"Magandang umaga rin. Sya nga pala. Kailan mo balak ipakausap ang nakatatanda mong kapatid? Sabi mo ay busy sila? Linggo ngayon at baka may nakaday off sa kanila?"

Kingdom Of PhylemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon