Chapter 67

211 3 0
                                    

(A-Ches's P.O.V.)

Halos gabi na nang matapos ang pagpapaliwanag ni Tae Hyung sa lahat ng mga nakatuklas ng katotohanan. Kahit ako ay nagulat sa mga isiniwalat nya. Alam kong may pagkakamali si Tae Hyung pero hindi ko isisisi sa kanya iyon dahil mabuti rin ang hangarin nya para sa pamilya.

Alam kong sa sarili nya, nasasaktan din sya.

"Gusto ko nang umuwi," sabi ni Sir. Min at hinigit ako palapit sa kanya na nagdulot nanaman sa akin ng kakaibang pakiramdam

"Saglit lang kailangan pa ako ng kaibigan ko," sabi ko sa kanya saka ko sya inilayo sa akin

Tinignan ko si Tae Hyung sa malayo na halatang halata ang pagod at lugkot sa mga mata. Nagsisimula na rin ang ibang staff na ayusin ang lugar dahil patapos na ang event. Maraming kompanya ang nagdesisyong makipagnegosyo sa MY Company ayon na rin kay Sir. Kim.

"Kailangan nya rin ng oras para mag-isip sya ng sarilinan nya," sabi sa akin ni Sir. Min kaya napatingin ako sa kanya

"Hindi sa lahat ng panahon kailangan mo syang tulungan, wag mong sanayin ang kaibigan mong maging dependent lalo na at sya na ngayon ang CEO ng SunnyTech," dugtong nya na nagpagulo ng isipan ko, pero kasi...

"Sa iyo pa talaga nanggaling iyan ha, bro eh napakatamad mo," natatawang sabi ni Sir. Kim kasama si Shin Ah na mahinhin ding natatawa

"Seryoso ako ngayon Namjoon, wag mo akong simulan," banta ni Sir. Min

"Teka, anong nangyare sa kamay mo?" Tanong ni Shin Ah

Napatingin ulit ako sa kamay ni Sir. Min. Tumigil na ang pagdurugo nito dahil sa nakatapal na gasa.

"Wala lang ito, salamat kay A-Ches," sagot nya kay Shin Ah

Nagkatinginan kami ni Shin Ah at kitang kita ko ang nakakainis nyang ngiting tagumpay.

(Flashback)

"Sir. Min, gamutin muna natin iyang kamay mo," sabi ko pagkatapos makita ang mga patak ng dugo sa mga nadaanan namin

Huminto muna kami sa paglalakad at pumasok sa pribadong medical station ng MY Company sa event. Abala ang ibang medical staff kaya hinayaan nalang rin nila kaming dalawa dito sa loob.

"A-Ches," tawag nya sa akin habang nililinis ko ang kamay nya, napaangat ako ng tingin sa kanya

"M-Mahal mo ako?" Tanong nya kaya bigla akong namula at napaiwas ng tingin

"Sir, ang dami dami pong problema na kinakaharap natin ngayon, iyan pa ang itatanong mo?" Iwas ko

"Isang sagot lang naman ang kailangan kong malinaw, kung hindi mo sasagutin ang tanong ko..."

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon