Bitter 9

2 0 0
                                    

Bitter 9

Ivory's  POV


"Nakabili kana ng gift mo eh!! Sumama kana!!" arrggh! kanina pa itong si kabutete! Ayoko nga NA kasing sumama sa party ni CJ. Oo Ayoko NA! kasi nandun daw si ano..ahh basta!

"Oh eh ano naman kung nakabili na ako ng gift kiber?" pagtataray ko sakanya. Bahh kung alam ko lang na kasama ang tsonggo na yun edi una palang hindi na ako bumili ng regalo.

"Ahh basta!" tsaka nya tinawag yung driver ata nila. Ano namang gagawin nitong si kabutete at tinawag ang—

"Wahhhh!!! Ibaba mo ako!! Ibaba mo ako!! Papatayin kita kapag nakababa ako dito!! Sure na sure walang kiber!!!" pero naknang! Hindi ako binaba— "Aray naman! Pwede namang ibaba ng maayos eh!" binaba nga ako pero hinagis namang ang papaupo dito sa back seat.

"Hehe.. Peace tayo friend!" biglang sabi ni kabutete sa passenger seat sabay peace sign pa ang loka.

"Sira Ulo kaba huh?! Kita mong naka short at t-shirt lang ako! Tapos pupunta tayo doon?!" sinundo nya kasi ako kanina dun sa bahay at buti wala si mana kundi sisigawan nya ako kapag nalaman nyang may tinatarayan ako. At worst, naka short lang ako at T-shirt ngayon dahil sa bruha na si kabutete nato.

"Ohh Ivy easy! Sama ng tingin no sakin huh? Baka mamatay ako nyan." nakakabwisit!

"Anong gagawin ko? Titignan ka ng nakangiti na parang walang nangyari kanina na buhat buhat na peg? Huh?"

"Huhuh! Sorry na nga eh!" huhuh daw, neknek nya. At mag sorry din sya sa pwet ko, ang sakit kasi eh. (p′︵‵。)  

"Ano pang magagawa nyang sorry mo kung sinaktan mo na ko? Kulang paba lahat ng pagmamahal ko na binagay— Aray naman ahh!"

"Anong kadramahan yan?" nakataas kilay na tanong nya pa. Hindi ba siya nangangalay dahil kanina pa siya nakatingin sakin, hindi kaya siya lumipat dito. Ayy wag na pala baka pagkarating ko dun sa bahay nila CJ bugbog na ako, nakapambahay na nga lang ako eh.

"Ahmm...kadramahan? Yung iiwan na dapat ng lalake yung babae kaso ayaw ng babae." tama naman diba? At wait...kailan pa ako nagkaron ng interest sa mga kadramahan?

"May sakit kaba? O dahil sa pagbagsak mo eh nawala yang kabiteran mo?" harsh!

"Ako bitter? Hindi noh!" talaga naman kasi eh. slight lang.

"Talaga lang huh." tumatango tango pa siya tsaka na humarap sa daan. Hindi kaya sumakit batok o leeg niya?


--------

"Bakit ganyan lang suot nyan Joyce?!!" ah-uh yan na nga po sinasabi ko.

"Ah-eh Ayaw kasing sumama kaya ayan pinabuhat ko papasok sa sasakyan kahit hindi bihis. Hehe." tsaka nag peace sign si kabutete.

"Ate Lira!!" tawag ni CJ sa kung sino. May bigla namang dumating na babaeng maganda at sexy. Woahh!

"Yes CJ? What do you need to your pretty sister?" ang ganda din ng ngiti niya!

"Paki ayusan at bihisan nga itong babaeng nasa loob ng sasakyan na yan." sabay turo sakin ni CJ. Tumingin naman sakin yung tinawag ni CJ na Ate Lira at nginitian nya ako! Natotomboy na yata ako.

"Ohh! Tara girl! Girlfriend ka siguro ni Renz, bagay na bagay kayo!" a-ano?!

"Abah teka lang!" pigil ko sa paghila nya sakin at tinaas ko pa yung dalawang kong kamay at umurong ng konti sakanila at tinaasan ko pa sila ng kilay. Taka naman silang tumingin sakin. "Una sa lahat, hindi ko Boyfriend si CJ na yan! Pangalawa! Subukan mo ulit na sabihin na bagay kaming manok na yan papakain ko sayo lahat ng ampalaya naman!"

The Bitter Girl (On - Going)Where stories live. Discover now