Chapter 10

1.3K 28 3
                                    

Chapter 10

Nandito kami ngayon ni Beb sa isang fine dining cuisine malapit sa place niya. Napansin kong halos wala siyang imik. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain kami. Hindi ako sanay ng tahimik siya.

“Ahh Beb, ayos ka lang ba? Kanina ka pa halos di umiimik diyan? Hindi ba masarap yung food?”

Pero parang hindi yata narinig ni Beb yung sinabi ko kaya hinawakan ko ang kamay niya at doon lang siya parang natauhan na may kasama pala siya.

“Ang lalim niyang iniisip mo, baka malunod ka. Hindi ka naman marunong lumangoy.” Biro ko sa kanya pero umiwas siya ng tingin at ngumiti ng pilit.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap siya sa may likuran. Hinawakan niya mga bisig kong nakayakap sa kanya.

 

“Beb, may problema ba? Tell me.”

“Ayos lang ako Beb, I’m sorry naisip ko lang kasi na malungkot pala kapag magkalayo tayo. Yung tipong kakain ka lang magisa tapos walang makulit sa harapan mo at saka----“ Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya dahil hinalikan ko siya sa gilid ng labi niya. Saka ako bumalik sa kinauupuan ko.

“Beb, wala kang dapat ikatakot kung sakaling magkalayo uli tayo dahil sa work mo. Sisiguraduhin ko sa’yo ikaw lang ang nilalaman nito” Sabay turo ko sa puso ko

“EJ... Paano kung pabalikin na ako sa Canada nila Papa, papayag ka ba?”

“Yan ba ang gumugulo sa isipan mo? Kung anuman magiging desisyon mo Beb, igagalang ko iyon.” Parang nakaramdam ako ng konting lungkot sa narinig ko pero hindi ko na lang ipinahalata sa kanya.

“Ahh may posibilidad kasi Beb na pabalikin ako doon, alam mo naman na doon na sila nagmigrate tanging ako na lang ang naiwan dito. Pero syempre mas pipiliin ko yung kasama ka.”

“Ohh yun naman pala eh, bakit pa nagdadrama ang face ng Beb ko? I love you Crystal, kahit magkalayo pa tayo ng ilang milya walang magbabago sa pagmamahal ko sa’yo” Sa wakas napangiti ko din siya. Madaling hulihin ang kiliti ng Beb ko kaya nga mahal na mahal ko siya. Hindi mahirap suyuin kung may tampo man.

Pagkatapos naming kumain eh hinatid ko na siya sa condo unit niya dahil medyo lumalalim na ang gabi at maaga pa ang pasok niya.

“Beb EJ, huwag mo na pala akong sunduin bukas dahil mas maaga akong papasok dahil first day of work ko sa office. Magtataxi na lang ako para di ka na maabala. Maguusap pa kayo ng mga kapatid mo di ba?”

Aangal pa sana ako pero naisip ko oo nga pala maguusap pa pala kaming magkakapatid tungkol sa kinakaharap na problema sa farmland sa bahay naming sa probinsya. Kaya na pa OO nalang ako. Hindi bale sunduin ko na lang siya pauwi.

Nagpaalam na ako kay Crystal at hinalikan ko siya sa noo. Pero hinatak niya ako palapit sa kanya at mariing hinalikan sa labi. Gumanti din naman ako dahil hindi nakakasawa ang malambot niyang labi.

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon