Timecheck : 07:30 A.M.
Okay.
Okay.
Okay.
I'm so damn nervous kasi mamayang hapon na ang Last Acquaintance Party namin. I really do hope that it will be successful. Walang magagalit at walang malulungkot.
Ako nga pala si Zoe Brina. Isang 4th year high school student sa AB University. At isa sa anim na board member sa HS Council.
Isang buwan namin pinaghandaan ang Acquaintance Party. And I really can't believe na ngayon hapon na. Time really flies so quickly.
Wanna know the real reason why I'm nervous?
May crush kasi ako. Last year hindi niya ako na'isayaw dahil hindi niya ako nakita. Baka ngayon maisayaw na niya ako. At hindi ko alam ano ang sasabihin ko niya. Haay. Lord God ikaw na ang bahala T.T
( Timecheck : 12:30 P.M. )
Papunta na ako sa venue nang Acquaintance Party namin. Nakasakay ako ngayon sa aming sasakyan. And to be honest? Ang ganda kong tingnan ngayon. Nakasuot ako nang isang cocktail dress na ang sa upper ay kulay Silver at sa lower ay kulay Blue. At ang buhok ko ay kinurl. At ang ayos tingnan nang mukha ko na kinulayan. HAHAHA SHET. ANG GANDA GANDA KO.
( Timecheck 01:00 P.M. )
Dahil na assign ako sa Accomodation Committee , nasa labas ako naghihintay sa aking mga schoolmates. Kami kasi ang magtuturo sakanila kung saan ang entrance. At hinihintay din namin ang Guest Speaker para masimulan na ang program. Induction din kasi sa Council officers, Club Officers at Classroom officers.
( Timecheck 01:30 P.M. )
Ang tagal naman sa guest speaker. Pagod na ako sa kakatayo. Haays.
Lumingon ako sandali sa aking likoran dahil parang may dumating. At nakita ko SIYA. Si crush. Simple lang ang attire niya pero ang gwapo niya. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Nakita ko siyang lumingon sa akin kaya binawi ko agad ang tingin ko at nakipag-usap sa aking kasama. Pumasok na si crush t ang kasama niya sa venue. At pagkatapos nang ilang minuto, dumating na ang aming pinakahinihintay na guest speaker.
( Timecheck 02:30 P.M. )
Pagkatapos sa mahabang speech nang aming Guest Speaker , nagsimula na ang Induction. Pinaka una ang Council Officers, syempre kasali ako kasi isa akong board member. Hahaha. Ang awkward nang feeling pagnasa stage. Kitang kita mo ang lahat na tao. Kitang kita ko SIYA. Ikadalawa ako naka akyat sa stage dahil kasali ako sa Classroom Officers nang aming seksiyon. Well ako kasi ang muse eh. Maganda kasi ako. Hahahaha.
Kasunod nang Induction ay ang mga intermission numbers at ang video presentation nang bawat seksiyon.
Habang nanonood ako sa Video Presentation namin, hindi ako makapaniwala na 4th year na kami. Gragraduate na kami ngayong March. At baka sa ibang lugar ako magcollege. Ibig sabihin hindi ko na SIYA makita araw-araw. :(
( Timecheck : 05:00 P.M. )
Dahil nabobored na kami, pumunta kami sa comfort room, para magpicture-picture. Hahaha. Vain kasi kami x) Nagulat ako nang may babae na 1st year ang biglang nagsabi sa akin na "Ang ganda mo Ate Claud. Bagay na bagay sayo ang maging muse." Spell flattered haha. Pero di nga, ang ganda ganda ko kasi ngayon. Ibang iba. Hahaha. Paglabas namin sa comfort room. Inanounce nang mga emcee na kainan na raw. Pero bad news. Last kami. Una kasi raw ang mga lower years. Okeh -.-
( Timecheck : 06:00 P.M. )
Tapos na kami kumain. At magsisimula na ang games. Ang unang game ay ang Pairing Game. May binigay na mga bracelets ang mga Games Committee. Hahanapin mo ang kapareha mo. At sa kasamaang palad, sinali nila ako. Isang black bracelet ang binigay nila sa akin. Hindi sana ako pupunta sa stage kaso sinabihan ako sa mga MABABAIT kong kaklase na ang KJ ko raw. So wala akong nagawa kundi sumali. Isang lalaki galing sa 3rd year, Section 2 ang aking ka pair. Pero sabi niya dapat raw sa kaklase niya ang bracelet pero KJ raw kasi eh. At ang kaklase niya na ito ay ang crush ko dati. Well na develope kasi ako dahil palagi nila akong tinitease sa kanya. Hahaha. Ang sunod na laro ay Bring me pero hindi ito natapos dahil utos nang isa sa mga guro. May iba kasi itong gusto na laro. At ito ay Luzon, Visayas and Mindanao. Nakaka enjoy ang laro pero ang sakit nang paa ko dahil natapakan ng iba.
( Timecheck 07:30 P.M. )
Party time na \m/ Sayaw dito, sayaw doon XD Tinanong ko ang aking mga kaibigan kung meron bang sweet music. At ang sagot nila ay wala. Hindi raw gusto nang isa naming guro. Hindi ko napigilan ang aking mga luha. THIS IS OUR LAST ACQUAINTANCE PART IN HIGH SCHOOL. THIS IS OUR LAST CHANCE TO DANCE. AND THEN WALANG SWEET MUSIC? Dahil hindi ko na kinaya, lumabas ako kasama ang aking bestfriend at doon ko binuhos ang lahat. Nakakapagod kasi isipin. At I'm so sure na magagalit ang ibang schoolmate ko. Ang sweet dance kasi ang pinakahinihintay nang marami, at isa na ako doon. Pagkatapos nang ilang minuto, bumalik na kami sa loob. At saktong-sakto pagbalik namin inanounce na meron na daw sweet music. Thanks to my ever pretty and handsome batchmates. Pinuntahan kasi nila ang mga guro at kinausap sila. Sa huli pumayag sila.
Chineer up ako nang aking mga kaibigan, may possibility na raw na makasayaw kami ni crush. Pero wala na, sira na ang mood ko.
Nagsimula na ang sweet music. At hinila ako nang aking mga kaibigan at hinanap nila si crush. Hindi nila alam na nakita ko na siya. Patungo sa akin kasama ang aking kaklase na lalaki. Nang nasa harapan ko na siya, may mga taong sumigaw. Pero wala akong pake. Nasa kanya lang ang atensyon ko.
( NP : Gravity by John Mayer )
He hold my hand and pulled me to the center of the crowd. And then he puts his hands on my waist. And I put mine in his shoulders. And the awkward moment begins. Walang nagsasalita sa amin. Ayaw ko din magsalita dahil galing akong umiyak at hindi ko feel. Seriously ang awkward! Mga ilang minuto din kami nagsayaw. At nagsimula na siyang humanap nang kapalit para sa akin. Hindi ba niya alam na siya lang ang gusto kong makasayaw? Haha corny x) Dahil mahal ako nang aking mga lalaking schoolmates, walang pumayag. May time na humigpit ang hawak niya sa waist ko. Haha pero pagkaraan nang isang minuto, tinulongan ko na siya maghanap nang kapalit dahil ang awkward-awkward na talaga. Bago siya bumitaw nagthank you pa siya sa akin.
And that was when I've realize na FIRST DANCE KO PALA SIYA. FIRST DANCE KO SI CRUSH. FIRST DANCE! Hindi ako makapaniwala.
( Timecheck: 08:20 P.M. )
Ang wild na namin. Hahaha. PARTYYY MUSIC \m/ Bitaw ang dami ko nang nakasayaw sa sweet music. Almost all na gwapo sa school namin nakasayaw ko XD Pero may iba pa akong plano. Gusto ko kasi last dance ko din si crush, so sinabihan ko ang kasayaw ko ngayon na ibigay ako ni crush XD Sinunod niya naman ako. Nakasayaw na kami ulit ni crush \m/ At dahil good mood na ako, nagsalita na ako.
Ako: Crush mo ba si Crybelle?
Siya: Hindi noh. Wala akong crush.
Oh god. Kill me now -.- Did I just ask him that? Awkward! Narinig pa nang katabi namin yon. Which is his classmates.
At dahil siya si crush, BINIGAY NIYA NAMAN AKO SA IBA. Ang sakit ha -.- So at the end hindi ko siya last dance.
( Timecheck 09:30 P.M. )
Nakauwi na ako. Tapos na ang Acquaintance Party. Tapos na ang aming Last Acquaintance Party in High School. And it was the most amazing party ever \m/ I just can't believe na tapos na. Kahit walang nareceive na award ang batch namin, okay lang basta na super enjoy kami. Ngayong araw ay isa sa mga araw na hinding hindi ko makakalimotan. Especially my first dance. To be honest , I really did expect it to happend. But I didn't expect the part nong umiyak ako. Mas mabuti siguro kung wala yon. Pero as what most of the people believes, EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON :)
BINABASA MO ANG
Acquaintance Party : One Shot
Short StoryThis story is about a 4th year high school girl last acquaintance party in highschool. Will it be the best or will it be the worst? -------------------- Sorry sa mga wrong spelling and wrong grammar. Hindi kasi ako professional na writer. Sorry \/ H...