Tan Family

25 2 0
                                    

(Alayssa's POV)

Wahahaha...

Nanalo ako sa unang round ng laban!!! \(*0*)/

Pinagtripan kasi siya ni Ms. Bustamante.

"Pwede na kayong umupo Ms. Alayssa and Mr. Jhune Cedrick." At umupo na nga kami. "Okay class... Sana wala nang male-late. Masuwerte ka pa nga Mr. Gonzales at yan lang ang napala mo dahil sa pagiging late. Ayaw na ayaw kong may nale-late sa klase ko. MALIWANAG?"

Hahaha... Parang masungit noh? Mabait yan! Think positive lang... Happy thoughts... T^T

Kaso, ang pinagtataka ko lang kay Jhune, bakit sya na-late?

Eh kasi nga diba, nung nag-away kami kanina, sinabi nya na papalipatin nya ako ng school???

Pano kung imbis na palipatin, maisip nya na lang na paalisin ako sa school na to???

Pano kung gumawa sya ng isang napakalupit na eksena na syang magiging dahilan ng pagkakapahiya ko sa kagalang-galang na paaralang ito???

Ganyan naman silang mga mayayaman eh! (di ko nilalahat ha?) Madali lang nilang gawin ang mga gusto nila. HMP!!! >.<

Pero...

Paano na sila Nanay, Tatay, Ate, Kuya, Bunso, Lolo, Lola...

Ahm...

For short, paano na ang pamilya ko? Di ko sinasabing lahat sila ay umaasa sa akin ha? Ako lang kasi ang nakakuha ng scholarship.

Yung ate at kuya ko, nabigyan nga ng chance, sinayang pa... >.<

*FLASHBACK*

Magkakasama kami sa iisang mesa ni Papa, Ate at Kuya.

Kinausap ko si Ate...

"Ahm.. Ate, nakapagreview ka na ba para sa test mo? Sa monday na yun diba?" sabi ko na parang nangongonsensya.

"Beh, martes palang! May wednesday, thursday, friday at saturday pa... =___=" habang nagbibilang sa daliri. "Ah.. Papa!" at tingin kay Papa.

"Hmmm...?" sagot ni Papa habang nagbabasa ng dyaryo.

"Alis lang ako ha? Kasama ko naman si Rhea eh. Hah?!" at umalis na sya.

"Maganda yan... Si Lea pala kasama eh. Balik agad at uuwi na si Mama nyo." -Papa sabay lipat ng page ng dyaryo.

Konting katahimikan...

''Ah, kuya!'' - sabay tingin kay kuya.

''Oh?'' -sagot nya habang kumakain ng Boy Bawang.

"Nagreview ka na ba para sa exam mo sa sabado?" tanong ko.

"Sus! Ako pa ba?!" sabi ni kuya.

  Hayst. Buti, tinamaan ng sipag to si kuya...

"So, nakapagreview ka na nga?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hindi! Ang mga matatalino, di na kailangan ng review-review na yan. HAHAHAHAHAHA!!!" -Kuya (^o^)/

"Hahahaha! Tama... Tama..." (^-^)/

 At nag-apir pa ang dalawa... (-_-")>

 Di ko alam na nasa likod ko na pala si Mama..

"HAHAHAHAHAHA!!! Ang galing nyo talagang mag-ama... AKO NA NGA LANG NAGTATATRABAHO  SA PAMILYANG 'TO, GANYAN PA MGA UGALI NYO..." (>.<) Tumingin si mama sa paligid na may parang hinahanap at sumigaw bigla. "NASAAN NA NAMAN BA SI JILLIAN????" (>.<)?

"Kasama ni Lea..." sagot ni papa.

"Hala... Wala tayong kapitbahay na LEA!!! Baka na paano na ang anak natin..." -Mama (T^T)

Tumayo ako sa kinauupuan ko at humarap kay Mama. "Mama, Hindi yun Lea... RHEA! Rhe-a! Kakasigaw nyo araw-araw , nabingi na si Papa." Nagmano na ako kay Mama at umakyat na sa 2nd floor ng bahay.

*END OF FLASHBACK*


At yun nga... Nagbabayad si Mama ng tuition fees ni Ate at Kuya...

Kung nagtino lang kasi sila kuya, edi dapat, d---

"Miss Tan!" tawag saken ng teacher namin at kasabay naman ng pagbalik na ulirat ko.

"Yes, Ma'am?" sagot ko na medyo kabado.

"Pwede mo ba i-share yang iniisip mo na mas importante pa ata kesa sa dini-discuss ko ngayon at natutulala ka pa?" -teacher ko with matching taas kilay mode. (-._.^)

"Ahmm... Wala lang po ito Ma'am." huhuhu... naiiyak akuu... (T^T)

"Okay. Sit down."  sabi ni mam at umupo na nga ako.

A Love Story of an EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon