CHAPTER TWENTY :))

811 16 3
                                    

Chapter 20

(Nicole's P.O.V)

     (Teka...teka...teka..May Point Of View din pala ako sa storyang ito? Hala! Buong akala ko, extra lang ako dito eh! Pero teka, parang gusto kong mag drama at mag emote ngayon ah. Diba Mr. Author? Alam mo ba Mr. Author na gusto kong lumabas sa story mo dati pa. Pero, tignan mo? Sa loob ng 19 chapters, ngayon lang ako lalabas! (Sisimulang umiyak.) Grabe ka sa akin. Sinama mo pa ako sa importanteng characters tapos, ngayon lang ako lalabas? Nako. >_< T.T.....ok tama na ang kadramahan, back to reality na tayo.)

     Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school ng biglang lumapit sa akin si Crista...ang best friend ko.

"Uy besh! Bilisan mo, tara na." - nagmamadaling sabi niya

"Huh? Anong bilisan?"- naguguluhang tanong ko.

     Hindi ko talaga ma gets kung anong nangyayari dito kay crista eh, pero wala eh! Hinahatak niya na ako ngayon.. Hay! Sarap makaladkad. =__=

"Hoy crista, kaladkadin mo pa ako! Saan mo ba kasi ako dadalhin?"- hindi ko na kinaya, huminto na ako sa paglalakad namin, ay mali, takbo na ata to eh.

"Basta, makikita mo nalang yun! Matutuwa ka doon promise!"- tapos hinatak niya na uli ako. -_-

"A... aray! Masakit na ah!"- sigaw ko

"Ang arte naman neto!"- siya

     Wow. 0_____0 ako pa naging maarte ah! Loko tong best friend ko ah. Napaka bait :/ bwisit.=__=…

"Hoy crista, ayoko na! Pinapagod mo lang ako eh. May klase pa tayo no!"- pagod na sabi ko.

"Nandito na tayo!"- masayang sabi niya.

"Oh! Anong gagawin natin dito? Papa- guidance mo ako?"- naguguluhang tanong ko.

"Tadaaaa... eto na yun, eto yung surprise ko. Wag ka ng maarte diyan, tignan mo na lang at basahin yun."- sinabi niya yun sabay turo sa nakapaskil sa pader ng guidance office.

     Lumakad na ako at binasa kung ano ba yung pinapabasa ni crista na yun.

"Aaaaaaaay!"- napatili ako sa sobrang tuwa.

     ATTENTION: Badminton Try out... This coming July 17, 4:00 pm, for more information just look for Dave Michael Reyes.

"Teka..teka besh! Totoo ba itong nakikita ko?"

"Hindi ka naman bulag diba?"- pasungit na sabi niya

"Aaaaaaaay!"- napatili uli ako.

"Oh, diba, sabe sayo matutuwa ka diyan eh!"- nakapamewang na sabe ni crista.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon