Mahal na mahal na mahal KITA

189 2 0
                                    

"Pwede ba kitang ligawan Eunice?" – Tanong sa akin ni Luke ang Ultimate Crush ng Bayan sa campus namin. Nandito kame ngayon sa Park.

"Uh? Ba-bakit?" – Nauutal kong sabi. Bakit kaya niya ako niligawan di naman ako maganda tulad ng iba jan mga babae na nakakacrush sa kanya. Pangit kaya ako. -___________-"

" Mahal kita kasi." – Sabay kamot sa ulo.

Napatawa na lang ako bigla, mahal niya ako? Sa itsura kong to makakagusto ka sakin at nagliligaw sa akin ang Ultimate Crush ng Bayan sa Campus. Are you kidding me Luke? HAHAHAHHAH. XD

"Bat ka tumawa? May nasabi ba akong nakakatawang word?" – Nagtatakang tanong sakin ni Luke. Seryoso ba siya? Di ako naniniwala sa mga sabi-sabi kung ano-ano ki-Pickup lines pa yan basta iba na nga mga kabataan.

"Nakakatawa kasi yung sinabi mo na mahal mo ako. Sa itsura kong ito? Makakagusto ka sakin? HAHAHHAHAHA. Nakakatawa talaga Luke." – Napaluha na lang ako sa kakatawa. >.<  Uh? Baka seryoso talaga siya sa sinabi niya. Hala Lagot. >.<

" Sige, Okay lang di naman ako pumipilit eh. Alam ko iba ang tingin mo sakin. Pero sige tatanggapin ko na lang. Pero sana isipin mo kung ano yung sinabi ko sayo ngayon. Sige uuwi na ako. Ingat ka na lang Bye." – Sabi niya. Tumayo bigla at lumakad na palayo sakin.

--

Sa Bahay

Humiga ako sa kama, at di ko parin matanggal sa isip ko kung ano nangyari kanina sa park na inamin sakin ni Luke na May gusto siya sakin at baka siyang manligaw sakin. Ang Ultimate Crush ko may gusto sakin? Sa totoo lang may gusto din ako kay Luke pero ayoko ko lang sabihin kasi baka maBully pa ako niyan at marami pa naman akong kaagaw. Diba?

Hay! Huwag mo munang isipin niyan Eunice, matulog ka na at may pasok ka pa bukas.

--

How many weeks. Di parin matanggal sa isip ko, nung nangyari pagtapat sakin ni Luke.  Ano ba to? Ako pa naging Torpe. Andun na yun Eunice eh. Pinagtatawanan mo pa si Luke. Hay!

Anong dapat kong gawin para sabihin ko din kay Luke na Mahal ko din siya. Ayokong mapahiya si Luke na ang magiging Girlfriend niya ay isang pangit kasi nga pangit nga ako diba?

Pinagsisihan ko talaga yung anong ginawa ko kay Luke na pinagtatawanan ko siya na nagdapat siya na gusto niya at gusto din niya ligawan ako. :'(

" EUNICE! SI LUKE NAAKSIDENTE DINALA NA SIYA SA OSPITAL AT ANG SABI NG DOCTOR MASAMA ANG KONDISYON NIYA NGAYON. " – Sigaw na sabi ng Bestfriend ko na si Regine. What si Luke nasa ospital? :o Oh, no kasalanan ko to kaya naaksidente si Luke. :'(

Agad kame lumabas ng Room at pumunta sa Parking Lot. Inandar na ni Regine yung kotse niya at nagmaneho na.

Natatakot akong mawala sakin si Luke. Ang sama-sama ko talaga. Kung di mo siya pinagtatawanan edi sana di siya maaksidente. Grabe ang sama ko talaga. :'(

Nasa Wattpad Medical Center kame agad kame pumunta sa mga Nurse at nagtatanong kung saan ang Room ni Mr. Luke Reyson. Ang sabi ng Nurse ay nasa Room 143. Agad naman ako tumakbo sa hakdanan para makapunta sa Second Floor. Sa Second Floor lang man daw ang Room na 143.

Nagmakarating na ako sa Second Floor hinanap ko agad yung Room 143. Ayun! Nahanap ko bigla. Agad ko binuksan ang Pinto, pagbukas ko ng pinto nakita ko si Luke nasa kama nakahiga, nakapikit ang mata at may tubo sa bibing niya. Oh, NO! :'( Kasalanan ko talaga to. Agad ako lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay.

" Luke lumaban ka Luke. Huwag mo kong iwan. Pinagsisihan ko yung anong ginawa ko sayo na pinagtatawanan kita na may gusto ka sakin at gusto mo akong ligawan. I'm so sorry Luke. Please lumaban ka. Huhuhuhuhuhu. " – Umiyak ako bigla. Kasalanan ko talaga to. :'(

" Malala ang pagaksidente ni Luke kanina. Di kasi siya kumain simula pa nung nagkita kayo. Walang Breakfast, Lunch, at Dinner. Wala din tulog tignan mo malaki na yung EyeBugs niya. Plano sana siyang pumunta sa school ayun nagmaneho siya ng Kotse niya, pinipiligan ko siya pero sinaway niya ako gusto niya daw makita ka at makausap ulit. Eunice ayoko mawala sakin yung Kapatid ko kame na lang dalawa, napatay na yung mga magulang namin dahil din sa Aksidente. Please Eunice, kung mahal mo talaga kapatid ko edi sana di siya makakaganun. Noon ka pa niya gusto, pero di lang niya maamin dahil madami bumubully sayo pero sinabi ko sa kanya kung mahal mo talaga si Eunice ligawan at wag kang matatakot. Ipakilala mo sa lahat na Mahal mo siya at kahit na ganun ang itsura wala kang pake basta nagmamahal kayo sa isa't isa. " – Napaluha ako sa sinabi ni Ate Jane sakin. Totoo ngang may gusto siya sakin at di pala yun biro. Ang tanga-tanga mo talaga Eunice.

" I'm so sorry Luke.  Sorry sa lahat ng ginawa ko. Sorry. Sorry. Sorry. Lumaban ka Luke. Lumaban ka. Pinagsisihan ko talaga lahat kung anong ginawa ko sayo. Mahal na mahal na mahal din kita Luke. At di ko kayang mawala sa sa buhay ko. " – Hinalikan ko noo niya at napaiyak ako. :'(

" Talaga? Mahal mo ako? " – Hala! Sino yun? Inangat ko bigla yung ulo ko at tumingin kay Luke.

" HULI KA! Sabi ko na nga bang mahal mo ako eh. " – Bigla siyang tumayo at niyakap ako. Ano to?

" Lu-Luke. Paano ka nakatayo? Diba pilay ka? Diba naaksidente ka? Pano? :o " – Tanong ko sa kanya na gulat ako bigla.

" HAHAHAHAHAHAHHAH. Trip ko lang yun nuh? HAHAHAHHAHA. Sorry. :D " – What? Trip mo lang. Bigla ko siya pinalo sa Braso.

" Aray! Grabe ka naman Eunice. Bat mo ako pinalo? "

 

" Ikaw kasi akala ko naaksidente ka pero yun pala Trip lang. Nakakainis ka. Ha? Plano mo pala to. So makasabwat pala dito sila Regine at Ate Jane. Oh. God! " – Oh, No! >;(

  " Oo. HHAHHAHAH Sorry. HAHAHAHAHHA. Ano yun sabi mo sakin kanina na Mahal na mahal na mahal mo ako? Ano yun? " – What the F!

" Di na kita Mahal kasi pinagtripan mo lang ako. Nakita mo nga ako kanina umiiyak kasi nagaalala ako sayo tapos trip lang pala yun? ;( " – Badtrip tuloy ako.

" Hala. Sorry na. Sorry na Eunice. :'( Gusto ko kasi malaman kapag nawala na ako sa mundo makakaya mo ba. Pero ang resulta Hinde mo kaya at Mahal mo pala ako. Mahal na mahal kita Eunice Reyes. At pangako di kita lolokohin, saktan, at pinaiyak habang buhay. At gusto ko ikaw ang magiging Future Wife ko at kasama yang mga Future Twin Kids na Boy & Girl. "

 

" Mahal na mahal na mahal din kita Luke. Oo ikaw lang din magiging Future Husband ko pag habang buhay. Mahal na mahal na mahal kita Future kong Husband. "

 

" Mahal na mahal na mahal din kita Future kong Wife. " – At bigla niya ako hinalikan.

And we live happily ever after. <3 <3 <3 <3

--

[ Ayyyieeeee. Kilig to the Bones. Sana madami pag lalakeng ganun uh? :D ] Wala kasi magawa kaya gumawa ako ng One-shot story. Sana magustuhan niyo. :D

#MahalNaMahalNaMahalKita<3

#Eunice&Luke <3

Mahal na mahal na mahal KITA. &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon