Z/N: This is the former "MY STUPID BAD BOY" one shot story. Binago ko ang halos buong plot kasi nung binasa ko 'to ulit, masyadong "ugh" yung pagkakasulat ko. Sorry.
===================
Nicole's P.O.V
*Plaaaaaak*
Kinuyom ko yung mga kamay ko at sumigaw ng pagkalakas-lakas,
"AAAAAAAHHHH!!!!!"
Tumingala ako para malaman kung sino ba yung nagbuhos ng harina na may kasamang egg yolks sakin. GRRRR~! Nakita ko lang naman si Drei at ang tropa niya na tumatawa sakin habang ako ay inis na inis na dito.
First day of February at ako pala ang napili nilang maging target ngayon first day? Ganito kasi yan, tuwing unang araw ng buwan ay may binibiktima sila. Bakit? Wala, katuwaan lang. Isang beses lang naman kada isang buwan kaya napakamalas ko at ako yung napili nilang target ngayon.
Dumiretso ako sa locker ko at kumuha ng extra na damit. Kahit subukan ko mang magreklamo, wala rin namang magagawa yung mga teacher namin. Bakit nila papaalisin yung mga estudyanteng yun? Dakilang sponsor yan ng school. Kapag wala sila, walang magsu-supply ng aircon, events, facilities at iba pa.
"Stupid!" sinuntok ko yung salamin sa restroom at nasaktan lang din ako. Bakit hindi nabasag? Diba ganun sa mga telenovela. Hay ewan. Ang mahalaga ngayon ay magpalit na ko para makapasok sa school. Mahirap na, graduating student ako at kailangan ko ng magandang grade.
"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Lena, seatmate ko.
"Hindi." sabi ko habang matalas na nakatingin dun sa upuan ni Drei. Hindi na naman siya pumasok, lagi naman eh.
Akala niya ba mura yung uniform na dinumihan niya kanina? Hindi biro yung ginawa niya at hindi rin ako natutuwa. Hindi ko pwedeng hayaan lang yung ginawa niya sakin. Hinayupak siya!
***
Nauna kong pumasok para maisagawa yung gagawin ko. *smirks* Pumuslit ako sa guard house at kumuha ng permanent red paint dun. Sakto at kulay pula rin naman yung upuan samin. HAHAHAHAHA. Di niya mahahalata mamaya. Tumambay lang ako sa garden para di ako mapagbintangan. XD
Pagkapasok ko sa room namin ay ...
"FVCK!" Sigaw ni Drei. Pinigil ko yung tawa ko kasi baka mahalata niya ko. Nilapag ko na lang yung mga gamit ko sa desk habang pinapakinggan kung pano siya magmura dahil yung permanent red paint ay dumikit sa pants niya at hindi na matatanggal...kahit kailan. XD
"Lahat kayo, pumila kayo sa harapan!" sigaw niya at sumunod naman yung iba. Sa tingin niya mahuhuli niya yung gumawa niyan ng ganun-ganun lang?
Tawagin niya muna ko sa pangalan ko bago ako sumunod.
BINABASA MO ANG
Target (one shot)
RomanceKwento tungkol sa babaeng naging target ng grupo ng mga taong dapat ay iniiwasan. Dinumihan at pinahiya siya. Inisip niyang gumanti pero nilagay lang siya nito sa sitwasyong nagpakilala kung sino talaga ang kawawa.