Chapter VIII

63 4 0
                                    

*Aena Castro*

Hanggang ngayon, nararamdaman ko na parang nasa isang panaginip lang ako. I can’t believe na nayakap ko si Ricci bibe ko. Alam mo ung feeling na parang sobrang pinagpala ang fangirl journey ko. Naku! Ricci Rivero, ligawan mo lang ako wala pang ilang segundo ng pagtanong mo sakin sasagutin agad kita ng oo. Aba! Wala ng pakyeme ‘no. Grab the opportunity na agad.

“Aena! Ano ba? Napaka-kupad mo naman mag-make up kanina pa kami naka-bihis ni Amber. Ano na bang nangyari sa’yo? Nilagay mo ba lahat ng concealer sa mukha mo?” Sigaw ni Drei sa labas ng pinto.

“Ito naman ataters! Palabas na!” Nak ng tokwa naman oh hindi pa nga naka-ayos ung buhok ko ih. Pagkalabas ko ng pinto napa-nganga silang dalawa. Well naka-suot lang naman ako ng cream halter dress. Na pinaresan ko ng black pumps.

“I can’t believe na ang bagal mo make-up para sa simpleng make-up.” Inirapan ko na lang si Drei.

“Make up is an art. It takes time. Ano ka ba!”

“Nagpaganda ka pa sa Ricci mo e’ hindi naman mapapansin no’n ‘yang mukha mo.” At hindi ko na nga guys napigilan. Sinabunutan ko si Drei,

“Alam mo Drei? Minsan hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita. Kagigil ka to the nth level.”

“Ano? Magde-diskusyunan na lang ba kayo dyan? Hindi na ba tayo tutuloy sa GT ng Archers?” Singit ni Amber na nakatayo na ngayon sa may pintuan.

“Buti na lang talaga pinayagan tayo ni Mamsh. Kung hindi, lagotish tayo do’n.”

“So nasaan ang karwahe natin?” Sabi ni Drei habang may kinakalikot sa bag niya.

“Ito po madam.” Sabay naming sabi ni Amber.

“Wow! Karwahe nga. Karwaheng nasa gilid ang kabayo.” Disappointed na sabi ni Drei. Dahil ayaw naming maghiwalay na tatlo at maarte ung dalawa. Walang nagback ride kaya ang ending ako ang naka-upo sa baby sit. Lintiang buhay ‘to oh! Buti naman kahit aalog alog kami sa tricycle tuloy ang chikahan namin. Partida naka-dress pa kaming tatlo dahil ang theme ng GT ng Archers ay formal cocktail dress. Lakas maka-semi prom.

Pagkadating namin sa 55 Events Place. Nagpa-register na kami at pumasok na sa loob. Chikahan gallore ang nangyayari sa loob ng hall. Iba’t ibang fandom kasi ung nandito. Buti nga nakakuha kami ng slot. Pinag-ipunan kaya naming tatlo ‘to.

Nakipag-chikahan kaming tatlo sa mga ka-fan base namin. Isa-isa na din na dumating ang Archers. Dumating na si Santillan pati si Jollo Go. Tapos dumating na din si Aljun kaya ang lukaret na si Amber ayon hindi magkanda-ugaga sa kilig. Dumating na din si Kib kasama si Des. Grabe ‘tong dalawang ‘to nakakaloka sa inggit ang relationship. Ang tagal naman ni Ricci my bibe loves. Ung leeg ko kulang na lang maging kasing haba ng giraffe.

“Ang tagal naman ni Andrei. Naiinip na ko girl ha. Lagi na lang tayong naghihintay sa kanila hindi ba pwedeng sila naman ang maghintay satin?” halukipkip na sabi ni Drei

“Patience is virtue.” ‘Yon na lang ang nasabi ko kasi kahit ako naiinip na din. Gash! Kahit kailan hindi ako naghintay sa isang tao ng ganito katagal.

“Virtue, virtue. Nak ng puchu naman. Kundi ko lang mahal ‘yang si Andrei di ko iintayin e’. Kaya ikaw girl umayos ka ah? Akin siya.” Bulong niya sakin ng may pag didiin.

Reality of Fate ( Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon