Dahan-dahan akong naglalakad sa hallway ng school. 4:45 na, 20 minutes late na ako sa meeting ng Student Council. Kung di ba naman kasi nagsermon yung teacher namin edi sana maaga akong nakalabas. Hays.
Napadaan ako sa classroom ng 12-Hyacinth. Sakto namang pagsilip ko ay nakabukas ang kurtina at pinakita nito si Sebastian. Si Sebastian Cruz, yung cute at maputing Sebastian. Yung Sebastian na matalino at malakas ang appeal. Ewan ko ba pero, sa araw-araw na ginawa ng diyos, lagi ko na lang dinadasal na sana naging babae na lang ako.
Napatigil ako at saglit din siyang napatitig sa akin.
1...
2...
3...
4...
5...
6...
7...Shete! Seven seconds eye contact yon. Jusmeyo marimar! Lupa lamunin mo na ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko pero nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sakto pang binuksan niya yung bintana.
"Hey, John right?" Tanong niya sa nakamaang na tao sa tapat ng bintana.
"Ahh, oo, John nga. Bakit po kuya Sebastian?" Tanong ko."Ano kasi, may klase kami tapos hindi kami pwede lumabas. Pwede bang makisuyo sayo?" Shete. Pakikisuyuan niya ako? Gora na to!
"Ano po ba yun kuya?" Sabay lapit ko sa kanya. "Pwede bang pasabi kay Serena na magkita na lang kami mamaya sa Mia Vita? May kailangan lang kaming pag-usapan. Salamat na din pala." Sabay sara ng bintana.
Loko yun ah. Dapat pala hindi na lang ako pumayag na pakisuyuan niya. Letse, masasaktan pa ako sa gagawin ko. So ano? Tanga-tangahan na naman ako. Girlfriend niya yon! Serena! Jusko, martir/masokista na ata ako.
Napatango na lang ako at dahan-dahang naglakad pababa. Hindi naman dapat ako nagseselos or affected kasi wala namang kami pero why is it that hard to contain my feelings for him? It seems that I am a lab rat confined as a test subject him being a drug that is used to test my limits.
Pagbaba ko sa building ay sakto namang nagkasalubong kami ni Serena. Dahan-dahan ko siyang in-approach at kinuha ang attention niya. "Ahm, Ate Serena, sabi nga pala ni Kuya Sebastian magkita daw po kayo mamaya sa Mia Vita pagkalabas nila. May pag-uusapan po yata kayong dalawa." Sabi ko at akmang aalis na dapat nang...
"Alam mo Reese, nice try na lang niya yun. Pakisabi sa kanya hindi ako pupunta. Pakisabi na din na break na kami. At kapag tinanong ka niya kung anong rason, pakisabi na lang nito ha, 'I am not your property that you can just set aside if you are bored. I am not a toy you can play with when you are lonely, and specially I am not you priority. Jowain niya tropa niya! Lamunin sana siya ng Dota at ML niya!"
Nagulat ako sa inasal ni Ate Serena. Grabe, naglitanya na nga si Sir Torres kanina sa klase namin, pati ba naman tong babae na to, sasama pa sa ingay?! What the heck!
"Alam mo ate, mas magandang kayo na mismo harap-harapan ang mag-usap." Suhestiyon ko sa kanya."No. I've made up my mind already. Favor lang, tutal friday naman ngayon diba?" Tanong niya. "Yes po. Bakit ate?" Sagot ko sa kanya. Grabe, kinakabahan ako sa pumapasok sa kukote ni ate.
"5:15 ang dismissal nila. Hintayin mo na lang siya at ikaw na mismo ang magsabi sa kanya. At huwag na huwag kang uuwi hanggat hindi mo nasasabi yon. Ipagpaliban mo muna yang livestream mo sa Internet. Eto oh." Sabay dukot niya ng dalawang 1000 bills sa wallet niya. "Sapat na yan sa sampung games mo in Ranked Mode diba?"
Wala na lang akong nagawa. Pagkabigay niya ng pera ay sumibat agad siya at iniwan akong nakatanga sa gitna ng hallway hawak ang 2000 pesos sa kanang kamay ko.
Punyemas! Hindi ako bayaran pero bakit ganon. Masasaktan ko si Kuya pag sinabi ko yun. Ay mali pala, masasaktan siya ni Serena.Dahil tao naman ako na mapakikisuyuan, agad akong naupo sa bench at kinabit ang headset ko sa aking tenga.
Oo nga pala
Hindi nga pala tayo
Hanggang dito na lang ako
Nangangarap na mapasayo
BINABASA MO ANG
Confession (One-Shot)
RomanceA one-shot about how a simple student falls into a trap of getting his perfect love.