Chapter 1: Start

5.9K 53 11
                                    

"Babe please don't leave me" pagmamakaawa ko kay peter, narito kami ngayon sa harap ng campus.

"Stop calling me babe aya" galit na saad nito.

"But, please babe mahal na mahal kita and I can't leave without you" niyakap ko siya mula sa likod at hinalikan siya.

"Fuck aya! hindi ka ba talaga nakakaintindi?! Break na tayo at si Akira na ang mahal ko"

"No, hindi ako naniniwala na siya ang mahal mo, ako lang diba? tayo lang peter! Please wag mong gawin saakin ito!" pagmamakaawa ko sa harap niya

"Let me go aya! napaka pangit mo! Hindi mo ba talaga ako naiintindihan? Hindi kita mahal!" pasigaw na saad nito na naging dahilan ng pagtitinginan ng mga estudyante rito

"But, you told me you love me right?" niyakap ko sya ng mahigpit habang bumubuhos ang mga luha sa aking mga mata

"Sinabi ko lang yan diba? Naniwala ka agad? Haha stupid" tatawa tawang saad niya at tatalikuran na sana ako nito ngunit hinila ko ang kamay niya.

"Mahal mo ako diba? Please tell me you love me peter sabihin mong mahal mo ako, at hinding hindi mo ako iiwan please nakikiusap ako" Lumuhod ako sa harap nito at hindi ko pinansin ang bulungan ng mga estudyante sa paligid ko, ang mahalaga saakin ngayon ay ang maibalik si peter sa buhay ko.

"Suit yourself aya. Hindi kita mahal, sinabi ko lang iyon para ibigay mo sakin ang virginity mo" nakangising saad nito at tinulak ako.

*paaaaak*

Malakas na sampal ang nakuha niya mula saakin.

"Binigay ko naman sayo lahat hindi ba? Pati ang pinaka iingat ingatan kong pagkababae ibinigay ko sayo dahil mahal kita! Pero anong ginawa mo?! niloko moko! Pinagpalit moko!"

"What the-" *paaaaaak**

Hindi ko na siya pinatapos at agad ko muli syang sinampal.

"Ito ang tatandaan mo Peter, sa susunod na magkita tayo, sisiguraduhin kong ikaw mismo ang magmamakaawa at luluhod sa harap ko" ngumisi lamang ito habang hawak ang magkabilang mukha na sinampal ko.

"Tss asa ka" Nagtawanan ang mga tao sa paligid namin at unti unting umalis si peter sa harapan ko at naglakad palalayo kasama ang babaeng ipinalit niya saakin

"Mark my words you jerk! Ito ang una at huling beses na mag mamakaawa ako sa isang lalaking kagaya mo"

Patakbo akong umalis habang bumubuhos ang luha sa mga mata ko.

"Sa susunod na magkita tayo, magmamakaawa ka na balikan kita. at sisiguraduhin kong sa araw na iyon, hinding hindi na kita babalikan pa"

Love or Lust?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon