Spoken Poetry

269 2 1
                                    

 "Malaya ka na"

Hanggang dito na lang

Ayoko mang sabihin ang mga katagang yan

Pero kinakailangan,

Kailangan para wala ng masaktan


Ramdam kong hindi mo na ako kailangan

At iba na ang laman ng iyong puso't isipan

Alam ko ding hinintay mo nalang na ika'y aking sukuan

Patawad kung hindi ko agad naramdaman


Siguro nga hindi na kita kilala

Siguro nga nagbago kana

Patawad kung pinatagal ko pa

At patawad kung pinahirapan pa kita


Kaya ngayon ito'y tatapusin ko na

Salamat sa lahat ng alaala

Minahal kita kaya't gusto kong maging masaya ka

At kahit masakit,Pinapalaya na kita



Isinulat ni:MJ



"Malaya kana"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon