- 29 -

16 0 0
                                    

Miruelle

Pauwi na kami at sakay sa tricycle na minamaneho ni Wilson ay kasalukuyang binabaybay namin ang madilim at lubak na daan patungo sa Sitio Paraiso. Maggagabi naubos ang mga paninda namin gulay kaya ito naabutan na kami ng gabi sa daan.

Hindi naman ako takot sa gabi, dahil sa katunayan kung papapiliin ako kung gabi o araw, pipiliin ko ang gabi. Bakit? Tinatanong pa ba yan, syempre dahil tuwing gabi ko lang naman nasisilayan ang mga bituin sa langit.

Pero iba ngayon. Hindi ko alam pero kanina pa ako hindi mapakali. Para bang may masamang mangyayari. Isama mo pa ang medyo creepy na atmosphere sa dinadaanan namin ngayon. Sobrang dilim at medyo malakas ang hangin dahilan para sumayaw ang nagtataasang mga katubuhan.

I remembered, Margaret told me a creepy story about this place. Na minsan na daw may paggala-galang aswang sa lugar na ito. At nagpapakita daw ito tuwing kalaliman ng gabi. Nagpapalit-palit anyo daw ito. Una ay isang malaking pusa, tapos nagiging malaking aso at kung ano-ano pang uri ng hayop. Bigla-bigla nalang daw itong sumusulpot galing sa loob ng katubuhan.

"Aray! Anong nangyari?"

Natigilan ako sa aking iniisip nang biglang tumigil ang tricycle na sinasakyan namin dahilan para mauntog ako.

Hinihimas ko ang tumamang noo ko habang dahan dahan na bumaba sa tricycle. Si Renzo at Wilson man ay bumaba na din sa tricycle.

"Okay ka lang ate Elle?" Nag-aalalang tanong ni Renzo.

"Oo. Pero ano bang nangyayari at bigla nalang tumigil?" Kamot na tanong ko.

"Naflatan po tayo ng tricycle ate. Murag naay natusok na pako sa gulong ng tricycle." Magkahalong Tagalog at bisaya na paliwanag ni Wilson.

"Ganun ba. Eh Tara ayusin na natin." Yun lang pala eh. Madali lang naman ayusin yan. Lalo na kung may gam---.

"Kaso wala po tayong gamit pang-ayos. Wala po tayong pamalit na gulong."

Natigilan ako sa sinabi ni Wilson. No way! Ayokong magpanic pero...

"W-What? W-Why? P-paano..."

"Pasensya na ate. Kasalanan ko. Hindi ko tinitingnan ng maayos ang dalan."

Bigla naman akong naguilty sa sinabi ni Wilson.
Hindi niya kasalanan. Sadyang madilim lang talaga ang daanan namin.

"No, its okay. Hindi mo kasalanan." Sabi ko at tinapik siya sa likod.

"Tatawagan ko nalang si beshy para magpasundo sa kan----, oh walang signal."

"Ah alam ko na. Maghintay nalang tayo ng dadaan dito. Saka tayo humingi ng tulong." Halos palakpak na sabi ko na tila ba ay isa itong napakagandang ideya. Kaso kabaliktaran naman ang pinakita nila Renzo at Wilson.

"A-Ate, wala napo dumadaan dito ng ganitong oras. Napakabihira napo. Siguradong ang mga tao ay nagpapahinga na sa kanikanilang pamamahay." Mahina ngunit sakto lang para marinig namin na sabi ni Renzo.

Ang kaninang positive vibes sa akin ay unti-unti na rin napapalitan ng takot. Naalala ko na naman tuloy yung tungkol sa kwento sa aswang na sinasabi ni Beshy.

Tatlong beses akong napalunok at iniling ang ulo. No way, 21st century na. Imposibleng meron pang mga aswang ngayon.

"S-so, a-ano ang dapat natin gawin?" Kinakabahan at natatakot na tanong ko. Pero syempre hindi ko pinahalata sa kanila yun.

"Maayo pa, muuwi nalang kamo sa bahay. Tapos ako maiwan dito mag-isa. Bantayan nako atong tricycle. Balikan niyo ako pag makahingi na kamo ng tabang." Seryosong sabi ni Wilson sa amin. Kahit na magkahalong Tagalog at bisaya ang sinabi niya ay medyo naiintindihan ko naman kaya agad akong umiling.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon