MIW [9]

3K 56 0
                                    

NOTE: Namiss kong magtype haha. Saka na lang tyung iba pagsinipag. May nagbabasa ba nito? kay lang kung wala :D

“…..kinulam mo ko habang natutulog ako” Nakahinga naman ako ng maluwag ng masabi nya yun. Akala ko alam nya na yung karumaldumal na nangyari kagabi. Baka isipin pa nito may gusto ako sa kanya. YUCK LANG HA!

“Itsura mong yan di na kailangan”

Nilagpasan ko naman sya at nauna sa kusina. Sinilip ko muna yung labas mukhang makakauwi na rin ako maya-maya dahil umaambon na lang sa labas.

Nilingon ko naman ito. “Anong gusto mong kainin?"

"Di nga magluluto ka? Ako na lang kaya” may pagaalangan sa boses nito.

“Kung iniisip mong lalasunin kita pwes FYI may takot pa ko sa Diyos at di ko dudumihan yung porselana kong kamay para lang patayin ka. Anon ngang gusto mo? Bilis baka magbago pa angisip ko”

Umupo naman ito sa isa sa maga upuan. “How about Steak?”

“That will do” Binuksan ko yung refrigerator nya at pasalamat na lang ako na kumpleto naman ang mga ingredients para sa pagluluto. Nakahalumbaba lang sya dun sa isang tabi habang ako naman ay busying busy.

“Matagal pa ba yan?”

“Saglit lang po kamahalan ha hindi po kasi instant noodles tong niluluto ko” Ngumisi-ngisi naman sya. Kung di lang to mukhang mahina ngayon nako naflying kick ko na talaga sya.

“Alam mo ang ganda mo” Nabagok nga ata talaga to. Mukhang nakikita na ang tunay kong ganda mwahaha

“I know it already”

“…pagnakatalikod” pagpapatuloy nya sa naunang sinabi.

“Manahimik ka na nga lang dyan” Inayos ko na yung steak sa plato at naglatag na rin ng kakainan. Nakatitig lang sya na parang ininspeksyon kung may hinalo nga kong lason.

“Wala ngang lason yan ang kulit. Tingnan mo” at kumain pa ko para mapatunayan yun.

“Haha alam ko naman yun. Binibiro lang kita pikon ka talaga no” Kumuha na rin sya ng kanya.

“Hindi ako pikon sadyang nakakbwisit ka lang”

“I’ll take that as a compliment”

Natapos kaming kumain. Ako nagligpit at naghugas ng pinagkainan. May puso naman ako kahit papaano, nakakaawa naman kung aalilain ko pa sya. Matapos kong linisin ang lahat ay napagdesisyonan ko na ring magpaalam para umalis.

Make It WorkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon