CHAPTER 9
Crucial Moment
“ART!” bati ko sakanya.
“Oh? Mag-isa ka yata ngayun? Di mo kasama yung mga kaibigan mo?” tanong niya sakin.
“Ah hindi eh nasa canteen sila. Nakita mo ba yung kaibigan mong si chris?” inis kong tanong.
“Ah oo kakalabas lang di ba? Ewan ko kung san pupunta yun, bakit?” Sagot naman niya.
“May kasalanan siya sakin eh..humanda talaga siya !” inis kong sabi. Pano kaya nila natitiis makasama yung lalaking yun?
“Chill ka lang! Yung puso mo malaglag! Hahahaha!” biro niya.
“Pano niyo nasisikmura ang lalaking yun? I mean ang tahimik niya tapos sobrang …ay ewan tsk…” inis ko.
“Hindi naman kasi yun masama ganun lang talaga yun! Pero pag nakilala mo yun mabait yun! ^_^” masayang sabi niya.
“Mabait? Wow ah. Nagka-girlfriend na ba siya?” usisa ko. Napaka imposible naman kasi kung wala di ba? Dahil sa panahon ngayun ang mga mukhang katulad nang sakanya madalas taken na! HAHAHA pwe.
“Yiee! Trip mo siya ming ming no? naks naman nagdadalaga! Hahahaha! Wag ka mag-alala Hindi pa ^___^” Pang asar niya.
“Nagtatanong lang eh! Sabagay sino ba naman kasi ang makakatiis sakanya? =___=” asar kong sabi.
“Grabe ka naman ming ming! Stick to one kasi yung pare kong yun!”sambit ni art
Talaga lang ha? Sus.
“Oh? Talaga? Panu mo naman nasabe?” tanong pa tine! Push mo yan! Mangalap ka ng impormasyon sakanya >:D
“Kasi gustong gusto niya parin ang first love niya! Hahaha! Oha! di ba? Simula daw pagkabata yun na ang gusto niya! Ang tatagtag di ba? San ka pa!” pagmamalaki niya.
“Talaga?” bakit naman kaya?
“Oo, Hindi talaga siya ganyan dati napaka-masayahing bata niya, tapos ang bibo niya” seryoso niyang tono.
“Eh bakit naman siya nagkaganyan?” nakakacurious lang. Bibo? Masayahin? Halos hindi nga bakas sa mukha niya yun ngayun eh. Napaka-misteyoso kaya ng dating niya lagi.
“Dahil nga sa First love niya! Lagi silang kumakain ng cookies, naglalaro at laging kumakanta ng sabay tapos lagi siyang may binabanggit na gubat! Memorable nga daw yun sakanya eh” kwento niya.
GUBAT? Sabagay marami namang gubat dito eh …
“anlayo naman ng sagot mo sa tanong ko -___-“ sa totoo lang! baliw na ata tong kausap ko eh. Haynako!
“Sorry naman! May nangyari daw kasi…” biglang seryoso niyang tono.
Lumingon lingon siya sa paligid… ano naman kaya ang hinahanap niya?
ahHhmmMm..
_____________________________________________________________
***FLASHBACK***
***PLAYING AS LONG AS YOU LOVE ME BY BACKSTREET BOYS***
“Tine! Tara na bilisan mo!”
“Oo! Teka lang!”
“Anu yang dinudrawing mo?”
“Yung First letter sa pangalan ko at pangalan mo”
BINABASA MO ANG
Unfinished Song
Romance"Music is my Painkiller... my soul remedy, my happiness and the cause of my loneliness."