Chapter 12

209 5 0
                                    

Chapter 12

"Gosh, bakit sila magkasama ni Fafa Blake?!"

"Totoo ba talaga na sila na?!"

"Oo, tignan mo naman! Sabay silang kakain ngayon dito!"

"Ang harot talaga ng babaeng 'yan! Ano ba'ng pangalan n'yan?!"

"Princess Madeline Bello!"

"Nakakainggit siya! Sana ako na lang 'yong kasama ni Fafa Blake ngayon!" bulung-bulungan ng mga babae sa canteen.

Aba, ang gagaling din ninyo, 'no! Alam niyo pa full name ko?! Wow, mga tsismosa! Feeling-ngera!

Napairap na lang ako. Ayokong magpaapekto sa kanila kasi ayokong masira 'yong araw ko.

Pareho naming gusto ni Blake 'yong isa't isa! Kinikilig ako! Omegesh!

"Madeline, here you go." bungad ni Blake nang makabalik siya saka inabot sa 'kin 'yong burger at juice.

"Salamat."

"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya.

"Yes?" patanong na sagot ko.

"Hindi ka ba masaya na alam na natin 'yong totoong feelings natin para sa isa't isa?"

"Oo naman! Masaya ako, kaso... nakakainis kasi 'yong mga tao rito sa canteen. Mga tsismosa."

"Who?"

"Wala... wala... Blake, umalis na lang tayo rito, please? Ayokong masira 'yong araw ko, eh."

"Okay. Where do you want us to go, Wifey?"

A-ano raw?! W-wifey?!

"Magtigil ka nga, Blake! 'Wag mo akong matawag-tawag na Wifey!" inis kong sabi kuno.

"Why? Y-you don't want me to call you that?"

"Hindi... oo?"

Natawa naman si Blake. "You're so cute, Wifey."

Ano ba, I know right!

"Psh. Tigilan mo nga ako."

Biglang nag-vibrate 'yong phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko. May dalawang nag-text sa 'kin.

Bes Nina
Bes, pupunta kami ni Cara sa inyo bukas!

Nako, 'tong mga bes ko pupunta lang naman sa bahay para silayan si Blake. Tsk.

Tinignan ko naman 'yong isa pang nag-text sa 'kin.

Unknown number
'Di ba, sabi ko sa 'yo, layuan mo si Jace?! Wow huh, makikipag-lunch ka pa sa baby ko! Ang kapal din ng mukha mo, 'no?! 'Pag hindi ka pa talaga tumigil sa paglapit sa kanya malalagot ka sa 'kin! As I said, you don't know me!

Aba, tinatakot niya na naman ako! Sino ba kasi talaga 'to?! Natatakot na ako, seryoso!

"Sino'ng nag-text sa 'yo at parang nagulat ka yata?" kunot-noong tanong ni Blake.

"Ah? Wala... wala 'to." sagot ko saka tinago 'yong cellphone sa likod ko.

"Bakit mo tinatago 'yang phone mo kung wala? Wala ba talaga?" Tinignan niya ako nang seryoso. "Are you having an affair with someone?"

"Hey, Blake! Wala 'no! Hindi ako two timer! Loyal ako sa 'yo!" sigaw ko.

"Guilty? Give me your phone." utos ni Blake tapos nilahad niya 'yong kamay niya sa 'kin.

"Wala nga 'to!"

"I said, give me your phone! Baka may ibang lalaking nagte-text sa 'yo!"

"Oh, ito na nga! Baka magselos ka pa dyan!" Inabot ko na sa kanya 'yong cellphone ko.

Unexpected Attitude Of My Fake HusbandWo Geschichten leben. Entdecke jetzt