Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan,pero alam ko na kaya ko itong lutasin.
Isa ako sa mga tao na gustong malaman ang katotohanan sa likod ng misteryong ito... Ako nga pala si Red Michelle Lorenzo,but you can call me Red for short... Hindi ko alam kung papano ko malulutas ito kung mag isa lamang ako,ngunit syempre andito ang pamilya ko at mga kaibigan ko para suportahan ako...
Sa pagtungtung ko ng high school nalaman ko kung paano maging isang taong responsable sa bawat lesson na natatanggap ko tila ba ako ay natututo.
Sa stage rin na ito ay nakita ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko,siya ang nagturo sa akin kung paano magmahal ng lubos natutuhan ko rin sa kanya kung paano maging seryoso.. Siya ang taong nagparamdam na maykasama ako,siya si Francisco pero tinatawag namin siya as Ace dahil siya na yata ang may pinakmataas na posisiyon sa paaralan namin..Si Ace ang pinakanerd sa buong campus pero siya rin ang pinakagwapo,hindi ko maamin sa kaniya noong mga panahon na gusto ko sya pero hindi niya ako mapansin hanggang humantong kami sa masayang pagsasama.Naging masaya kaming mag kasama, siya na ang kumokumpleto sa araw ko,lagi akong excited pumasok para makita lamang siya tila ba napunan ng sigla ang buhay ko magmula ng makilala ko sya. Ngunit lahat ng ito ay nawala ng may nabuo na isang trahedya kung saan ay pinaglalayo lahat ng magkasintahan na nagiging masaya hindi ko alam kung sino ang may pakana nito pero gusto kong malaman kung sino at bakit.
12:00 Pm ay pasukan na sa aming paaralan kung saan ay marami ring misteryo na kailangang alamin.
Sa bawat classroom ay may mga estudyanteng nakapulang maskara sila ang mga nagbabantay sa bawat estudyanteng magkakasintahan.Nilapitan ako ng isang kaibigan na nag-ngangalang Nicky,tinanong niya ako kung ano ang nangyayari pero hindi ko masagot ito sa mga panahong ito..
Nicky's (Pov)
Alam niyo itong si Red hindi ko alam kung anong gustong iparating sa amin, simula pa nung nagbreak sila ni Ace pero nadarama ko na may gusto siyang lutasin.Ano nga ba iyon,basta sa pagkaka alam ko lng na gusto niyang hanapin ang butas na ginawa ng mga nakapulang maskara.Sa pagkakaalam ko rin na gusto niya ring malaman kung sino ang mga pumatay sa magulang ni Ace dahil sa sinabi niyang malaki ang utang na loob niya sa pamilya nung lalaking yun pero sana sa paghahanap niya ng mga sagot ay hindi siya mapahamak.
Red's (POV)
Saan ko ba sisimulan ang paghahanap kong ito sa magulang ba ni Ace o sa mga nakapulang masakara.Bakit ba ako naguguluhan sa mga nangyayari ngayon? Tila ba ang iba ay nagkukumpulan sa tuwing makikita nila si Jessica,sa totoo lang may kutob ako na may kinalaman siya sa pagkamatay ng magulang ni Ace, pero gaano ba sila kalapit ni Ace para malaman niya ang tungkol dun.