Ashley's POV
May prof pa pero lumabas ako ng room dahil nahihilo ako. Gusto kong uminom ng tubig kaya kahit hindi na ako nakapagpaalam sa prof. Alam kong mamaya, iinisin na naman ako ng mga bully kong classmates. Hindi ko sila pwedeng labanan. Hindi ko sinasabi sa kahit kanino lalo na kay Ethan na may ganong pangyayari sa building namin dahil ayokong maging living hell lalo ang buhay ko at sasabihin na naman nilang padamsel in distress ako.
Nakarating na ako sa cafeteria at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Bakit nandito si Cheska? Pinaiwan ko sya sa China pero bakit umuwi pa sya dito?
Si Cheska ay ang pinsang kong kinupkop ng pamilya namin. Namatay na kasi ang parents nya which is ang kapatid ng mommy ko. Mabait si Cheska at happy go lucky. Medyo madaldal nga lang.
Pero nagulat ako ng makita sya dito. Kasama nya pa si Jazrille ha. Buti naman magkasundo sila.
Hinigit ko si Cheska. Hindi naman ganoon kalayo kay Jaz.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong.
"Ate Maxine, nandito kasi yung fiancee ko." nakangiti nyang sabi. What? Fiancee? Sino naman?
"And who is that?" Ngumiti na naman sya ng sobrang lapad.
"Si Ivan Ramirez, yung first love ko." Napahawak ako sa hulo ko ng marinig ko ang sinabi nya.
"Ivan? Alam ba to ni Mommy?" Hindi ko pinahalata na kilala ko si Ivan. Nako gulo to kapag nagkataon. Mukhang hindi pa alam ni Jaz na may fiance na si Ivan.
"Hindi pa eh. Pero sabi ng Lolo nya, sya na lang daw magsasabi kay mommy." Kailangan ko kaagad makausap si Mommy. Alam kong matutulungan nya ako dito. Hindi pwedeng magulo ang relasyon nila ng dahil saamin.
Jazrille's POV
Bigla na lang hinila ni Ashley si Cheska. Magkakilala pala sila. Ang liit nga naman ng mundo. Umalis na ako dun dahil mukhang wala naman atang balak si Ash na ibalik si Cheska hahaha nauna na lang akong pumasok ng room.
Late ako. Buti naman nasa labas pa ng room si Rae kaya naman sumabay na ako.
Pag pasok namin, lahat ng classmates ko mukhang nalugi na natakot. Hindi maipinta ang reaction ng mga mukha nila.
Anong meron?
"Ma'am, sorry we're --" Pinutol ni Ms. ang pagsasalita ko. Ano ba naman yan.
"What time is your class?" Nako po. Si Rae naman nakatungo lang. Wala ba syang balak tulungan ako?
"8 am po." sagot ko.
"And what time is it?" wala ba syang relo at sakin sya tanong ng tanong?
"May relo ako at kaya ko tinatanong sayo dahil baka hindi ka marunong bumasa ng oras. Kaya Ms. sumagot ka na lang." OMG! Narinig nya pala ang bulong ko.
"8:30 po." sobrang nakakahiya talaga. narinig nya pa yun? talas naman ng pandinig nya.
"What's your name?" She asked. sasagot na sana ako nang may biglang nagsalita sa intercom ng room.
"Goodmorning to all the students. Im just announcing that from now on, no boys or girls will talk to Jazrille Ramos. If I see anyone who's talking to Jazrille, you know what my punishment is. Have a good day everyone."
Aish Ramirez! Ano na naman bang problema mo?
Napatingin naman ako kay Ms. Sungit. Nagtataka naman sya dun sa sinabi sa intercom.
"Students nowadays. basta basta na lang kung gumamit ng intercom." bumaling na naman yung tingin nya sakin.
"So who are you?" Si Rae naman natatawa na hindi ko maintindihan. Haay Delos Reyes! Pagkatapos mo kong iwanan sumagot magisa dito!
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014