Mission 25

2.4K 60 6
                                    

Please do votes and leave a comment.

---

"Do you care for them?"

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko habang nakatitig sa kesame. Ilang araw na ding bumabagabag sakin ang tinanong ni Joaquin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam ang kasagutan doon.

Do I really care for them?

May pakialam ba talaga ako sa kanila? Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko. Sa loob ng dalawang buwan na magkakasama kaming lahat ay na-e-enjoy ko din ang company nila. I sighed for that thought. Ready na ba akong magtiwala sa ibang tao ngayon? Or should I consider them as my friends and stop this shit? Damn!

*ding* *dong*

Napaupo ako sa kama ko ng marinig ko ang doorbell. Agad akong lumabas sa kwarto at binuksan ang pinto sa sala. Bumungad sakin si Ked na may dala-dalang rocky road na ice cream.

"Hi?"parang di niya siguradong wika sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahmm.."napayuko siya at napakamot sa kanyang batok tapos ay binalik din niya ulit ang tingin sakin na may nahihiyang mukha.

"G-gusto ko sanang magthank you sayo. Ilang araw na ang nakakalipas at hindi pa ako nakakapagthank you. Kaya ito oh? Binili kita ng ice cream para makapagpasalamat naman ako sa pagliligtas mo sakin. Salamat, Rylee ha."

Nginitian ko siya dahil sa sinabi niya.

"Okay lang yun. Oh, siya pasok ka muna at kakainin natin yang dala mo. Hindi ko rin naman kasi yan mauubos dahil ang laki."

Mas pinaluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at pumasok naman siya sa loob. Umupo siya sa sofa at nilapag niya ang dala niyang ice cream sa center table.

"Ito oh remote. Manuod ka muna at kukuha ako ng baso at kutsara."iniabot ko sa kanya yung remote ng t.v ko bago ako dumiretso sa kusina.

Mula dito sa kusina ay pinagmasdan 'kong mabuti si Ked. He have this jolly aura but once you messed up with him you're dead.

Magaan ang loob ko sa kanya at sa tuwing nakakasama ko siya ay napapalabas niya ang ibang emosyon ko. Lalo na noong kamuntikan na siyang mabaril. Lubos-lubos ang kabang nararamdaman ko noong panahong iyon at ang tanging nasa isipan ko lang ay ang iligtas siya. This is not me anymore. I never cared to someone before except, Axl and Joaquin.

Ugh! I hate this feeling! I don't want to be attached with them. Dahil alam 'kong sasaktan ko din sila sa huli but damn it! Parang hindi ko ata kayang ilayo ang sarili ko sa kanila. Damn! I want to finish this mess I made habang maaga pa. Dahil alam kong sa huli kakamunghian nila ako.

Bumuntong hininga muna ako bago ko winaksi ang lahat ng isiping iyon. I compose again my poise bago bumalik doon.

"Ito oh."inabot ko sa kanya yung isang baso at kutsura tsaka ko inilapag yung akin. Binuksan ko muna yung galon ng ice cream bago kami kumuha pareho.

"Ang sarap.."wika niya na parang ngayon lang nakatikim ng ice cream. With feelings pa kasi siya.

Napailing na lang ako dahil sa kachildish'an niya.

"Talaga."sagot ko naman.

Isinandal ko ang likod ko sa paanan ng sofa habang si Ked naman ay nakaupo mismo sa sofa.

"Nga pala, bakit ikaw lang ang nandito?"curious 'kong tanong sa kanya dahil alam ko naman na parang langaw ang seksyon namin. Yung tipong, kung nasaan ang tae  nandoon silang lahat.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon