"EARTH to Danielle!" pukaw sa kaniya ni Gwen.
"Huh?" baling niya rito. Mukhang kanina pa ito nagkukuwento pero heto siya at abala sa pamo-mroblema ng problema niyang hindi niya alam kung kaya niya pang masolusyonan.
"Kuuuh... Kanina ka pa lutang, ah," puna nito sa kaniya.
Kasalukuyan silang nakatambay sa canteen at naghihintay ng oras para sa susunod nilang klase.
"May problema ba, Dan? Kanina ka pa tahimik," puna nito sa kaniya.
Hindi niya na napigilan ang pagbalong ng masaganang luha mula sa kaniyang mga mata. Apat na araw na lamang at matatapos na ang palugit na ibinigay sa kanila ni Mr. Xuan. Mula ng araw na pasukin nila Mr. Xuan ang kanilang bahay at walang awang sinaktan ang kaniyang ama, hindi na siya pinansin ng kaniyang ama. Lagi na lang itong nasa trabaho at kung nasa bahay naman ito ay bote ng alak lang ang kaharap nito. Tila ba tuluyan nang nakalimutan nito na ilang araw na lang ay mawawala na rito ang anak nito. Hindi niya mapigilang magtanim ng sama ng loob dito.
"Dan?" muling pukaw sa kaniya ni Gwen.
"G-gwen..." mas lalong lumakas ang paghagulhol niya. Wala na siya pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. Sa paputol-putol n pagsasalita ay isinalaysay niya rito ang problema niya. Hindi lamang ito simpleng secretary ng kanilang org, ito na rin ang nagsisilbing best friend niya mula nang siya ay tumuntong sa kolehiyo.
"What?!" na-e-eskandalong tanong nito.
"Psh! 'Wag ka ngang maingay diyan, nakakahiya sa ibang estudyante," saway nuya rito.
"Ay, wow... Hindi ka nga nahiya kanina na para kang baka kung makaatungal diyan. Pero seriously, girl, malaking problema 'yan."
"I know," aniya sa malungkot na tinig. "Hindi ko rin alam kung ano ang gustong gawin sa akin ni Mr. Xuan at ako pa ang hiningi niyang kabayaran."
Clueless talaga siya. Hindi niya alam kung anong mangyayati sa kaniya sa oras na mapasakamay na siya ni Mr. Xuan. Biglang napukaw ng pag-ring ng kaniyang cell phone ang malalim niyang pag-iisip.
Unknown number...
Hindi niya ugaling sagutin ang mga tawag mula s mga numerong hindi niya naman kilala. Pero nakaramdam siya ng kaba sa tawag na ito. Sa nanginginig n kamay ay sinagot niya ang tawag.
"H-hello?"
"Danielle..." anang baritonong tinig ng nasa kabilang linya. Hindi niya mn tanungin kung sino ito, kilalang kilala na niya ang boses na ito. Ilang gabi rin siyang hindi pinatulog nito.
"M-mr. Xuan, ano ho ang kailangan niyo?" tanong niya rito sa nanginginig na tinig. Naramdaman niya ng mahigpit n paghawak ni Gwen sa kaniyang braso. Sinulyapan niya ito at bakas sa mukha ng kaniyang kaibigan ang labis na pag-aalala.
"Wala naman, hija. Ipapaalala ko lang sa'yo ang napagkasunduan namin ng papa mo. Alam mo naman na mahal akong maningil. Sa oras na hindi ko makuha ang kabayaran sa loob ng natitirang apat na araw, magpaalam ka na sa ama mo," pagbabanta nito sa kaniya.
Nahindik siya sa kaniyang narinig. Alam na niya ang posibleng mangyari sa kaniya pero iba ang epekto sa kaniya ng ginawa nitong pagpapaalala. Nanghihina man at wala nang lakas, itinanong niya rito ang isang katanungang matagal nang bumabagabag sa kaniya.
"B-bakit ho ba ako ang gusto niyong kabayaran?"
Hindi agad nakasagot si Mr. Xuan. Matapos ang ilang sandali, "malalaman mo rin sa takdang panahon." anito at naputol na ang linya. Bumaling siya sa kaniyang kaibigan.
"Gwen, anong gagawin ko? Baka chop-chop-in ako nung matandang 'yon. O 'di naman kaya ay ibenta as sex slave sa black market!" pati siya ay nahihindik sa mga pinagsasasabi niya.
"Relax lang. Mag-iisip tayo ng paraan," alo nito sa kaniya. Bigla itong napatuwid ng upo. "Ano kaya kung magtrabaho ka bilang isang escort?" suhestyon nito sa nagniningning na mga mata.
"Baliw ka na ba?"
"May nabasa kasi akong isang kuwento. 'Yung babae sa kuwento nangailangan ng malaking halaga para sa pamilya niya. Kaya nung may nag-alok sa kaniya ng isang milyon na costumer niya sa escort service para sa isang linggong serbisyo niya rito eh pumayag siya!"
"Naloloka ka na nga talaga."
"Nagsa-suggest lang naman, friend."
Wala na. Wala na talagang pag-asa.
BINABASA MO ANG
Mischievous Bride Unwilling Groom
Romantizm15 years ago... "Hoy, Justin!" "Ano bang problema mo? Kanina ka pa sunod nang sunod sa'kin, ah. Isusumbong na kita kay mommy!" "Kuuuh... Napakasumbongero mo naman. May sasabihin lang naman ako sa'yo ah," aniya rito sabay dukot sa bulsa niya ng ba...