Chapter 2: First day

40 4 0
                                    

Chapter 2

Athen's POV

Maaga akong nagising. Mga 4 am pa. Kase hindi naman ako katulad nung ibang mga teen agaers na gaya ko na 6 am na kung bumangon tapos ready na yung pagkain tapos kakain nalang.

8 am pa ang pasok ko pero maaga akong gumising para pag lutuan sina tita. Maaga akong natutu sa pang kusinang gawain dahil pag walang ginagawa si mama tinuturuan nya ako minsan naman nanonood lang ako sa kanya.

Exact 6:30 am nung bumaba si Tita at ate para kumain.

"Ano athen?! May pagkain na ba? Wag mong sasabihing wala. Masasabunutan talaga kita." Ang ganda ng good morning ni tita.

"Ah meron na po. Andun na sa lamesa."

"Oh sige na, sige na umalis kana sa harap ko."

Umakyat na ako para magbihis at ng maka alis na. Sobrang aga ko ba? Ganito ako lagi ayaw na ayaw kong nagi stay sa bahay na to kase feeling ko palagi nasa empyerno ako.

Mas gusto ko sa school kase dun I can do whatever I want to do. Walang hahadlang.

Bihis na bihis na ako at ready na sa pagpasok. Buti nalang nakakain ako kanina bago pa magising sina tita.

"Oh saan ka pupunta?" Sigaw ni ate saken

"Sa school po." Hindi ba obvious naka uniform ako.

"Hugasan mo muna itong mga plato. Ayos ka ah ano? Tatakasan mo ito?"

Kung pwede lang hahaha

"Ah hindi naman po sa ganon... Pero..."

"Wala ng pero pero. Maghugas ka dito. Bilis!"

"Opo".

Nakabihis na ako and all tapos papag hugasin pa ako. Minsan talaga gusto ko ng umalis dito pero saan naman ako pupunta diba? Wala.

7:30 am na nung makarating ako sa school namin.

"Hi athen! I miss you. Nakita mo na ba kung anong section mo?". I miss this girl. Sya si Domin ang isa sa mga bestfriend ko.

"Hindi pa nga Min e. Ikaw?"

"Hindi pa din tara tignan natin."

"Sige."

Pumunta kame dun sa may malaking bulletin board sa harap ng Principal's Office para tignan ang mga pangalan namin at kung saan kaming section.

"Wahhh Classmates ulit tayo!". Napaka hyper talaga nitong si Domin. Well Good news yun.

"Hmn oo nga ano."

"Oh bakit parang hindi ka masaya dyan.?"

"Well hindi naman sa hindi ako masaya. Pero kase..."

"Kase ano?"

"Hindi na naman natin classmate si Lucas." Nahihiyang sabi ko. Si Lucas yung first crush ko magmula nung mag transfer ako dito nung Grade 7 ako. Oo last year lang ako nag transfer dito pero marami naman na akong friends.

"Hahaha okay lang yan Nia(AtheNIA) Meron pang grade 11 at 12 . May chance pa na maging classmate mo sya hahaha.

"Pshh. Sana nga. Tara na sa room natin. Section Darwin tayo. Tara na sa room para makatulong tayo mag linis."

"Let's go Nia."

Pagdating namin sa room marami na yung classmate namin na nandun para maglinis. Familiar yung iba saken kase mga Classmate ko sila dati pero yung iba hindi.

"Hiii Nia.!! Classmate tayo ulit yeyyy.!" Sya si Bea.

Isa din sa mga Best friend ko. Well a sort of. Nung grade 7 kame nalaman ko na pina plastic nya lang ako. Galit sya saken kase inagaw ko daw bestfriend nya. Like hello. Wala akong inaagaw pati sya bff ko. Pero bakit naman ganon iniisip nya. Galit padin ako sa kanya. Pero kunti lang.

SmileWhere stories live. Discover now