Para sayo MDL

15 0 0
                                    

Kamusta ka?
Masaya ka ba sa bago mong pag ibig?
Masaya ka ba na nakasakit ka ng damdamin ng isang babae tunay kang inibig?
Masaya ka ba na may niloko ka at pina ibig? Masaya ka ba na may pinaglaruan kang pusong minsan lang umibig?
Masaya ka ba na wala kang mukhang kayang iharap sa akin nung sinabi mo na tigilan na kita at meron ka ng iniibig?
Masaya ka ba na ang tingin ko sa lahat ng ipinadama mo nung andito ka sa loob ng mahigit apat na taon ay huwad na pag ibig?
Masaya ka ba nung may dalawa pala kaming pinagsabay mo? Magkaibang bansa pa ha! Ano un kapag nasa pinas ka ako muna pero kapag umuwi ung isang girl dun ka muna?
Masaya ka ba na lahat ng mga alaala mo nung nandito ka sa pinas ay bigla mong binura sa fb at parang isang masamang panaginip at block mo dinamay mo pa ang pamilya ko at pilit na inalis ?
Bakit dahil hanggang ngayon nagdududa si girl na may komunikasyon pa tayo? Hirap ng masyadong insecure te?
Ikaw kasi guilty ka masyado, wala ka ng ginawa kundi tingnan ang profile at my story ko. Dahil natatakot ka na magpost ako ng mga pics nating magkasama sampu ng aking pamilyang minahal ka.
Masaya ka ba ngayon na hindi mo mapakilala ang bago mong babae sa pamilya mo kasi alam mong magagalit sila? San ka nga naman nakakita na ang alam sa inyo ay may tayo pero may kayo pala.
Masaya ka ba ngayon?
Maaring masaya ka ngayon kasi pinili din ng babae mong mahalin ka kahit alam niyang pinagsabay mo kami! Sino ba nauna, ako o siya?
Kagaling naman ng ginawa mo, kaya pala bigla mong iniba ang tawag kasi ang tawagan niyo din ay baby, ang galing noh? Kaya din siguro biglang bigla din na ayaw mo magpakita at magpahiram ng phone kasi alam mong may makikita ako.
Di ka ba sana mahahalata dahil lamang sa reactions dun sa fb kaya ka biglang naalarma? Ako kasi di nagcheck ng fb mo kasi tiwala ako na di mo ko lolokohin kasi sabi mo nun ayaw mo ng niloloko at masakit kapag niloko ka, e ano ginawa mo di ba panloloko un, ung may tayo pero may kayo din?
Masaya ka ano?
Masaya ka kasi pinili ng babae mo ngayon na sumunod sayo dyan kahit walang katiyakan, ano nga sabi mo kay ate sa akin kasi ayaw mong matali ako kasi d ako sasama sayo kung walang kasal, masyadong konserbatibo ang pamilya kong kinalakhan. Ang galing naman dumating pa nga ako sa point na mas pinili kong talikuran ang mga aral na aking kinamulatan dahil akala ko meron pang pagmamahal at meron png patutunguhan, wala na pala. Kasi mas pinili mo siya. Di masyadong komplikado at ok lang ata sa kanya.
Sana nga masaya ka, at di itinatago ang babaeng pinili mo, hanggang ngayon daw ay tumatanggi  ka kapag tinatanong ka ni ate pati na pamilya mo kung kayo na ni girl. Itong si girl naman ang alam ay kilala na siya sa inyo. Pero nagkabistuhan lang kahapon kasi si ate naikwento. Gulat na gulat ang nanay at tatay na wala ng tayo kasi ikaw nakipagbreak, magkaiba pa ang kwento- sabi mo kay ate gusto mo kong maging masaya magkaroon ng isang masyang pamilya kasi sabi mo nga napakabait ko at di ko deserve ang katulad mo pero sa akin sinabi mo na meron ka na diyang kinakasama, nabuntis mo at mas mahal mo na.
Sana nga masaya ka, magpakasaya ka sa ngayon, pero sabi nga ng lahat, walang nagiging masaya sa isang relasyon kung ikaw ay nakasakit ng damdamin ng iba. Masaya nga siguro kayo ngayon pero di matatapos ang pagtatanong ni girl tungkol sa akin at kung ano ako sayo. Walang tigil ka niyang tatanungin kung ano tayo at ilang taon tayo, block niya din ako sa fb, baka natatakot na matuklasan niyang kayo pa kahit sinabi niya sa aking wala ng kayo. Hangad ko n magkaroon kayo ng katahimikan. Sa ngayon lahat ng mga nasasaloob ko ay isusulat ko muna dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para sayo MDLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon