Xia.
Namilog ang mata ko sa rebelasyong ipinagtapat ni Xenon sa akin. Siya ang may-ari ng paborito kong coffee shop.
"That's why lagi kitang napapansin doon. Hinihintay nga lang kitang maging single." Natatawang sabi niya na nag-pabigla sa akin.
"Ano? Ibig sabihin ay matagal mo na akong tinitignan?"
Nagkibit-balikat siya.
"Well, you caught my attention from the very first time na tumapak ka sa coffee shop."
Mas lalo akong nanabik sa sinasabi niya. Matagal na akong customer sa coffee shop na iyon. College pa lang ako dati ay tambayan ko na ang Walang Forever 143.
"Ibig sabihin, as in? College days?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero tumango lamang siya. Gosh, ang tagal na niyon.
"I was also in college that time and I work as a part timer in our coffee shop. I can cleary remember your serious face while working infront of your laptop."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Nakasuot pa ako ng makapal na salamin during college days dahil napaka-bookworm ko noon. Madalas din akong haggard dahil hindi rin naman ako palaayos. Wala din akong pambili ng mga pwede kong gamitin sa mukha ko katulad ng liptick.
"Nakakahiya ako." usal ko at ang pagtawa niya ng mahina ang naging dahilan ng pagsimangot ko. "Anong nakakatawa?"
"You shouldn't be conscious. Hanggang ngayon naman ay maganda ka pa din sa paningin ko. It was because you're simple that's why you caught my attention."
Sa wakas ay muling napangiti ako. Ang lumanay magsalita ni Xenon at nahihipnotismo ako sa bawat salitang lumalabas sa labi niya.
Parang gusto ko ng maniwala na sobrang ganda ko nga. Napahagikhik ako sa naisip ko kaya napatingin sa akin si Xenon na nagtataka.
"I still can't believe that you're the owner of the coffee shop."
"You should believe me now."
Nakangiti naming binati ang ibang bisita sa party. Mabuti na lang at sanay na ako sa pakikisalamuha sa mga mayayamang business partner ni Sir Avi. Ang ilan ay kilala na rin ako. Madalas kasi akong date ni Sir Avi dahil hindi naman pwedeng dalhin niya ang mga kalampungan niyang babae na ayon na din sa kaniya ay mayaman lang pero walang laman ang utak.
"You have a pretty date tonight Mr. Cruz. Ngayon ka lang din nagdala ng date sa isang party."
Nginitian ito ni Xenon dahilan para lumabas ang mapuputing ngipin nito. Hindi ko na naman tuloy mapigilan na mapatitig sa kaniya.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ayain siya kaya ngayon lang din ako nagkaroon ng ka-date. By the way, her name is Xia Buenavista."
"Couple of X eh." Komento ng matanda at sabay kaming napahagikhik ni Xenon at nag-katinginan kaming dalawa.
"Nga pala parang nakikita na kita dati." Baling ng matanda sa akin. I also know him. He's Mr. Federigo Dy.
"Most of the time, I'm Mr. Avi Gustavo's date. I'm his secretary."
"Oh."
"Uhm, may you excuse us Mr. Dy?"
"Of course dear." Magalang na sagot niya kay Xenon.
"So Avi is your boss?" Tanong niya sa akin. Marami pa talaga kaming hindi alam sa isa't isa.
"Yes."
We both hold each other's hand as we made our way on the big circle of young businessmen. Lahat sila ay may napakaseryosong aura. Kahit na ganun ay marami pa ring mga kababaihan ang napapatingin sa kanila dahil lahat naman sila ay mga gwapong lalake.
BINABASA MO ANG
A Search for Love [PUBLISHED]
TeenfikcePublished under DJEB Publishing House. Mahirap hanapin ang isang bagay na ayaw magpahanap. Ngunit si Xia ay may paninindigan na balang araw ma-meet niya din ang lalakeng hinahanap niya. Iyong para sa kaniya lang. Iyong lalakeng hindi siya lolokohin...