CHAPTER 67

1.2K 29 0
                                    


Xian's POV

Napabuntong-hininga na lang ulit ako habang nakatanaw sa langit na nagbabadyang magbagsak ng malakas na ulan. Pati siguro ang langit ay nalulungkot sa nangyari sa aming dalawa. Wala akong magawa kun'di ang bumuntong hininga matapos niyang tumakbo pabalik sa tinutuluyan namin. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang hugot na ako ng malalalim na paghinga. Hanggang ngayon kasi ay naalala ko pa rin 'yung ekspresyon niya kanina. Alam kong masakit malaman dahil ganun din 'yung naramdaman ko noon, pero wala kaming magagawa kung hindi tanggapin na magkapatid nga kami sa ina.

Napabuntong hininga na naman ako at naalala 'yung sinabi sa akin ni Madonna kanina.

***

"You're  here."

Napalingon ako sa gilid ko ng may narinig akong nagsalita. Nakita ko naman doon si Madonna na nakangisi. Umupo siya sa tabi ko  at inilubog ang paa sa swimming pool dito sa likod ng bahay. Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan ang pangatlong bote ng wine na dala ko. Iinumin ko na sana pero inagaw niya sa akin ito at siya ang uminom.

"So why are you here? Bakit hindi mo kasama si flirt?" Agad niyang tanong matapos agawin sa'kin ang bote.

"It's none of your business." Sabi ko at nagbukas na lang ng panibagong bote.

"Ohhh I smell something fishy! LQ?" Natatawang sabi niya pero hindi ko siya sinagot at tumungga na lang ulit.

Tss. Love Quarrel is for in a relationship only.

"By the way, what happened between you and Amy girl?" Tanong niya pero pinigilan ko ang sarili na 'wag magsalita. "Okay, okay. Kung hindi mo 'ko sasagutin, si Amy girl na lang ang tatanungin ko."

Tatayo na sana siya pero agad kong hinila ang braso niya paupo. Agad tuloy siyang natawa pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Nagpapahinga siya." Madiin kong sabi pero tumatawa pa rin siya.

Mas sinamaan ko tuloy siya ng tingin pero ang babaing ito ay hindi man lang natinag! Naiinis na iniwas ko na lang tuloy ang tingin at tumungga ulit.

"Ohh ex-love! Sagutin mo kasi 'yung tanong ko!"

"Fine. We're friends." Sabi ko at bumuntong hininga.

"So I guess that kiss was just a friendly kiss?" Sabi niya kaya napalingon ako at nakita ko siyang nakangiti ng nakakaloko. "I saw that one."

"I just gave her some air."

"Ohhh is that how you save your friend? So pwede ko bang malaman kung kaibigan ang tingin mo sa'kin?"

"Why?"

"I just want to know. If ever kasi na kaibigan ang tingin mo sa'kin at nalunod ako dito, would you save and kiss me too?"

"You can swim and she doesn't." Nasabi ko na lang at napailing dahil sa sinabi niya.

Sino ba namang matinong tao ang magpapakalunod para lang mahalikan? Tss she's crazy.

"Aww you're so... arghh!" Sabi niya at sumimangot. Kinuha niya naman 'yung bote na inagaw niya sa akin at uminom. Maya-maya lang ay bigla ng nagseryoso ang mukha niya. "But seriously, what happened?"

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon