The Untold Story

5 0 0
                                    

"My name is Canny! I am just a normal girl lost in the outside world where humanity do not exist"

As I walk in this dark streets, I can see a lot of people sitting in the ground while abusing their selves in drinking alcohol, using cigarettes and using illegal drugs. Marami ring mga pokpok na naghihintay ng costumer, mga magnanakaw na naghihintay ng mananakawan, mga oportunistang tila ba hari sa daan. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad lahat ng mga taong basura na nakakalat sa daraan ko ay umiiwas ng tingin sa akin at tumatabi sa daan. Masikip at maduming iskinita ito ang araw araw kong dinaraan para makarating sa basurang tahanan na aking tinitirahan. Sa dulo ng iskintang ito matatagpuan ang isang maliit na bahay na kulay pula ang bubong at walang pinturang simento ang pader ito ang bahay kung saan ako nakatira. Nilock ko ang pinto at ibinato ang bag ko sa upuan na nasa living room ko at dumiretsyo sa kusina ko para kumuha ng cup noodles pang agahan ko.

*Took Took Took

Lumapit ako sa pintuan but before I open the door sinilip ko muna kong sino ang kumakatok sa isang maliit na butas sa pintuan ko tsaka ko binuksan

"Uh?Goodmorning?"

Iniripan ko lang si Fern at bumalik na sa pinaiinit kong cup noodles

"Gosh Friend kelan ka ba talaga titino? tignan mo nga tong bahay mo teka bahay pa ba to?"

Umupo si Fern sa tapat ko habang kumakain ako ng noodles

"Teka nga"

Hinawakan ni Fern ang mukha ko na agad ko namang tinanggal

"Canny kelan ka ba talaga titino? At kanino ka nanaman nakipagbogbugan? tignan mo nga yang mukha mo may pasa nanaman"

Tumayo na ako at naglakad papasok sa kwarto ko at as usual sinundan ako ni Fern habang dakdak ng dakdak, humiga ako sa kama ko at ipinikit ang nga mata ko i want to sleep wala pa akong tulog

"CANNY DRIVEN!Kelan ka ba talaga makikinig sa akin? Araw araw ka nalang ganyan wala ka bang plano sa buhay mo? ano forever ka nalang makikipag patayan gabi gabi? grow up Canny!"

Hindi na ako nagsalita pa hays nako actually memorize ko na yang sinasabi ni Fern araw araw ko ba namang naririnig ito. Maya maya pa narinig kong lumabas na ng bahay ko si Fern.

_______________
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok na nanggagaling sa pintuan ko kaya agad naman akong gumising at sinilip kung sino ang kumakatok at isa ito sa mga kapitbahay ko si Mang Kador agad ko namang binuksan ang pinto

"MAY MGA PARAK"

Sigaw ni Mang Kador na ikinalaki naman ng mga mata ko, umalis na siya habang tumatakbo. Agad ko namang hinablot ang bag ko na itinapon ko kanina sa upuan at agad na umalis sa bahay na yun . Gabi na at ang daming tao ang nagtatakbuhan ung mga adik, sugarol, lasenggo magnanakaw nagkakagulo na tumatakas sa mga pulis na humahabol sa kanila

*PRRRRRTTTTTT

Tunog ng mga pito ng mga pulis agad na akong tumakbo marami akong nakakabangga sigawan sa kung saan saan. Dire diretsyo lang ako sa pagtakbo pumasok ako sa isang iskinita na alam kong sa dulo ay dead end dahil sa malaking pader na semento at sa likod nito ay ang high way.

"TIGIL O BABARILIN KITA"

Narinig kong sigaw sa likod ko. Shit! nasundan ako nilingon ko ito habang tumatakbo isang pulis lang ang humahabol sa akin pero nakatutok sa akin ang baril nito kaya hindi ako tumigil sa pagtakbo malapit na ko sa pader

*BANG

Kasabay ng malakas na alingawngaw ng baril ramdam ko ang sakit ng balang bumaon sa braso ko SHIT. Napahawak ako sa braso ko at medyo bumagal ang pagtakbo ko pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Ng marating ko ang pader agad akong tumalon sa isang drum na sadya ko ng inilagay duon para incase na mangyari ang ganto alam na. Tumalon ako duon para makakuha ng buwelo sa pagtalon ko sa mataas na pader at sakto naabot ko ang tutok ng pader kaya unti unti ko ng iniangat ang sarili ko. Nahirapan ako dahil sa sugat ko sa braso

"AHHHH!"

Parang pinipiga ang braso ko habang inaangat ko ang katawan ko paakyat ng pader idagdag mo pa ang mga balang muntik muntikan na akong matamaan.Ng maiangat ko ang sarili ko muling kong nilingon ang pulis at nakita ko ang mukha niya saka ako tumalon sa kabilang side ng pader which is high way kaya pagtalon ko ay nagpagulong gulong ako dahil sa taas ng pader at sa kamalas malasan ng buhay ko

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPPPPPPP

Ilaw ng sasakyan ang huling nakita ko at malakas na busina.







-
CANNY DRIVEN

Dont forget to vote 👌

ENJOY READING 😉

Follow me on Facebook
@Lhey De Guzman
IG &TWITTER
@Lheydeg.777

The Lost EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon