CHAPTER 1

5 0 0
                                    

Canny's POV

Ah!Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa kumikirot ito sa sakit fuck! dahan dahan akong umupo at minulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay sinag ng araw na nanggagaling sa isang malaking bintana inikot ko ang paningin ko sa buong lugar at duon ko lang narealize na nasa isang kwarto ako isang malaki at magarang kwarto sampung beses na higit na malaki ata ang kwartong ito sa buong bahay ko. Dahan dahan akong tumayo at tinignan ang sarili ko sa isang malaking salamin na nasa tabi ng puting malaking kama na pinanggalingan ko kanina. Naka suot ako ng isang brown na robe, nakalugay at medyo humaba ang itim at straight na buhok ko huling tingin ko sa salamin hanggang balikat lang ang buhok ko ngayon ay hanggang bewang ko na ito teka? nasaan ba ako?

"Youre awake"

Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko ang isang lalaking nakatayo at nakatingin sa akin.

"Sino ka?"

Cold kong tanong sa kanya pero imbis na sagutin ang sagot ko naglakad ito papalapit sa akin kaya napaatras naman ako hanggang sa nabangga ko ang isang table sa likod ko at isang hakbang nalang ang layo ng lalaking to sa akin.

"Wag kang lalapit"

Kinuha ko ang vase na malapit sa akin at ihahapas ko sana ito sa kanya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at one thing I know one inch nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Iniwas ko naman ang mukha ko sa paglingon sa kanan . Kinuha niya ang vase na hawak ko at ipinatong ulit sa mesang nasa likod ko tsaka ito naglakad papunta sa bintana na tila ba may pinapanuod sa labas

"Ako dapat ang nagtatanong sayo kung sino ka"

Sambit niya habang nakatalikod sa akin. Nakatingin lang ako sa likod niya. Matangkad siya macho kulay black ang buhok na medyo mahaba and maporma siya ha!

"Nasan ako?"

Cold kong tanong ulit sa kanya

"Anong pangalan mo?"

Tanong niya ulit

"Bakit ako nandito?"

Tanong ko din sa kanya . Humarap siya sa akin at nagulat ako sa nakita kong mukha niya parang galit na naiinis

"BAKIT MO BA SINASAGOT NG TANONG ANG TANONG KO?"

Sigaw niya sa akin

"BAKIT MO AKO SINISIGAWAN?"

Sigaw ko din sa kanya lalaking to perfect na sana wala namang modo gwapo na sana mukha lang unggoy!

"BAKIT MO RIN AKO SINISIGAWAN? HOY NASA PAMAMAHAY KITA KAYA WALA KANG KARAPATAN NA SIGAWAN AKO"

"ANONG PAKI KO KUNG NASA PAMAMAMAHAY MO AKO? IKAW ANG UNANG SUMIGAW SA AKIN !"

"Uhhmm excuse me maam, sir"

"ANO/WHAT?"

Sabay naming sigaw duon sa babaeng kararating lang and dahil sa uniform niya alam kong maid siya. Nagulat ata yung maid at napaatras

"Dala ko na po yung mga gamit para po kay maam sir"

Nanginginig na sabi niya inilapag niya ang mga bitbit niyang paper bags oo may s kasi ang dami atsaka umalis na.

"Get change"

Sabi nung lalaki at lumabas na rin ng kwarto . Pshhh! asan ba ako? isip Canny asan ka ba? nilapitan ko yung mga paper bags at inilabas ko isa isa ang mga laman nito puro dress, heels, make ups, pabango at mga alahas puta wala bang pantalon diyan? jacket? tshirt sapatos ganern? pak!

Sapilitan kong kinuha ang isang black dress na pagkaikli ikli kesa naman magsuot ako ng pink o yellow dress at isang black heels pumasok ako sa isang pinto at tama ako cr nga nga ito.

The Lost EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon