Huh? Bakit ako nasa kwarto ko? Sino nagdala sakin dito? Teka!
Kinapa ni Odette katawan niya.
Ay nakadamit pa pala ako. Hehehe. Teka anyare ba? Ahh! Oo nga pala... Nag tapat si Josh.
Odette hayaan mo kong mahalin ka
Odette hayaan mo kong mahalin ka
Odette hayaan mo kong mahalin ka
Odette hayaan mo kong mahalin ka
Odette hayaan mo kong mahalin ka
Ay letche! Josh naman eh! Ay! Anong oras na! Late nanaman ako!
Nagmadali si Odette sa pag aayos at umalis na.
Ang weird. Walang gising sa bahay? Wala din si Josh sa gate? Anyare?
Sumakay na si Odette ng jeep at nag bayad. Kulang ang sinukli ng driver sakanya.
Manong talaga oh! Hapit sa pera! Mukhang ginulungan na nga ng jeep yung mukha mo eh! Sana maflat ang apat mong gulong! Che! Hmp!
Bumaba na si Odette sa tapat ng gate ng university nila at makita niya ay nakasara ang gate. Nag tanong siya sa guard kung bakit nakasara ang gate
"Manong guard! Bakit po nakasara ang gate?"
"Walang pasok ineng. Sabado ngayon. College lang may pasok ngayon. Mamaya pa pasok nila." sabi ni manong guard.
"A-ahh... Sige po! Salamat po!"
Ano ba Odette!? Lutang ka ba!? Bakit di mo chineck ang calendar!? Spell TANGA. O-D-E-T-T-E. Nako! Pasundo nalang kaya ako kay Louise? Wag baka paulanin ako ng panglalait non. Si Josh kaya? Oo! Tama! Text ko nalang siya.
Tinext ni Odette si Josh. Nakalimutan niya na medyo awkward kay Josh ngayon. Kaya nung pagkasend niya naalala niya bigla. Kaso na send na yung message.
Odette Marie Bernardo Mendez! Anong ginawa mo!? Pahatid nalang ako sa mental. Tama tama! Sa mental nalang.
Dumating kagad kotse ni Josh.
"Oh? Bakit ka nagpapasund---" natigilan si Josh.
"Pffffft... Sa-sakay n-na.... Pffffft." pigil na tawa ni Josh.

BINABASA MO ANG
You and Me Best friends Forever
Teen FictionPlease read my story!! :D pafollow na din po, follow ko din po kayo ASAP :D ^_^