Chapter Twenty

608 19 0
                                    

Chapter Twenty
**********************

(Adik's POV)

Napatingala ako dahil sa sobrang laki ng bahay namin habang tinatahak ko ang daan. Ang akala mo walang taong nakatira sa madadaan mo pero ang totoo iyon pala ay hardin lang namin. Tsk. Ang yaman ba? Yumaman lang naman kami dahil sa business ni Papa. Nang dahil sa isa siyang Mafia nagagawa niyang yumaman ng ganito. At ito ang kinagalit ko sa kanya. Mukha siyang pera!

Pagkababa ko sa kotse ay sumalong kaagad sa akin ang mga Butler dito...

"Good evening, Señorito G---"

"Say it or eat the bullet?" Walang gana kong tanong sa bumati sa akin at tinutok ko sa kanya ang baril.

Ilang beses ko na kasing sinasabi na huwag na huwag nilang babanggitin ang pangalan ko dahil ang pangalan na iyom ay kilalang pumapatay lamang.

"I'm sorry boss Zero" magalang nitong pagtatawad kahit na pinagpawisan na ito.


Hindi ko na siya sinagot pa at aalis na sana doon pero may gagong humarang sa dinadaanan ko. Nakangisi ito habang ako-- I don't care! Ang gusto ko lang ay matapos ito. Kung naalala niyo sa restaurant sana ang meeting ngunit may pabida kasing umeksena kaya heto nasa impyernong bahay kami.

"Wala ka pa rin talagang pinagbago, ZERO" pang-asar niya sa akin. Tinitigan ko lang siya sa mata at napapikit ng mariin bago ko siya nilagpasan. Subalit hindi pa man ako nakakalayo nagsalita na naman ito na hindi ko ginusto.

"Hindi mo man lang babatiin ang kuya mo? Tsk sa bagay hindi ka nga pala tinuruan ng good manners, diba?" Lumingon ako sa kanya at tinapunan ko lang siya ng ngising demonyo.

"Good manners? Ok lemme show it for you kasi sa tingin ko di mo rin alam anong ibig sabihin ng good manners" saad ko habang di pa rin nawawala ang ngisi sa aking labi.

"Good evening. Namiss kita KUYA Harris, ako ba? Namiss mo? Hindi? Sayang may ibibigay sana akong pera eh" madidiin kong sambit na ikinagalit niya.

Sa aming dalawa siya ang walang manners diba? Bisita ako pero anong ginawa niya? Pinipiste!

Lumayo naman ako kaunti sa kanya at itinuro ang pinto. Hindi na ako nagsalita dahil alam niya naman ang ibig kong sabihin. Iniwan ko siya doon habang may inis sa mukha.

Ang totoo niyan ay hindi kami magkapatid. Hindi ko din siya kuya pero nang dahil sa pesteng pagbubuntis at kasal nila ng asawa niya kuno. Wala na akong nagawa. Kuya ko na siya. Hindi din pala kami magkapareho ng ama. Ibig sabihin lang nun si Papa ay stepfather niya. Ang ina naman niya ang stepmother ko na kingbungangera. Nang dahil sa kanila umalis si Mama. Bwesit sila sa pamamahay!

Humilata kaagad ako sa kwarto ko. Matagal tagal na din akong hindi umuuwi dito. Ayaw ko namang umuwi kasi nga nandito sila. Tsk ang magagawa ko nalang ay matulog sa pinaggawa kong tree house.

Kung natatanong niyo ito. Tao din ako huwag niyong kalimutan yun. Pero iba ako. Nanatili akong walang ekspresyon dahil na din siguro ito sa pagpapahirap sa akin ni Papa at si Pem. Mommy ni Harris. Kaya masanay na din kayo.




"Son, buti nakarating ka" salubong sa akin ni Papa nang makita niya ako.



Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na lamang sa malayo sa kanila. Kinuha ko ang panyo at inilagay sa hita ko tapos ay nagsimula nang kumain.

Kain lang ako nang kain hanggang sa biglang may tumabi sa akin. Tsk di ko na kailangan lingunin dahil alam na alam ko na kung sino ang umaahas sa akin pagnandidito ako.


"Hi baby kuya ang tagal mo naman bumalik dito. Hays di tuloy maganda ang umaga ko kasi wala ka dito. Kamusta ka na pala? Ako kasi hindi ok pero dahil nandito ka naman. Hihihi ok na ok na ako!" Mahabang lintaya niya.


Napaharap naman ako sa kanya saglit sabay balik sa pagkain. Gumaganda pala ang mga ahas. Now I know money can change faces din pala. Hindi ko akalain na iwawaldas lang nila ang pera para gumaganda ang anak nila ni papa at ng kanyang bagong asawa.

"Oh my goodness! He looks at me, mother! Kyaaa ang pogi mo talaga. Wait mas pumogi ka baby kuya!" Kinikilig pa ito habang humahawak sa braso ko.


Naiinis ako pero pinabayaan ko nalang. Baka kasi babalatin ko siya eh gamit ang tinidor at table knife. Sayang. Mawawalan sila ang anak diba?

Nagsimula na din silang kumain habang nagkukwentuhan. Habang ako naman ay walang pakialam sa kanila. Ito din namang nilang babae patuloy pa rin sa pag-kukulit sa akin. Tsk kung si Levy lang siguro ito baka kanina ko pa ito tinitigan.


Hays ano bang ginagawa ko dito? I know may importanteng sasabihin si Papa eh.

"Ano bang pag-uusapan natin? Akala ko ba importante ang meeting na ito, Papa?" Tanong ko kahit di nakatingin sa kanila. Ayaw kong makita ang bagong pamilya niya. Tsk! Alam ko masama ang tingin ni Harris sa akin dahil nilalapitan ako ng kapatid niyang higad.


"Oh! Tama! So ano nga honey? Sasabihin mo na ba?" saad ni Pem. Napatigil naman ako sa pagkain at dahan dahang napatingin sa kanila. Narinig ko naman ang pagkabuntong hininga ni Papa.

"Son, ikakasal ka na sa anak ng McKenzie" sambit nito na ikinakunot ng noo ko.

"Para iyon sa magandang kinabukasan mo at sa magiging anak niyo, anak" malambing na wika ni Pem.


'Future? Sinong niloloko nito?'


"Congrats, kapatid" nakangising salita ni Harris. Walang gana ko siyang tinigban na ikinaigting ng panga niya.


Sa pagkakaalala ko ang pamilyang McKenzie isa sa pinakapangyarihan na company. Hindi ko maalala na nakabusiness partner namin yan. Tsk I think alam ko na ang nangyayare. Napangisi naman ako. Ang sweet nila diba? Akalain niyo yun? Iniisip din pala nila ang future ko?

"What?! Bat hindi nalang si kuya Harris?" Naiiyak nitong bata. Kung si Ina may pake sa future ko ang anak naman nila ay may pake sa mapapangasawa ko. Wow!

"Shut up, Kamiella" Napailing nalang ako. Napasandal ako sa upuan bago sumingit sa kanila.


"Oo nga naman. Bakit hindi nalang si kuya Harris? Sa tingin ko kasi hindi nakakaganda sa future ko iyon--- no scratch that... Hmmm nasa dila ko eh teka--- ah! Sa future niyo din. I can't handle that kasal thing, so wala kayong makukuha sa akin di niyo ako magagamit unless gawin niyo akong Mafia boss, Papa"

"I suggest na din pala. Ipagkatiwala niyo nalang iyan kay kuya ang business agreement niyo ng McKenzie, INA" dugtong ko at tumayo na upang lumisan na dun.

'No money without me, yeah?'

******

Ikaw payag ka na ikakasal ka?

That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon