👄Lip 5💋

9.8K 37 0
                                    

May nagpadala ng letter kay tita ko ang nakasulat dito ay every sabado linggo daw ay dapat nasa City sila sobrang layo iyon kaya doon na lamang daw matutulog si tita ko. Yes si tita ko lang hindi daw kasi ako pwede doon kinausap ni tita ko Sarah na samahan ako every sabado linggo bahala na daw kami kung dito kami sa dorm matutulog o sa bahay nila Sarah, pumayag naman si Sarah at ang saya niya exited na daw siyang matulog kasama ako bali sa Friday hapon aalis si tita ko sa Monday naman ng umaga ang balik niya.

Friday night nandito kami sa dorm kasama si Sarah at Joshua nag pumilit ang joelabs ko na dito matulog nag aalala daw siya saamin ni Sarah, dahil makulit ito pumayag ako at ngayon nandito siya kasama namin siya ang nag luluto ng dinner haha.

Nung kumain na kami walang natira sa niluto ni Josh ang takaw kasi ni Sarah ang payat niya pero wow ang dami niyang kinakain ganun daw talaga siya lalong lalo na pag masarap ang pagkain pero hindi naman siya tumataba.

Nung matutulog na kami tabi tabi kaming tatlo ako sa gitna nakatalikod si Sarah saamin ako naman at si Joshua ay magkaharap...

First time ko siyang makatabi na nakahiga nag unan ako sa braso niya at niyakap ko siya hindi ako makapali kinikilig ako ng sobra titig na titig ako sa kanya.

(Joshua) Maelabs ko matulog kana wag mo akong titigan ng ganyan feeling ko inaakit mo ako.

Ha ang kapal mo a first time ko kasing makatabi ka joelabs ko hindi ako makapali.

Nginitian lang ako ni Joshua at hinalikan sa noo good night Maelabs have a sweet dreams sabi nito at ipinikit niya na ang kanyang mata.

12:00 na hindi parin ako makatulog sila tulog na tulog hanggang sa mag umaga.

Good morning Maelabs ko ang aga mo naman magising wait lang a mag luto na ako ng break fast natin para paggising nung Isa ready to eat na.

Tumango lang ako kay Joshua ano ba yan ngayon na gising na ang Joelabs ko nakaramdam na ako ng antok .

Bumangon nalang ako para hindi na ako matuluyang makatulog...

Pumunta na ako sa may cooking area pinanuod ko nalang ang joelabs ko na nag luluto...

Natapos na nag luto ang joelabs ko nagising narin si Sarah good morning sabi nito o Maelyn bakit parang ang tamlay tamlay mo hinawakan ni Sarah ang noo ko OMG alam ko na ang sakit mo Maelyn hindi ka pwede sa bahay ngayon kasi may baby baka mahawaan mo.

Gulat na gulat si Joshua pero kailangan kong umuwi mamaya sabi nito.

(Sarah) Alam ko na isama mo nalang muna si Maelyn sa inyo kuya Joshua para maalagaan mo siya.

Ha hindi pwede Sarah baka malaman ni tita..

(Joshua) Kaya nga Sarah.

(Sarah) ako na ang bahala kay tita trust me okay..

At kinindatan ako ni Sarah sabay bulong ng thanks to me..

Ha bakit naman ako mag te thank you sayo.

(Sarah) haha basta .

Nauna nang umalis si Sarah si Joelabs ko naman tinutulungan akong mag impake ng damit na dadalhin ko doon.

Nung natapos na nag antay kami ng trysi dinala naman kami ng trysi sa may sakayan ng Jeep papunta daw yun sakanila nung nag babyahe na kami napakalayo nga naman talaga.

Sinabi ni Josh na malapit na daw kami bigla nanaman akong kinabahan first time kong pupunta sa bahay nila makikita ang mama niya at ang mga kapatid niya.

Yung papa niya ay nasa ibang bansa nag tatrabaho yung kuya niya naman nasa Maynila nag aaral ng law sabay trabaho pamilyado na daw ito nung nag graduate ng kolehiyo nakabuntis siya.

(Joshua) Maelabs ko nandito na tayo.

Nung bumaba kami ng Jeep nandito na agad kami sa bahay nila Joshua.

Medyo malaki ang bahay nila Joshua bundok bundok dito sakanila.

Pagkapasok ko dito sa loob ng bahay nila may sumalubong saamin isang cute na cute na lalake nagpabuhat ito kay Joshua.

(Joshua)Maelabs ko ito ang bunso namin ano nang pangalan mo baby ?

Bata) jow jow

(Joshua) haha nickname niya lang yun maelab ko ang true name ni jow jow ay jowen.

Ahhh ilang taon na siya joelab ko

(Joshua) 3 years old Maelabs ko

Biglang lumabas yung mama niya mula sa kusina.

Mukang may bisita tayo ahh Joshua sino yan.

(Joshua) ay mama si Maelyn nga pala girlfriend ko .

Nagmano ako sa mama ni Joshua

(Mother) tara sa mesa tamang tama ang dating niyo kainan na.

Habang kumakain panay ang kwento ng mama ni Joshua saamin ako palang daw ang inuwi ni Joshua dito mga barkada mates wala daw palagi daw bz mag aral si Joshua.

Ang gusto ng mama niya mama na rin daw ang itawag ko sa kanya, medyo maiyak ako dun may mama na ako.

Nung natapos kaming kumain tinulungan kong mag hugas ng plato si Joshua nung una ayaw niya pero matigas ang ulo ko sa sobrang kulit ko hinayaan na lamang niya ako.

Pag katapos nun tinulungan ko si tita nag laba at nakipag kwentuhan na rin ganun din siya kanina kay Joshua haha pareho sila.

Sa totoo lang nawala ang antok ko dahil sa kanila at kaba. Pagkatapos ng aming ginagawa umuwi na yung only 1 girl nila galing daw siya sa school nag eensayo ng sayaw siya si ading Joan.

Nawala daw ang pagod niya nung nakita niya ako sa wakas daw at nag uwi ang kuya niya ng girlfriend, akala niya kasi bakla si Joshua hehe napaka friendly ni Joan at ang daldal niya din.

CHEATERWhere stories live. Discover now