RWC 45: The Curse Is Yours, Bryce

11 0 0
                                    

Bryce's POV

Tinatahak na namin ang daan sa ilalim ng lupa patungo sa bundok na kung saan naroon ang batang buhawi.
Dahil sa sikip ng daan ay nilalakad lamang namin ito.

Hanga ako sa iyo Bryce at natagpuan mo ang daan na ito. Kung hindi dahil sa iyo baka hanggang ngayon ay nag iisip pa rin tayo ng paraan kung paano makarating sa bundok. Paghanga ni Anne sa akin.

Salamat sa papuri mo Anne. Pero kung tutuusin kung hindi dahil kay Inner Dragon at sa mga sinabi nya, di ko rin naman matatagpuan ito kaya sa kanya dapat kayo magpasalamat. Tugon sa kanila. Ganito lang talaga ako, humble lang talaga ako. Sya naman talaga ang dapat pasalamatan.

Kung naririnig mo kami Inner Dragon, salamat sa pagbibigay mo ng daan kay Bryce. Maraming salamat sa iyo. Malakas na pasasalamat ni Mark kay Inner Dragon. Kaya naman agad kong kinausap si Inner Dragon..

Narinig mo ba yun Inner Dragon? Mabuti na lang talaga at nakinig ako sa iyo. Salamat talaga sa iyo ah. Sabi ko sa kanya sa pamamagitan ng isip. Naramdaman ko naman agad ang presensya nya.

Walang anuman Bryce, sabi ko naman sa iyo mahahanap mo rin ang sagot. Tandaan mo lamang ang mga natutunan mo ngayon. Bilin ni Inner Dragon sa akin.

Makakaasa ka, nakatatak na ito sa aking isipan. Paniniguro ko sa kanya. Natuwa naman ito at nawala na ang presensya nito. Salamat talaga sa iyo.

Napatigil kami dahil may nakaharang na malaking bato sa aking harapan. Saan kaya galing ito?

May malaking bato na nakaharang sa atin. Ngunit kung ayon sa iyong sapantaha Bryce ay dito rin dumaan ang batang buhawi paano naman sya nakadaan kung may batong nakalagay rito? Takang tanong ni Anne.

Siyang tunay Bryce, maari kayang hindi ito ang tamang daan? Pag aagam agam ni Xiara.

Nakasisiguro ako na ito ang daan. Bakit hindi muna kaya natin wasakin ang bato upang malaman natin kung may daan pa ba sa likod nito? Suhestiyon ko. Panigurado naman ako na hindi ako ipapahamak ni Inner Dragon at isa pa wala namang masama kung titignan namin kung may daan o wala.

Kung ganoon hayaan nyong ako na ang wumasak dito. Ipinapayo ko na gumawa kayo ng pananggalang sa inyong mga sarili para hindi kayo matamaan ng debris ng bato. Payo ko sa kanilang tatlo. Kaagad naman silang tumalima. Gumawa si Cedric ng Digital Room, si Mark naman gumawa ng Cascade Bubble, si Anne naman ay gumawa ng Solar Wing.

Burning Blow! Naglabas ako ng malakas na enerhiya ng apoy upang sirain ang malaking bato at hindi naman ako nabigo dahil agad naman itong nawasak. Nagtalsikan ang mga debris nito kaya agad akong gumawa ng shield para sa aking sarili.

Nawala na rin ang debris at tinanggal na namin ang mga shields namin dahil sigurado namang ligtas na. Tinignan ko naman kung may daan at hindi lang daan ang aking nakita kundi liwanag.

Mukhang hindi lang ito basta daan kundi ito na ang palabas ng daang ito. At natatanaw ko na ang bundok. Tuwang sabi ni Mark.

Sorry Bryce kung nag agam agam kami. Paumanhin ni Anne. Ay sus naman hindi nyo naman kailangang humingi ng tawad.

Okay lang yun Anne, walang problema sa akin yun. Pagtugon ko kay Anne. Agad naman kaming lumabas at natanaw na namin ang bundok at naramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

Ngayon ay hanapin na natin ang buhawi, malamang ay naririto pa iyon. Talasan ang inyong mga mata. Paalala ko sa kanilang lahat. Naghanap hanap kami sa paligid ng bundok upang makita ang buhawi.

Sa aking paglilinga linga ay natanaw ko ang isang hangin na tila nakaupo sa isang malaking sanga ng puno. Tila nakatingin ito sa malayo habang nasa kanya ang mapa. Mabuti na lamang at natagpuan ko sya kaagad.

Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon