Hi my name is Maj Eusebio isang nerdy girl. Lagi akong inaapi sa school namin dahil sa pagiging nerd ko actually matalino naman ako yun nga lang hindi ako kasing ganda ng mga inaakala nila. Well sabihin na nating may itsura din ako, hindi lang talaga ako marunong mag ayos ng sarili.
6:30 am
Nagring ang alarm clock ko para maligo na at para pumasok. Pagkatapos kong maligo tinawag agad ako ng aking mama para kumain ng breakfast. Ang mama ko ang lagi kong kasama dito sa bahay, wala na kasi yung papa ko iniwan kami. At habang kumakain ako biglang nagchat ang kuya ko, uuwi na daw siya next month. Well ang kuya ko kasi siya yung lagi kong kaaway kapag nandito siya kaya ayaw na ayaw ko kapag sinabihan niya ako na uuwi na siya.Pagkatapos kong kumain nagpaalam na agad ako sa mama ko para pumunta ng school kasi late na ako.
After a mins....
Nakarating na ako sa school namin at tumakbo ako papunta sa aming room dahil super late na ako at pagbukas ko palang ng pinto ng room namin bigla akong tinawag ng prof namin "Ms. Eusebio late ka nanaman" saad ng prof namin at bigla naman akong pumunta sa upuan ko at sabay sabi kong "im sorry sir".
Nagumpisa na ang klase at habang nagdidiscuss ang prof namin biglang may papasok na lalaki sa room namin "i think studyante din ito well, may kasama rin naman pala ako late hehe" sabi ko sa sarili ko. Dirediretso naman siyang pumasok na parang wala lang. "Aba basta basta nalang nakapasok samantalang ako kanina sinigaw pa yung pangalan ko ang unfair!" sabi ko na parang nagpaparinig. "Ms. Eusebio may sinasabi ka?" saad ng prof namin at "wala po sir" saad ko naman
After magdiscuss ng prof namin bigla naman nagring ang bell namin para sa lunch break. Dumiretso ako agad sa canteen dahil gutom na gutom na ako. Pagkatapos kong bumili ng pagkain ko may nakita akong table don sa dulo na walang tao at don ako dumiretso pero biglang dumating yung lalaking late kanina at don umupo. Well, his name is Brix Gonzales siya lang naman yung lalaking laging pinag aagawan ng mga babae dito sa campus.
Pagdating ko sa table agad kong tinanong kung pwede bang makiupo kasi wala ng bakanteng table ngunit hindi na siya nagsalita kaya umupo nalang ako agad. Bigla naman siyang napatingin sa akin at inirapan ako syempre inirapan ko din siya.
Habang kumakain ako bigla naman siyang umalis at ng pagkaalis niya bigla namang dumating yung bestfriend ko, siya ay si Kath Lopez. Ang mga magulang kasi namin ay magkakilala kaya kami naging magkaibigan.
Bigla namang nagtanong si kath sa akin "uy close kayo?" Saad niya, "hindi ah nakiupo lang ako" saad ko.
"Ah okay" saad naman ng bestfriend ko. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala naman crush ko kasi yun eh"^_^ saad niya.
"Pati ba naman ikaw?"Haysst Saad ko.Habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan kami.
After a mins....
Nagpaalam na ako sa kaniya na kailangan ko ng umuwi dahil walang kasama ang mama ko sa bahay "ah sige" saad naman neto. Agad naman na akong umuwi. Pagdating ko sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko, sa sobrang pagod ko nakatulog nalang ako.
After 2hours... Tinawag na ako ni mama para kumain pero sa sobrang himbing ng tulog ko pumasok na siya sa kwarto ko at bigla niya akong pinalo para magising. "Aray" sigaw ko. "Halika na kakain na tayo" saad ni mama. Pagkababa ko ay umupo ako agad at sabing "ang ganda palang kasi ng panaginip ko ma"
"Hay nako anak panaginip lang yan" saad ni mama.
Habang kumakain kami ay tinanong naman ako ni mama kung kamusta ang pagaaral ko "okay lang naman po" saad ko, "mabuti naman kung ganon" saad ni mama.Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa banyo para magshower dahil gustong gusto ko pa talagang matulog. Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ako ng pangtulog, matutulog na sana ako pero naisipan ko munang magfacebook. Biglang may lumabas na notif na friend request kaso hindi ko pa naman kilala kaya inignore ko muna at natulog na ako.
4:00 am
Nagising ako ng maaga at hindi na ako nakatulog kaya naisipan kong maaga nalang akong pumasok at iidlip nalang ako saglit sa school. Nagbihis ako agad at dumiretso sa school, pagdating ko don ay wala pang katao tao kaya naisipan ko ng matulog saglit. Ang hindi ko alam ay andito na rin pala si brix. Habang natutulog ako ay pinagmamasdan niya ako ngunit hindi niya namalayan na nakaidlip na rin siya sa tabi ko.7:00 am
Nagsidatingan na ang mga kaklase namin at nagulat sila na magkatabi kami ni brix, nagising kami ni brix ng dahil sa mga sigaw ng mga kaklase namin at ng makita ko si brix na katabi ko ay bigla ko itong naitulak sa gulat ko at siya ay nauntog kaya bigla ko naman itong tinulungan ngunit sinungitan nalang niya ako.Pumunta muna si brix sa clinic. Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso na din ako sa clinic para tignan kung okay lang ba siya at ng makarating ako don ay agad kong sinabing "sorry, ikaw naman kasi bakit kaba kasi nasa tabi ko" saad ko na naiinis
"Wow huh! Bawal na bang tumabi? Alam mo bang kayang kaya kitang paalisin dito sa school na toh?" Saad din naman niyang galit.
"Kung makapagsalita ka akala mo naman kung sayo itong school na toh" saad kong galit.
"Hmmm ms siya po si Brix Gonzales ang anak ng may ari ng school na toh" saad ng nurse.Napanganga nalang ako at napapaisip kung anong gagawin ko. "Ah ehh sorry naaaa hindi ko naman alam na ikaw yung anak ng may ari ng school na toh plzzz patawarin mo na ako" saad ko sa kaniya na nagmamakaawa.
"Well mapapatawad lang kita kung papayag ka sa sasabihin ko" saad niya habang nakangisi."Sige, kahit ano pa yan gagawin ko wag mo lang akong paalisin sa school na toh" saad ko.
"Madali lang naman eh, magpretend kang girlfriend ko" saad niyang nakangisi.
"What!!!" Saad kong pasigaw, at bigla niya namang tinakpan yung bunganga ko "ang ingay mo" saad niya. "Magprepretend ako na girlfriend mo? No way!" Saad kong naiinis.
"Ayaw mo? Edi wag madali lang naman akong kausap" saad niya na parang nang iinsulto.
"Eto na payag na ako" saad kong galit.
"Parang ayaw mo ata eh?" Saad niya.
"Gusto na nga diba, alam mo kung hindi ka lang anak ng may ari ng eskwelahan na ito baka napatay na kita" saad ko habang nanggigigil sa kaniya.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a nerdy girl
RomanceLove is a variety of different feelings, state of mind and attitude. In short love is a reason which keeps us together.