Chapter 1: I'm All Alone Until it Changes

12 0 0
                                    

(Monica's Pov)

(Isang umaga na naman na ayokong harapin. Isang araw na naman na sana gabi na. Ang hirap talaga ng walang direksyon sa buhay. Ang hirap talaga ng walang nagmamahal sayo. Dito sa bahay namin, dalawa lang kasama ko dito. Ako pati ang tyang Miriam ko)

Tyang Miriam: Hoyyy!! Monica!! Bakit sunog na naman ang ulam ah! Ilang beses pa ba kitang tuturuan ah! Di ka na natuto eh! 

Monica: Eh tyang, ilang beses ko na pong sinabi na hindi ako marunong magluto!

(Bigla akong binato ng baso ni Tyang Miriam)

Monica: Araaaaaaaay!!

Tyang Miriam: Eh kung sabihin ko kaya sayo na hindi na kita kayang alagaaan!! May magagawa ka ba! Hah!!! Hah!!!

Monica: Hayy nako eto na naman tayo! Umagang umaga high blood ka. O sige para mawala na yung init ng ulo mo aalis na ako.

Tyang Miriam: Ang tigas rin ng mukha mo ah! Saan ka pupunta?

Monica: Papasok na ako Tyang! Baka magkaroon pa ng direksyon ang buhay ko.

Tyang Miriam: Papasok...... Talaga ba?? E lagi ka ngang bagsak sa pag-aaral mo ah! Sabagay tatanga tanga ka, para kang nanay mo! Tanga!! Kaya ka nga niya iniwan dito eh! Kasi wala kang kwenta)

(Napatigil ako saglit at medyo napabukol ang kamay ko at halos gusto kong suntukin ang tyahin ko.)

Tyang: O ano?? Lalaban ka?? Anoo may sasabihin ka?? Ano?? Sagot!!!

(Di ko sinasagot ang mga tanong ni tyang, kaya di ko napigilan ang sarili ko na suntukin at basagin ang salamin ng bahay namin)

Tyang: Hoy!! Bastos ka!! Hoyy bumalik ka dito!!! Hoy linisin mo tong kalat mo!! Hoyy!! Para ka lang nanay mong TANGA!!! TANGA!!!

(Di ko pinansin si Tyang at lumakad lakad lang ako palayo sa kanya. Pansin na pansin ko na dugo dugo ang kamay ko. Kaya pumunta muna ako sa tindahan para bumili ng band aid.)

Monica: Ate. Pabili pong band aid! Araaaayy ang sakiit

Tindera: O Monica! Mukhang nag-away na naman kayo ng tyahin mo ah.

Monica: Ano bang pake mo ah! Reporter ka ba namen ah! Nasaan na band aid ko??!!!!

Tindera: Bastos kang babae ka ah! (Binigay band aid) O yan na band aid mo!! Bastos ka! Tinatanong kita ng maayos! Wag ka magtataka kung lagi kang mag-isa! O sige na layaaas!!


(Di ko na lang pinansin ang babaeng chismosa na to, at pumunta na ako sa school na may band aid sa kamay ko.)

(Pagkarating ko sa school at nakita ko ang ex boyfriend ko na si Noah. At lalapit na naman yan sakin.)

Noah: Monica? Pwede ba tayo mag-usap??

Monica: Pwede ba Noah?? Tumigil ka na!!

Noah: Please let me explain!

Monica: Explain saan?? Iexplain mo yung may nagsend sa akin nung may babaeng nakikipaghalikan sayo sa isang bar ah! Anoo!! Anoo ieexplain mo ah!

Noah: Please maniwala ka sa akin! Nalasing lang ako nun. Hindi ko sinasadya na may babaeng nakikipaghalikan sa akin! Please Monica!! Maniwala ka sa akin!

(Sinampal ko si Noah)

Monica: Kahiit lasiingg kaaa! Dapat pinigilan mo pa rin ang sarili mo! Kahit lasing ka! Dapat pinigilan mo pa rin ang sarili mo! Wala kang balls Noah! Wala ka nun kasi hindi mo kayang panindigan na mahal moko.

Where Are YouWhere stories live. Discover now