Unang Yugto:

10 0 0
                                    

"Sampaguita po! Sampaguita sampung piso lang po...Bili na po kayo..Ate sampaguita po"
Tagaktak ang pawis at kumakalam ang sikmura  ngunit hindi niya yun alintana at walang sawa pa ring nag-aalok ng mga paninda niyang sampaguita sa mga taong dumaraan papasok sa simbahan.

"Ate.. gutom na ako tapos ang sakit-sakit na ng mga binti ko." Bahagya siyang napapikit at pilit nilabanan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa 9 na  taong gulang niyang kapatid na babae.

"Kit konting tiis nalang maya-maya uuwi na tayo, kaunti nalang naman to eh ...Ito nalang munang kendi ibebenta ko lang 'tong naiwang sampaguita para
makauwi na tayo kina Mama."
Nakangiti niyang pinaupo ang nakababatang kapatid sa pavement na nakapwesto sa labas ng simbahan.

Malungkot na napabuntong hininga si  Cera habang pinapanood ang mga taong dumaraan..

May mga batang nakasuot ng magagandang damit at sapatos habang hawak kamay na nagtatawanan kasama ang mga magulang upang magsimba....

Mga taong hindi kagaya niyang  pinagkaitan at pinagsakluban ng buhay.

"Ate! Ate! " nagising siya sa pagkatulala dahil sa sigaw ng pangatlo niyang kapatid na si Aya. Humahangos ito at takot na takot.

"Aya! anong nangyari sayo?" Puno ng pag-aalala niyang tanong dito.

"A..Ate ..Si Mama...Si Mama ate inaatake! Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital!" Hinihingal nitong pahayag habang umiiyak.

Hindi man niya maintindihan ang nararamdaman ngunit isa lang ang nais niya...
Ang mabuhay ang Mama niya.

Kaagad silang nagtakbuhan pauwi at nadatnan ang Inang hindi makagalaw at nahihirapang huminga..

Gustong-gusto na niyang umiyak ngunit di niya magawa sapagkat alam niyang walang lugar para maging mahina siya kasi sa kanya kumukuha ng lakas yung mga kapatid niya..

"Kit tulungan mo'kong buhatin si Mama dali! Kailangan natin siyang dalhin sa hospital."

"Ate wala tayong pera.." Nag-aalalang saad ng kapatid niya.
"Wag mo ng isipin yan Kit dali na!
Aya bantayan mo si Shen wag na wag kayong lalabas ng bahay..Maglock kayo ng pinto at wag na wag niyong papasukin si Papa dito pag nagtangka na namang pumasok."
Mahigpit ang bawat bilin niya sa kanyang 7 taong kapatid  na si Aya habang kalong-kalong ang 3 taong gulang na kapatid nila na si Shen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her P.OV.Where stories live. Discover now