"Maring! Halikana't bumangon kana riyan!" naidilat ko ang aking mga mata ng sumigaw si Tiya Elena. Kinusot kusot ko ang mata ko at uminat ng bahagya
"Tiya, wari ko'y kinakabahan ka. Anong nangyari?" ani ko. Napansin ko ang pamumutla ng mukha ni Tiya at hinihikahos sya
"A-ayusin mo ang sarili mo.. paparating na ang kaisa isang anak ni Don Lazaro!" kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya
"Tiya bakit kayo kinakabahan ng ganiyan? Ano naman kung darating ang anak ng Don?" Sunod sunod naman syang umiling kaya labis akong nagtataka sa kaniyang
reaksyon"Usap usapan kanina sa labas na mabagsik daw ang binatang iyon. Hindi basta basta at ubod ng sungit. Kung kaya't mag ayos kana ngayon dahil baka tayo ang pag initan nya ng ulo mamaya" aniya at lumabas ng aking silid. Totoo nga ba ang sinabi ni Tiya? Baka mabagsik nga siguro yun?
Dali dali akong nagbihis at sinuot ang Uniporme ko bilang kasambahay. Isa akong Pilipino. Sa panahon namin ay sinakop kami ng Espanyol. Lubha akong naaawa sa mga kaganapan na nangyayari sa aming bansa ngunit wala akong magawa. Ginawang parausan ang ibang babae, naging alipin ang ibang lalaki.
Maging binata, dalaga, o matanda ay wala silang kinaawaan. Wala na akong pamilya ngayon dahil matagal na kong ulila.
"Maria!" Napalingon ako sa likod ko at nakita ang mayordoma namin na nanlilisik ang mga mata.
"Paparating na ang Ginoo ngunit para kang pagong kung kumilos! Dalian mo riyan at baka ako ang mapagalitan!" aniya at padabog na lumisan. Hindi ko na lang pinansin at tumungo sa harap ng palasyo. Nakita ko sila Tiya at lumapit sakanila. Babatiin ko na sana sila ngunit may isang tinig na umalingawngaw sa buong palasyo
"Inyong bigyang galang ang anak ni Don Lazaro! Sya ay walang iba kundi si Ginoong Martin!" wala sa sariling napaharap ako sa pinagmulan ng boses at nakita ang pagbaba ng isang mamahaling sapatos at lumabas ang isang binatang ubod ng kisig. Nahagip ng aking mata ang pagyuko ng mga kasamahan ko ngunit nanatili ang aking atensyon sa binata. Napalunok ako at pakiramdam ko'y sandaling tumigil ang oras. Napahawak ako sa dibdib ko na ngayon ay sobrang bilis ang tibok nito. Tila natuyo na ang lalamunan ko sa paglunok ko. Ngayon ko lang to naramdaman sa tanang buhay ko
Napasinghap ako ng magtama ang aming mata. Tila ba para akong inaakit at minamahika. Ang mata niya'y kulay asul. Haaaay. Ang kisig nya. Tila ba napawi ako sa kinatatayuan ko ng makitang inihakbang nya ang mga paa nya tungo sakin
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at natatarantang yumuko. Pinagsiklop ko ang nanginginig kong palad at dinig ko ang pagbubulungan ng mga tao sa aming paligid.
"Ano ang ginagawa ng Ginoo? Bakit sya naglalakad tungo sa babaeng iyon?" Dinig kong sabi ng guwardya sibil kung kaya't mas lalo akong nataranta ng makita ang magarang sapatos na natigil sa harapan ko.
"Kanina ko pa napapansin ang iyong malalagkit na titig Binibini. Nitong araw ka lang ba nakakita ng ubod ng kisig na tulad ko?" napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi nya. Nakita kong nakataas ang kilay niya. Agad naman akong napayuko ng magbulong bulungan ulit ang mga tao.
Bakit ganito? Ang lakas ng tibok ng puso ko kanina ngunit mas kakaiba at mas malakas ito kumpara kanina. Maghunos dili ka Maria! Isa syang Espanyol! Mortal na kaaway ng iyong bansa!
"Pipi ka ba? O sira na ulo mo? Ayusin mo ang iyong satili binibini. Muka kang nasisiraan ng bait"
BINABASA MO ANG
Our Forbidden Love
Historical FictionAng pag iibigan nina Maria Asuncion at Martin Lagdameo ay isang napakalaking suliranin. Sapagkat sila'y nahulog sa isa't isa ngunit magkaiba ang kanilang lahi. Ang kanilang bansa ay magkaaway. Si Maria ay Dalagang Pilipina habang si Martin naman ay...