“Yehey! Nandito na tayo sa probinsya!” Anang Isabel
Si Isabel ang pitong taong gulang lamang, maliit pero pakitain ng mga multo.
“Oo Isabel. Nandito na tayo. Para malayo tayo dun sa bahay na tinitirahan” ng nanay ni Isabel na si Aling Rosa.
“Teka lang mahal. Para atang kakaiba ang bahay na ito ah! Sabi ni Mang Lando a ama ni Isabel.
“ ano ka ba Lando! Yang gandang iyan, imposible!!!
“Opo mama maganda po yang bahay, sabi ni Rosa.
“Biro lang, kayo naman” ang patawang sabi ni Mang Lando.
“naku ikaw talaga! Tatakutin mo pa kami, ang asawa ko talaga..patawa!” ni aling Isabel
Papasok pa lang sila ay may nasalubong silang isang matanda galing sa labas.
“Kayo ba nag titira sa bahay na iyan? Kung titira kayo d’yan mag-isip isaip kayo. Ngayon pa lang ay huwag na niyong ituloy ang pag panhik sa bahay na iyan.Hindi ligtas ang bahay na iyan sa inyo, ang sabi ng matanda.
“Opo, kami nga po, ngunit nagpatuloy sila sa pagpasok sa bahay….”
Kinagabihan, nang matutulog na ang mag-anak nang biglang may nakita ang bata sa bintana
“Mama may nakita ako dun,” ang sigaw ng natatakot na si Isabel.
“Wala naman…”
“Mama! Mama! may Mumu dun…ang paulit na sigaw ni Isabel.
At hindi pinansin ang usal ng Bata. Sa mga sumusunod na gabi ay may nagparamdam kay Mang Lando sa banyo.
“owoooh…” Ungol sa banyo
“Sino yan?” Ang natatakot na ring sabi ni Mang Lando
Hanggang sa nagparamdam na rin ito kay Aling Rosa sa pamamagitan ng pag-uga ng higaan…Mahal! Mahal! Lumilindol ba?
Sa sunod na gabi ay nagpakita na sa kanila ang multong bahay. Lumayas kayo ditto! Hanggang sa umangat ang bata sa kinalalagyan niya.
“Mama! Papa! Tulungan nyo ako…ang sigaw ni Isabel
Wag nyo sasaktan ang anak ko! Lando tumawag ka ng tulong dali! Ang sigaw ni Aling Rosa.
At nakahingi nga ng tulong sa matandang si Celso kalapit ng lumang bahay si Mang Lando…
Sa Lumang Bahay:
“Celso?” Anang multo” Mabuti at nagkita tayong muli. Sumama ka na sa akin
“Patay ka na Lucia! Lisanin mo na ang mundong ito, hindi ito ang lugar mo.” ang sabi ni Celso
“ kapag hindi ka sumama sa akin ay isasama ko ang batang ito, ang sabi ng multo
“Huwag ! sasama na ako…! At sumama nga si Celso para sa kapakanan ng Bata..
Inihabilin ni Celso kina mang Lando ang bahay, at kaylan man ay hindi na ginambala ang mga tumitira sa bahay na luma.
Hanggang sa lumipas ang panahon, sa lumang bahay na sila nanirahan at mas pinaganda pa ito at hindi na muling inungkat pa ang mga bakas ng nakaraan sa lumang bahay na ito.