I Flipped (One Shot)

14 1 0
                                    

Author's Note

Hi po! First time kong gumawa ng one shot. Sana may reader/s na magcomment haha! Di ko alam kung gaano kahaba ang one shot eh. THANKS SA PAGBASA!!! 

Kindly read my on-going work "Rules With Mr. Playboy" THANKS!

--- mimi x

------------------

The first time I saw Aiden James Almazan... I flipped. 

It was those eyes, those dazzling, astonishing, beautiful eyes. And the next thing I know, when he looked at me... My Heart Stopped. Ito na ba yun? Ito na ba yung hinihintay kong lovestory ng buhay ko? Ito na yung masasabi kong I found him! 

Yes, it feels like a movie but hey... this might be true right? Isn't it amazing how a person who was once just a stranger, suddenly meant the world to you?

We are inbetween the fairytales and the horror stories.

Flashback

The feeling when you know that you are attracted to someone is a really special one. You feel like there are butterflies in the pit of your stomach, every time you look at him and at nights while you toss and turn in your bed, your thoughts can only turn to him.

Nagsimula lang naman lahat nang ito sa KFC. 2nd week of June. Ang weird di ba? Pero para sa akin hindi eh. Mag-isa lang kasi siyang kumakain nun kaya naisip kong samahan ko kaya siya? pero as a girl, nope! I didn't do such thing para gumawa ng nakakakilabot na eksena. 

He's so neat wearing his uniform, with a cute straight bangs, white skin at a good looking guy. Sa lahat ng taong kumakain siya agad ang napansin ko.

Lahat naman ng babae may crush, yung iba pa nga halos sabihin na nilang buong lalaking nandito sa mundong ito eh crush na nila. Ako? siguro ganun din katulad nila, pero fictional characters lang naman at mga artista. Iisang lalaki lang naman ang gusto ko ngayon. Isang lalaki na bumihag ng puso ko. 

Di naman ako yung babaeng very showy pagdating sa lalaki, conservative ako at may-isip. Ayoko kasing masabihan na ang landi mo naman, tignan mo oh kababaeng tao ang lapit sa lalaki. Di ba masakit isipin na may mga taong ganyan? Ang sakit sa pakiramdam na pag-iisipan ka nila ng masama kahit na alam mo sa sarili mong hindi?

Kilala niya ako. Nakakahiya man dahil ako ang unang nagchat sa kanya pero okay na yun, at least nakilala ako ng crush ko.

He's cute, He's tall, got gorgeous eyes and a stunning smile. His smile, his existence, I liked him. Tatlong araw pa nga bago ko siya makita ulit at nung araw na yun, hindi ko pinalagpas na alamin ang pangalan niya pero sa pagkakataong yun, hindi ako yung babaeng kumuha ng pangalan niya, yung classmate ko. Aiden James Almazan daw. Add-add sa facebook then chat. 

Aiden James Almazan - active now - Ito na this! Chinat ko lahat ng girl friends ko para humingi ng advice kung okay lang i-chat si KFC Boy at okay lang naman daw, chat lang kasi. 

Hi Kuya! Yun lang po :) - send.. no! Pinipigilan ko ang sarili kong i-send yun sa kanya. Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko. Ewan, sobrang weird kasi. Twenty-minutes na ang lumipas di ko pa din nase-send sa kanya, offline at online siya sa facebook, kaya bago pa naman siya tuluyang mag-offline gagawin ko na ang first time kong gagawin sa buong buhay ko sa pamamagitan ng facebook.

Enter.... SEND! Nauntog pa nga ako sa sa upuan kasi napayuko ako. Nag-offline ako bigla di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Tinignan ko ang inbox ko...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Flipped (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon