Bulaklak

105 1 0
                                    

BULAKLAK

Ni Bitter Ocampo

                Masayang-masaya na naman ang batang Lily dahil silang dalawa ng tatay niya ay mamamasyal ulit sa parke. Nakahanda na siyang umalis ng kanilang bahay suot ang damit na may disenyong bulaklak na bigay sa kanya ng kanyang yumaong ina, na sinamahan pa niya ng bulaklak na ipit sa kanyang buhok.

                “Itay, saang parke tayo pupunta?” tanong ni Lily sa kanyang ama.

                “Siguro anak sa Luneta na lang, pero magsisimba muna tayo ha?” sagot ng kanyang ama.

                “Sige po!” masaya namang sagot ni Lily.

                Pagkapunta nila sa simbahan, umupo sina Lily at kanyang ama sa bandang harapan. Tila hindi mapakali si Lily sa kanyang kina-uupuan dahil talaga naming gusto na nyang pumunta sa parke. Hilig ni Lily ang mga halaman at maki-salamuha sa kapwa niya bata. Mag-isa lang siya na anak ng kanyang ama at ina na namatay noong pinanganak siya. Kaya ganoon na lang ang kanyang kagustuhan na pumunta sa parke na ikinagalit ng tatay niya dahil sobra na siyang naglilikot sa simbahan.

                “Anak ‘wag ka munang malikot, sige ka magagalit na sa ‘yo ang Panginoon” bawal ng kanyang ama.

                “Pasensya na po itay, pasyensya na po Papa Jesus.” Sabi ng bata habang nakaharap sa krus kung saan nakapako ang Diyos.

                Noong natapos na ang simba, patalong lumalakad si Lily habang hawak niya ang kamay ng kanyang ama noong nakita niya ang isang batang umiiyak. Napatigil si Lily habang nakikinig sa usap ng bata at ng ama.

                “Akin na kasi yang laruan ko!”sigaw ng bata habang umiiyak.

                “Hindi ko ‘to ibibigay ‘pag hindi tayo pumunta sa park. Doon tayo pupuntahan ng mama mo.” Sabi ng kanyang galit na ama.

                “Ayoko! Sige sa iyo na yang robot ko! Bibili na lang ako sa baon ko! O kaya eh nanakawin ko na lang toys ng mga kaklase ko!!” malakas na sigaw ng bata.

                “Junn, gustong-gusto ka ng makita ni mama mo. Alam mo bang pagka-silang mo, umalis siya kaagad para mabili mo ung mga toys na meron ka ngayon?” mahinahon na sabi ng kanyang ama.

                “Ah basta! Wala akong mama! Sa ‘yo na rin nanggaling papa! Na iniwan niya ako!” sigaw ng bata sabay hugot sa kanyang laruan at tumakbo sa kanilang sasakyan.

                Napa-yuko si Lily ng makita niya ang away ng mag-ama. Tila nalungkot siya sa sinabi ng bata.

                “’Tay, iniwan ba ako ni inay?” malungkot na tanong ni Lily.

                “Anak, ‘di ba sabi ko naman sa ‘yo na kinuha siya ni Jesus kapalit mo. Gusto kasi ni Jesus na ikaw na ang magpatuloy ng buhay ni mama.”

                “Hmm. Ganon ba? Sige na nga magiging katulad ko din si mama!” nakangiting sabi ni Lily.

                “O, Tara na ba o ayaw mo na?”

                “Si itay naman. Syempre gusto ko!” sabay sakay sa kotse ni Lily.

At noong nakapunta na sila sa parke.Nakangiting bumaba si Lily ng sasakyan at sabay pumunta sa isang lugar sa parke kung saan maraming bulaklak at halaman.

BulaklakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon