Pasensya na po kasi di ako nakapag-update kagabi. Sobrang dami po kasing ginagawa eh. Hope you like this UD. Thanks! >:))
--------------------------------
Continuation....
*flashback* (3 months ago)
Kakalabas ko lang galing library. Kasi naman, sobrang dami pang pinatapos nung professor ko, Student Assistant niya kasi ako eh. Mga 5:30 pm narin kaya pumunta na ko ng gym para hintayin si Jet.
Pagpasok ko wala ng tao sa loob ng gym. Umupo ako dun sa bleachers.
[ui Jet! Wag mo na paasahin yan! Bahala ka pag ikaw nagsisi.] Sabi nung lalaki galing sa washroom. Team mate niya 'to for sure.
[Oo nga 'pre!] Sabi pa nung isa.
Sino ba yun? Sino ba yung pinapaasa niya? Ako? Hindi pwede mangyari yun. Mahal na mahal ako ni Jet. Almost 1 year nga siya nanligaw sakin eh. Lahat ng paraan ng pwede niyang gawin para lang mapasagot ako ginawa na niya. Hinintay niya ako for how many months. Una nga akala ko, di siya seryoso, pero unti unti narealize ko din na mahal ko na siya. Tapos papaasahin niya lang ako? Di rin. Kung kelan mahal na mahal ko na siya? Naku hindi talaga niya gagawin yun. Kilala ko si Jet. Di Ganun ang ugali niya. Siguro nga baka nagkamali lang ako ng rinig. Ang hina kasi nung sinabi eh.
Biglang lumabas si Jet mula sa washroom at mukhang kakaligo niya lang. Spell HOT. J-E-T. Ngumiti lang ako sa kanya at lumapit siya sakin.
"Rish Babe~ I miss youuu~ Tara na." Sabi niya sakin sabay akbay at nagwave siya sa mga team mates niya. ^///////////^ grabee kahit magt-two years na kami feeling ko namumula parin ang pisngi ko sa kada moves niya eh. PSH so gay =.= I know. But I love him eh. Kaya kinikilig parin ako. He's the only one who calls me RISH by the way. Kasi CHE ang tawag ng lahat sakin.
"Haha. Cheesy ah. Kapagod. San ba tayo ngayon?" Sabi ko sa kanya
"Ah may alam akong magandang puntahan dun malapit sa mall" Sagot niya tapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Grabe. Sumosobra yata ang sweet sakin nito? Hindi niya naman ugaling pagbuksan ako ng pinto eh. Kyaaaaah Oh Shems.
"ui! Answeet mo yata ngayon? Ano meron?" Tanong ko sa kanya pagkaupo niya sa driver's seat.
"Ha? W-wala. Basta. Edi i-enjoy mo nalang hangga't ganito ako. Haha." Sagot niya pagkatapos ay kinabit niya ung seat-belt ko. Napaka sweet talaga. whaaaaaaaaaaaa kinikilig nanaman ako sa mga pinagkikikilos neto. Grabeeee. Anyare dito?
Nakarating din kami dito in 30 minutes. Ang ganda dito. Parang damuhan sa garden tapos may ilang mga puno rin at benches. Tapos ilaw lang ng buwan at isang posteng may ilaw Grabe ang ganda dito. Answeet talaga. Kyaaaaah >//////////< Kinikilig ako!
"Tara" Sabi niya. He held my hand and squeezed it. Feeling ko ngayon? Cloud 9! Grabe. Heaven na yata. It's the feeling of when you're with your loved one, he's holding your hand and you're at the perfect place. Graviiiiiity kinikilig talaga ako. Kaya mahal ko 'tong mokong na 'to eh! Alam niya kung pano ako papasayahin. ^_^ So Lucky!
Pumunta kami dun sa isang puno at umupo sa ilalim nun habang nilalabas niya yung ipod niya. Kinikilig parin ako shemss. Nilagay niya yung isang piece ng headset sa tenga ko tapos sa kanya naman yung isa.
Pagkatapos nun, isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. Ewan ko pero automatic na sinandal ko yung ulo ko sa ulo niya. Gets nyo ba? Basta iimagine nyo nalang.
I wish we could be like this forever.
I wish we could be in this position forever.
I wish we still love each other forever.
"Sana ganito nalang palagi..." Ako
"Huh?" Siya
"Sana lagi nalang tayong ganito. Yung sweet, walang iniintindi, I wish we could be like this forever" Ako
"Sana nga" Siya
"Rish.." tawag niya sakin
"hmmm?" ako
"I think we have to talk" siya
"were already talking" ako
"No, I mean we have to talk about us?" siya
"huh? I don't get you" ako
Umalis siya sa pagkakasandal sakin at umayos ng upo kaya napa-ayos din ako
"Alam mo kasi, sa tingin ko kailangan na nating itigil 'to..."siya
"but---"ako
"No Che, malabo kasing tayo ang magkatuluyan kaya siguro dapat habang maaga pa, tapusin na natin 'to. Sayang lang yung panahon at memories na aaksayahin natin. Kung sa huli, kakalimutan din natin diba? Saka kung hindi pa natin 'to ititigil mas lalong magiging mahirap para satin. Para maka-move on ka. Sorry sana maintindihan mo." tumayo na siya. At dapat na aalis. Pero hinawakan ko yung laylayan ng shirt niya. Nakaupo pa kasi ako eh.
"Please.. Jet wag naman ngayon." ako. Tumayo ako para makaharap siya. Yinakap ko siya ng mahigpit and he hugged me back.
"Please. Sabihin mo naman sakin kung bakit..." ako
"Kalimutan mo na ko.." siya
"Di ko kaya. Di ko magagawa yun. Kaya ba sobrang sweet mo ngayon ha?!" ako
"Lets end this. Lets break up. Please let me go. Be happy now. Goodbye." siya
With that kumalas siya sa pagkakayakap sakin at iniwan ako. Iniwan niya ako doon na luhaan. Napaupo ako sa damuhan. Umiyak lang ako ng umiyak. Di ko matanggap ang mga sinabi ni Jet sakin. Bakit ngayon pa? Bakit di nalang dati? Edi sana di mo nalang ako niligawan kung alam mong di tayo ang magkakatuluyan. Jet. Mahal kita. Mahal na mahal.
Di ko maisip ang mga pwedeng dahilan ng pakikipag-break niya sakin. Grabe. All this time ng pagiging sweet niya, yun pala ang dahilan? Pero bakit? Bakit niya nasabing hindi kami ang magkakatuluyan? TTTT^TTTT
"Lets end this. Lets break up. Please let me go. Be happy now. Goodbye."
"Lets end this. Lets break up. Please let me go. Be happy now. Goodbye."
"Lets end this. Lets break up. Please let me go. Be happy now. Goodbye."
Pero Jet, masaya ako sa'yo. Masaya na ako sa'yo. Paano ko magiging happy kung iiwan mo ako? Bakit para sa'yo andali-dali lang na iwan ako? Bakit?!!! Ito ba ang kapalit ng pagmamahal ko sayo? Ang iwanan akong luhaan dito?
*end of flashback*
BINABASA MO ANG
The Reason
Short StoryThe Reason Tungkol ito kay Che. Bakit siya iniwan ni Jet? Read this. Ka-echosan! pero ito ang unang one shot / short story ko na seryoso! promise!