Jennifer's POV
Hinablot ng mga tauhan sila Hazel, Klyde, Cazene, Timo, at pati na rin si Paul.
Tinutukan sila isa isa ng mga baril sa leeg upang di makakilos at magstay lang sa kanilang mga kinatatayuan.
Umiiyak nako sa sobrang galit at dahil na rin sa iniisip ko na baka, dito na kami mamatay at ito na ang magiging katapusan namin.
Lalo akong humagulgol ng hawakan ni Jarred ang kamay ko at sinabi niyang " Mahal na mahal kita "
Paulit ulit niya itong sinasabi at paulit ulit ko ding sinasabi ang mga salitang " Patawad, at Mahal din kita "
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya habang yumayakap sa kanyang tagiliran. At habang ginagawa namin yon, nagiiyakan nadin ang mga kaibigan namin na tila ba alam na nila ang susunod na mangyayari.
Si Samantha ay patuloy lang sa pagtawa na akala mo demonyong nagpapahirap sa amin.
Patuloy na rin akong nagdadasal dahil gusto kong umasa na mawawala din kami sa sitwasyon na nangyayari na sa amin ngayon. Nagdadasal ako na sana maligtas ang mga kaibigan ko at pati na rin si Jarred.
Ako? Tama lang siguro na mawala na ko sa mundo sa dahil sa mga kasalanang nagawa ko sa buong buhay ko.
Naiisip ko na rin ang mga magulang ko na dapat sana, hindi ko sila sinuway, hindi ako dapat sana naging masama sa kanila. Kung gumawa sana ako ng mabuti sa kanila, hindi ko sana pagsisisihan ang mamamatay ako ngayon." Ang dami niyong drama nakakakatawa kayo. " sambit ni Samantha na ngayon ay itututok na sa akin ang baril. Nabigla na lang ako ng hablutin nila si Jarred dahilan ng pagbitaw niya ng kamay sa akin.
" Waaaaaag!!!!!!! " sigaw ni Jarred habang nilalayo siya sa akin.
Nasasaktan nako sa mga nangyayari ngayon.
" Sige para tumahimik kana Samantha, patayin mo na ako ngayon! Basta ipangako mo sa akin na hindi mo idadamay ang mga kaibigan ko! " sigaw ko sa kanya.
" Sure, yun ay kung marunong din akong tumupad sa pangako HAHAHAHA " tawa niya na parang sinasabi niyang hindi siya tutupad sa usapang ititira niyang buhay ang mga kaibigan ko.
" NAPAKAWALANG HIYA MOOOOO! " Sigaw ko sa kanya na may halong lungkot at galit.
" Shut up! This is your time para umalis na sa earth na to. Seeyah in your next life you bitch! " at itinutok na nga niya sa akin ang baril.
Dito na, dito na magtatapos ang buhay ko. Kahit hindi nila marinig ang mga sasabihin ko. Ako talaga ay sobrang nagsisisi sa mga ginawa ko noon. Sa pagtataray ko, pagsusungit ko, pambabastos ko, pagiging spoiled brat. At kung hindi man nririnig ni Jarred ang mga salitang ito, alam niya at alam ko rin na mahal na mahal ko siya.
" Kapag sinabi kong 3, you die. "
1
2
3
Hazel's Pov
Naging masama ako pero hindi dapat mangyari kay Jennifer to. Nasasaktan ako sa mga nakikita ko right now. Parang bang yung puso ko sasabog na, naiiyak nako sa mga nakikita ko. Lalo na't nakikita ko na ipuputok na ni Samantha ang baril kay Jennifer.
Pero napapikit nalang kaming lahat ng pumutok ang baril. At pag mulat ng aming mga mata, hindi si Jennifer ang duguan at ngayong nakahilata sa lapag. Hindi si Jennifer ang iniiyakan namin ngayon. Hindi si Jennifer ang namatay.
BINABASA MO ANG
MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETED
Fanfiction[ LANGUAGE: FILIPINO ] MY FAKE BOYFRIEND IS AN UNEXPECTED LOVE STORY OF TWO PEOPLE WHO DECIDED TO PLAY A FAKE RELATIONSHIP. THAT FAKE GIRLFRIEND AND BOYFRIEND THINGY TURN INTO A REALITY? STORY STARTED : 04|13|17 " WHEN FAKE RELATIONSHIP COMES INTO R...