@ Martinez Residence
Pagkatunog ng alarm clock ay agad ng bumangon si Jenna sa kanyang kama at ng nakapag-unat na nito ay agad na niyang ginawa ang kanyang day/night rituals. Nang matapos na ay agad na siyang bumaba at pumunta sa may dining area.
"good morning ma" wika ni Jenna sa kanyang ina sabay hinalikan niya ito sa pisngi.
"good morning din 'nak, kumain ka na at ng hindi ka mahuli sa eskwela" sagot naman ng ina ni Jenna na si Mrs. Martinez.
Agad naman sinunod ni Jenna ang utos ng kanyang ina at ng matapos na siyang kumain saka nakapagsipilyo ay agad na itong nagpaalam sa kanyang ina para pumasok sa eskwelahan.
@ School
Pagkadating ni Jenna sa BNHS o Bacoor National High School ay agad na siyang tumungo sa may bulletin board at ng makita na niya ang kanyang pangalan...
B-Name: Herrera, Mark Angelo H.
G- Name: Ramirez, Jenna Lyn M.
Section: I- I
Room: ¹SB #3
ay dali-dali na itong pumunta sa magiging room nito ng.......................
"Blagggg!"
Dahil sa kamadalian sa pag-akyat ng hagdanan papunta sa kanyang room ay hindi napansin ni Jenna ang binatang nasa kanyang harapan na nabangga nito. Dahil sa lakas ng pagkabanga ay agad naman siyang nasalo ng binata.
"miss" agad na wika ng binata ng masalo niya ang dalaga.
Agad naman nakaramdam ng kakaiba si Jenna ng mahawakan siya ng binata kaya agad na itong humiwalay.
"ayos lang ako" sagot ni Jenna sa binata sabay dali dali itong pumasok ng room.
Nang makapasok na si Jenna ay agad itong umupo sa tabing upuan nila Hero at Sandara.
Makalipas naman ng ilang minuto ay agad ng pumasok sa loob ng room ang binatang nakabanggaan ni Jenna at agad itong lumapit sa kinaroroonan ng dalaga.
"miss, may nakaupo na ba diyan?" tanong ng binata sa nakabanggaan niyang babae sabay turo nito sa bakanteng upuan ngunit hindi siya pinansin imbes na ung isang dalaga ang sumagot.
"wala pang nakaupo dyan" sagot agad ni Sandara sa binata.
Nang marinig ito ng binata ay agad itong umikot at umupo sa katabing upuan ng dalagang nakabanggaan niya.
Pagkaupo ng binata ay agad itong nagpakilala sa kanyang mga katabi.
"i'm Mark Angelo Herrera...Angelo for short & your names are? wika at tanong agad ni Angelo sa kanyang mga katabi sabay inilahad nito ang kamay niya .
"i'm Hero Roberto Alcantara...Hero for short at ito namang katabi ko na nasa kaliwa ay si Sandara Angeline Alvarez" sagot naman agad ni Hero kay Angelo sabay tinanggap nito ang pakikipagkamay ng bagong kaklase.
"hi" tanging naging wika lang ni Sandara kay Angelo sabay tinanaggap nito ang pakikipagkamay din sa kanya ng bagong kaklase.
"how about you miss..?" wika at tanong ulit ni Angelo sa katabi nitong dalaga na nakabanggaan niya kanina sa hallway sabay inilahad muli nito ang kanyang kamay.
"i'm Jenna Lyn Ramirez....Jenna for short" sagot naman agad ni Jenna kay Angelo sabay tinanggap na nito ang pakikipagkamay sa kanya ng binata.
Makalipas pa ng ilang minuto ay agad ng dumating ang kanilang adviser.
Dahil sa first day pa lang ng school ay tanging class schedule at assignment lesson lang na para bukas ang ipinakopya ng kanilang adviser hanggang sa tumunog na ang bell...hudyat ng pagtatapos ng klase sa araw na ito.
"goodbye class & see you tomorrow" wika agad ni Mrs. Abrigonda sa kanyang mga estudyante.
"goodbye Mrs. Abrigonda & see you tomorrow" sagot naman agad ng mga estudyante.
Pagkalabas ng adviser ay agad ng nag-unahan sa paglabas ng room ang ibang mga estudyante maliban kina Jenna, Angelo, Sandara at Hero.
BINABASA MO ANG
Meet Your Match!
Romanceang istoryang ito ay tungkol sa isang highschool girl na na-meet ang kanyang unexpected match.