#CGVSDB
Chapter 22 - Rome, TK & Xyriel
Author's Pov
Noong makauwi sa bahay niya si Rome upang makapagpalit lamang ng damit, hinubad kaagad niya ang shirt na kanyang suot tsaka nilagay sa loob ng basket.
" Yaya, pakilabhan ng damit. " Utos niya sa kanilang kasambahay noong sumilip ito sa kanyang kwarto dahil alam nitong may ipaguutos siya.
"Sir? Labhan po?" Hindi naman nakakasiguradong paguulit nitong tanong sa kanya.
Napahinto sa kanyang ginagawa si Rome at tinitigan iyong bago nilang kasambahay. Isa pa naman sa pinakaayaw niya ang inuulit ang kanyang sasabihin.
"Bingi ka ba? I told you to wash it, ngayon din! Sa tingin mo patatagalin ko pa iyan dyan sa basket?— Malamang hindi, kaya nga pinapalabhan ko diba?"
Naiinis si Rome sa katangahan nito at pinipigilan lamang niyang magalit ulit, kung tutuusin ay marami na siyang napalayas na kasambahay nila, mga tatanga tanga kasi ito pagdating sa kanya. Pakiramdam niya'y simpleng bagay lamang ang kanyang ipinapagawa, hindi man lang magawa. Bago umalis ang kasambahay na ito, muling lumingon so si Rome upang magtanong.
"Sandaling lang." Lumingon ang kasambahay na ito upang tignan si Rome. "Matanong ko nga—pumasok ka ba sa kwarto ko?"
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Teen Fiction[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...