COFFEE 4

199 22 11
                                    

Xia.

   TATLONG buwan na ang nakalilipas at masasabi kong sobrang close na namin ni Xenon. Madalas kaming lumabas na dalawa kung hindi naman ay pinagluluto ko siya tuwing wala akong pasok dito sa apartment.

  Ngayon ay napili naming mamasyal sa Amusement park. Bigla na lamang siyang nag-aya at pinagbigyan ko na lang din dahil wala naman akong pasok ngayon.

"Bakit ba bigla mong naisipang pumunta dito?" Tanong ko pagkarating namin sa lugar. Hindi kasi ako palalabas ng apartment. Ako iyong tipo ng babaeng mas pipiliin pang humilata sa kama kaysa mamasyal.

In-short, hindi ako mahilig gumala. Boring ako ganern. Mas gugustuhin ko pang magbasa ng libro .

"Hmmn? May listahan ako ng activities nating dalawa." Sabi niya at inabot sa akin ang isang pirasong papel.

"Sinong gumawa nito?" tanong ko.

"Si Pei. Mukhang nagustuhan ka talaga niya." Nakangiti nitong sagot. Napamaang naman ako. Talagang pinagtutulukan na kaming dalawa.

Gusto ko tuloy na magpatulak na lang kami nang magpatulak. Malay mo kakatulak sa amin parehas kaming mahulog.

Ayoko naman kasing mag-isang mahulog sa relasyong meron kami ni Xenon. Natatakot akong walang sasalo sa akin dahil marupok lang naman ako at mabilis mahulog sa lalakeng nagpapahalaga sa akin.

Iba din si Xenon sa mga lalakeng nakilala ko. Hindi siya basta-basta. Gusto ko siya at ibang-iba ang pakiramdan ko kapag kasama ko siya. Iyong tipong kahit anong gawin namin basta siya iyong kasama ko ay masaya na ako.

Binasa ko ang nakalagay sa listahan.

To do in your date:

Go with her in an Amusement Park. Ride in a Ferris Wheel.

Spend your night together in a rooftop and watch the night sky.

Witness the sunrise together.

Tatlo lang iyon pero na-excite ako dahil doon. Hindi ko alam na may alam din pala si Pei patungkol sa mga ganitong bagay. Akala ko ay sa pag-aayos lang siya magaling.

"So?"

"Then let's do it together." Nakangiting sabi ko at lumiwanag naman ang mukha nito.

Katulad ng dati ay hawak kamay kaming naglakad habang nililibot namin ang kabuoan ng lugar.

Napapangiti na lamang ako sa tuwing napapatingin ang ilang mga kababaihan kay Xenon pero napapalitan ito ng pagkadismaya kapag napapatingin na sila sa akin.

I got him girls.

"Are you hungry?"

Tumango ako. 

"I want to eat there." Turo ko sa hilera ng mga street foods.

"Are you sure? You don't want to have an upset stomach."

"Sanay akong kumain sa street foods mula noong elementary kaya immune na ang tiyan ko sa mga street foods!" Natatawang sabi ko. Nangingiting napailing na lang sa akin si Xenon at sa huli ay binili niya din ang gusto ko.

Sayang-saya ako habang kumakain ng fishball, kikiam at kwek-kwek. Sinawsaw ko pa ito sa suka. Hindi din lingid sa paningin ko ang pag-ngiwi ni Xenon kaya napatigil ako sa pagkain.

"Gusto mo?" Alok ko sa kaniya at inakmang susubuan siya ng kwek-kwek.

"Masarap ba talaga?" Tanong niya na nagpatawa sa akin.

"Oo naman. Tikman mo kasi." Pagpupumilit ko. Sa huli ay sinubo niya din.

Walang emosyon ang mukha niya habang nginunguya ang kwek-kwek na isinubo ko sa kaniya. Napaangat ang kilay ko nang magbago ang emosyon nito at napalitan ng isang ngiti.

A Search for Love [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon