Chapter 5
His Sorry?"Labs! Nasa labas si Cold! Mukhang ikaw ang hinihintay, bilis!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mina. N-Nasa labas siya?
Akala ko hindi totoo ang sinabi niya sa text. Myghash! What I am going to do?
"Bilis na! Wag paligoy-ligoy!" Wala na akong nagawa ng hilain niya ako.
"What took you so long?" Iritang sabi ni Cold nang makalapit ako. Tumingin ako kay Mina at nag thumbs up lang siya.
Walanjo..
"Ah eh..W-wala."
"Tss. Come on. I'm hungry." Nakapamulsa niyang sabi at nilagpasan ako.
Napapout ako. "Edi sana hindi mo na ako hinintay kung gutom ka na pala."
He rolled his eyes. So gay! "Stop complaining and follow me." Sabi niya at nagsimulang maglakad.
Huminto siya sa paglalakad. Nahalata niya ata na hindi ako sumunod sa kanya kaya bumalik siya as he groan.
"Such a stubborn. Tsk!" Rinig kong bulong niya nang hilain niya ako sa aking braso.
"Maganda naman." I smirk. Hahaha!
"Shut up." Sabi niya na ikinatawa ko.
Nang makarating kami sa cafeteria ay nakita ko si Prince while waving his hand. I wave at him back and come near him.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Tara? Did you feel comfortable now?" Prince broke the silence dahil para matigilan ako sa pagkain. Nakangiti siya habang kumakain. Nakakahawa ang ngiti niyang iyon kaya hindi ko maiwasang hindi ngumiti.
"Yes. And balita ko kasi ikaw ang nagdala saakin doon. Thank you anyway." Nahihiya kong tugon na ipinagtaka niya.
"Huh? Anong—"
"Ahem!" We heard a fake cough. Tumingin ako sa katabi ko. Yes, katabi ko po siya. Ayaw humiwalay ng budoy na ito eh.
Kita ko ang pagkakunot ng noo niya at pagdiin ng paghawak niya sa kutsara at tinidor.
"Oh, anong problema mo? Nag-uusap kami dito kaya wag kang extra jan noh!" Sabi ko.
"Tss." Aba! Sapakin ko kaya ito! Tch!
Narinig kong tumawa ang nasa harapan namin. Hindi nalang ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain.
"Tara?! Tara!" Hindi pa ako tapos kumain ng may marinig ako ng tumatawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito.
"Oh, Rap! Anong kailangan mo?" Si Rap lang pala. Akala ko kung sino na.
"Tara! Did you see Mina? Hindi ko kasi siya makita eh." Bigla akong kinalabit ng kaba kaya kaagad kong tinawagan si Mina.
Nagriring ng tatlong beses pero lalaki ang sumagot. [Hello?]
"Where the hell is my bestfriend?" Medyo lumakas na ang boses ko sa sobrang pag-aalala. Wala na akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao dito. Besides, kanina pa ako tinitignan dito, hindi lang tinitignan kundi tinititigan ng masama. Tch.
[Chill ka lang, Tarako. Wala akong gagawing masama sa kanya. Masamang masama lang.] He said as he laughs like a witch.
"Pakyu ka bente! You can't fool me around, Zeke. Masasapak kita." Zeke is her boyfriend na patay na patay sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag at tinignan ng masama si Rap.
He just looks me innocently and mouthed "What?"
[Nandito kami sa mall. Why?]
"Wala. Ito kasing baklita na friend niya hinahanap siya kaya akala ko may nangyari ng masama." Umupo ako sa kina-uupuan ko.
Tumingin ako sa paligid. Napapa-iling ang mga lalaki then halos patayin na ako sa tingin ng mga babae.
Narinig kong tumawa si Zeke. [Alright, then.]
"So?" Sabi ni Rap as he sit in front of us.
"Wag mo akong maso-so jan. Pinakaba mo akong lintek ka."
"Well. Sino ba nagsabing seryosohin mo iyon?" Tumawa siya ng malakas. Kumunot ang noo ko.
"It was just a prank, you know! Hahaha!" Bago ko pa siya mabigwasan ay tumakbo na siya.
Damn him!
Nasa tapat na kami ng gate pero wala parin siyang kibo. Hinihintay ko siyang magsalita pero parang wala siyang balak na magsalita kaya bababa na sana ako pero natigilan ako ng magsalita siya.
"Sorry.."
Nilingon ko siya at binigyan ng pagtatakang tingin. "Sorry for what I did last week." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Kita ko ang pagkasincere niya.
Hindi ko alam na may side pala siyang ganito. Ang balita ko kasi sa kanya ay isa siyang basagulero, Playboy—Basta negative thoughts. Pero bakit ganito? Parang unti unti ko siyang nakikilala aside sa nangyare nung last week.
"I'm really sorry, Tara. I didn't mean to hurt you. It's just that...I'm in a bad mood that day. I'm sorry."
"Alam mo.. Hindi na kita maintindihan eh. Una, Sinabi mo kay Fiona na ako ang bago mo. Then, Last week you hurt me dahil bad mood ka noong araw na iyon. Tapos ano ito? Parang isang iglap, naging mabait ka saakin. Hinintay mo ako kanina at hinatid mo ako ngayon. Pwede bang ipaintindi mo sakin? Kasi ako, Wala talaga akong maintindihan sa mga ina-akto mo." Hindi ko mapigilang tanong. Pati kayo naguguluhan, diba?
Nakatitig lang siya saakin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya dahil hindi naman ako mind reader.
Matagal siyang tumitig sa mga mata ko na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. Narinig ko nalang ang buntong hininga niya at umiwas ng tingin sabay sabi "Goodnight."
Lalong naging magulo ang lahat. Bakit hindi niya masabi-sabi?
Tinignan ko siya ng matagal at ng makumpirma kong wala na siyang balak pang magsalita ay bumaba na ako at pumasok sa bahay diretso sa kwarto.
Why you always leave me confused? Why, Cold? Why?
BINABASA MO ANG
Crush Ko Siya [On going]
Teen FictionI have a CRUSH. Heartthrob. Masungit. Pero kahit ganun hindi mawala ang paghanga ko sa kanya. Ganun naman talaga, diba? Pag gusto mo ang isang tao kahit anong ugali niya kaya mong tanggapin. Kaso, iba lang saakin. May pagkamysterious siya na pati...