BBI-15

6 0 0
                                    

Sinimulan

Kung paano nagsimula ang lahat? HINDI KO ALAM, parang lumingon lang ako sandali pagbalik yun na e, kami nalang yung naiwan, pero bakit kailangang...

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Wala!" sabay ngiti niya sakin

Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako tinignan ng ganon as in NO IDEA! pero mas di ko gets kung paano kami nagkatitigan ng ganun, hindi ko naman sinasabing kinilig ako pero...

"Uuwi kana?" tanong niya

"Uhm-Uhm" Sagot ko

"Sige sige, babye" sabay ngiti niya

"Bye"

"Oy Mika uuwi na si Pol" dagdag niya pa

Kailangan ko pang matapos yung dinadrawing ko yun lang naman ang dahilan ko kaya kating kati akong umuwi pero parang may mag uudyok saking mag stay.

"Oy Babye Pol" Sambit ni Mika

Nakailang babye kami bago ko umuwi pero ayun umabot kami ng Dragon 8 at doon kami nag si CR tsaka sila nagtanungan kung saan saan ba maari makahanap ng ganon.

"Byeeee!" sigaw nila

Sa wakas makakauwi na ako ng matiwasay pero bakit ganun? bakit sobrang bagal ata ng usad ngayon dito sa lugar na to, kaya eto tumatakbo ko pabalik sa lugar kung saan ko sila iniwan.

"Oy kala ko ba umuwi kana?"

"Mika tignan mo oh bumalik siya" dagdag niya pa

Hindi ko alam kung bakit masaya siya noong nakita niya akong bumalik, yung mata niya parang kumikinang e

"Sama na ako sa inyo e ang tagal kasi ng usad doon e" sambit ko

"Yehey!" sambit ni Jessa

"Ayan! Marami na tayong maliligaw" matawatawa niyang sabi

Nagsimula na kaming baybayin ang Divisoria nagsimula sa lugar kung saan hindi namin alam kung saan banda yung Pacilo(168) na nagbebenta nung hinahanap namin.

"Try natin sa kabila"

Hindi ko alam kung saan kami napadpad pero parang may lusutan pa doon sa pinakadulo ng 168, ang saya lang kasi ayaw nila sakin maniwala na doon yun.

"Sabi ko sa inyo doon tayo galing e!" matawatawang sambit ko

"Ba't di ka nagsasalita!"

Hindi siguro nila ako nadinig may kahinaan kasi yung boses ko e, kaya ayun bumalik kami sa lugar kung saan ko tinuro yung sinasabi ko pero mali pala kaya...

"Hay nako Pol!" pabirong sambit ni An

Kung saan na kami dinala ng tadhana, turo dito punta doon kanya kanya ng reklamo, masasakit na paa, naiinitan at kung ano ano pa pero napaka saya pala sila kasama.

"Nakakapagod!" sambit ni Mika

"Oo nga e" sang ayon ni Jessa

Kahit sino naman siguro mapapagod kakaikot sa Divisoria no? lalo na kung ni isang clue hindi pa rin namin nahahanap kung saan ba talaga?!

"Uy baka naliligaw na tayo?" matawa tawang biro ni Mika

"Kaya nga e" tawa naman si An

"Oo nga e, di ko na nga binibitawan si Pol e baka mawala"

Sila:

Ako:

Yung bag ko:

Divisoria:

Kru Kru

Tuwang tuwa ako ng mga panahon yun, matatawag mo bang kilig yun?! bahala na basta ang alam ko need kong itago to' para hindi sila makahalata.

"Doon ba meron pa?"

Hindi niya na siguro na pansin na hindi na bag ko lang ang hawak niya minsan yung braso ko na at malamang di niya alam yun, nakakailang nung una pero naniniwala ako na "grab the oppurtunity"

"Gabi na pala?!" sambit ni Jessa

Nakakalungkot dahil wala kaming naitulong sa kanya, na baka hanapin niya yun mag isa sa susunod na pumunta siya dito, nakakalungkot na hindi niya na ako hahawakan, char!

"Sama ka na samin Pol!" - sambit ni Mika

"Sige na nga!" - sagot ko

Hindi ko naman inaasahan na kakain sila at higit sa lahat hindi ko nga pala pera ko, anduuuuun sa bahay pagminamalas ka nga naman, pero for some reason may pagkain ako.

"Nilibre ka ni Jessa!" bulong ni Mika

Gusto ko man tanggihan kasi nahihiya ako pero mas nakakahiya kung tatanggihan ko yung effort niya, sinabi ko naman sa kanilang bawal pero minsan lang naman.

"Sige hatid ko na kayo!" sambit ko

Hindi ko alam kung paano ko irerepay yung libre niya kaya ayun nagpresinta nalang ako na ihatid sila, at ayun hindi nila alam kung saan sasakay kaya medyo nakabawi.

"Doon banda may magsasakay, pag wala tawid nalang kayo" - paliwanag ko

#Baka

Sa loob ng kahon na parang salamin,
biglang napahinto at biglang napatingin,
sa mga matang mapang akit at nagniningning,
Anong tinitingin-tingin,
"Wala" ang sagot ng nag iisang bituwin,

Naaalala mo ba na bawat salita ay may ibig sabihin,
na hindi lang puso ang may kayang umamin,
Na kahit itanggi ng damdamin,
patuloy parin nilalasap ang minutong paparating,

Sa Atin,
hinawakan mo ang aking braso,
na para bang isang nobyo,
kinikilig ako kahit papaano pero,
hanggang dito nalang ako,
patuloy na aasa kahit wala namang tayo,

Masakit man tanggapin,
pero kailangang harapin,
na hindi habang buhay nandyan ang mga bituwin.

"Nay ano ulam?" - tanong ko

Mukhang wala siya rito pero mukhang nakaluto na siya, kaya agad akong kumain tsaka humilata na agad sa higaan ko, ngayon ko palang naramdaman yung pagod.

"Oh anong oras ka dumating?" tanong niya

"mga 8?!, siguro" sagot ko

"Aba! kanina ka pa pala, kumain ka na ba?" dagdag niya pa

"Kumain na ko!" sagot ko

Nagtanong pa siya ng mga ilan pero tumigil na rin siguro pagod din siya sa mga ginawa niya dito sa bahay, kaya ako naman syempre matutulog na maaga pa bukas e.

Bakit ba ikaw?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon